Backgammon – Lord of the Board Review

Dito ay matutunan natin kung paano maglaro ng backgammon at maging backgammon king! Mag-enjoy sa isang vintage table gaming experience na may tradisyunal na backgammon set, game dice, at gameplay. Maglaro ng Backgammon – Lord of the Board online at makipagkumpitensya laban sa iba pang mga master ng Backgammon. Anyayahan ang iyong mga kaibigan na samahan ka sa kasiyahan ng pagpapa-ikot ng mga dice at pag-unlock ng mga bagong feature. Kahit na baguhan ka sa larong ito at hindi pamilyar sa mga patakaran at setup, matututuhan mo ang mga ito habang umuusad ka sa larong Backgammon – Lord of the Board! Kaya, huwag madismaya at i-download ang app upang masimulan na ang paglalaro.

Ano ang layunin ng laro?

Ang pangunahing layunin ng laro ay ilipat ang lahat ng 15 ng iyong checkers/pieces sa gilid ng table or gameboard at pagkatapos ay simulan ang pagtanggal ng mga ito nang paisa-isa. Ang laro ay nilalaro na may kasamang dice at swerte. Ito rin ay naging sikat bilang isang board game. Kayo ay magpapalitan ng tira sa pamamagitan ng pagpapagulong ng dice at upang simulan ang laro kailangan mo munang maunawaan ang mga pangunahing patakaran. Ipagpatuloy lang ang pagbabasa ng artikulong ito para matuto pa tungkol sa laro. Tara na at tingnan kung hanggang saan ka dadalhin ng iyong swerte sa paglalaro nito.

Paano ito laruin?

Ang Laro Reviews ay magbibigay ng pangkalahatang-ideya sa larong Backgammon – Lord of the Board sa pamamagitan ng artikulong ito. Sa kasamaang palad, walang tutorial sa laro, ngunit maaari mong matutunan habang nilalaro ito. Ang bawat manlalaro ay may labinlimang checker o piece na gagamitin sa laro. Ang bawat kalahok ay binibigyan din ng tig-isang pares ng dice.

Ang board ay binubuo ng 24 na mahabang tatsulok na kilala sa tawag na points o pips. Ang mga tatsulok ay may color-alternating at nahahati sa apat na quadrant na may anim na tatsulok bawat isa. Ang apat na quadrant ay ang home board at outer board ng player, pati na rin ang home board at outer board ng kalaban. Ang mga home board at outer board ay nahahati ng isang divider na nasa gitna na tinatawag bilang bar.

Ang “blot” ay kapag ang isang checker ay nailagay sa isang open point. Kapag ang isang checker ay naging isang blot at kapag ang blot ay na-hit ng isang checker, ito ay kusang malalagay sa bar. Kung ang isang manlalaro ay may isa o higit pang mga checker sa bar, kailangan muna niyang muling ilagay ang mga ito sa home board ng kanyang kalaban. Kapag ang mga checker ng isang manlalaro ay nasa kanyang home board, maaari na niyang simulan ang “bearing off” o pag-aalis ng mga checker sa home board nito. Ang layunin ay dalhin ang lahat ng mga checker sa sarili nitong home board at pagkatapos ay alisin ang mga ito paisa-isa mula rito. Panalo ka sa laban pagkatapos mong maalis ang lahat ng iyong checkers.

Paano i-download ang laro?

Ang mga kinakailangan para matagumpay na ma-download ang Backgammon – Lord of the Board sa Android devices ay dapat Android 5.0 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Para sa iOS users naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na iOS sa 9.0. Ang makukuhang space ng app para sa Android ay 115 MB at 261.4 MB naman para sa iOS.

Maaari ring i-click ang mga link sa ibaba upang mag-download:

Download Backgammon – Lord of the Board on Android here

Download Backgammon – Lord of the Board on iOS here

Download Backgammon – Lord of the Board on PC here

Hakbang sa paggawa ng account sa larong Backgammon – Lord of the Board

  1. Hanapin ang anumang App Store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng larong Backgammon – Lord of the Board pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at i-connect ito sa iyong Facebook account.
  4. Ang data ng laro ay maiingatan o masi-save kung ili-link mo ito sa isang account.
  5. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng Backgammon – Lord of the Board!

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Backgammon – Lord of the Board

Ang laro ay nakabase sa swerte ngunit huwag mag-alala, may ilang mga diskarte na maaari mong gamitin. Narito ang listahan ng mga diskarte na maaari mong gawin:

  1. Unawain ang mga patakaran. Ang kumpletong pag-unawa sa mga patakaran ng backgammon ay makakatulong sa iyong manalo nang mas madalas. Kung ikaw ay isang baguhan sa backgammon, dapat mong tiyakin na lubos mong naiintindihan ang mga patakaran. Kung hindi ka pamilyar sa mekaniks ng backgammon, humingi ng patnubay o impormasyon mula sa mas mahusay na mga manlalaro.
  1. Kapag nauuna ka na sa karera, ipagpatuloy mo at kapag nahuhuli ka na sa karera, huwag na itong ipagpatuloy. Kung nahuhuli ka na sa laro, huwag ka nang makipagkumpitensya. Maaaring ito ay lohikal na diskarte, ngunit maraming mga baguhan ang tumatakbo pa rin gamit ang kanilang mga back checker kahit na sila ay nasa nahuhuli na sa laro.
  1. Gumawa ng mga puntos sa pamamagitan ng mga blots. Kapag nailagay ng isang manlalaro ang isang checker, ito ay tinutukoy bilang isang “blot.” Kung ang kalaban ay nakakuha ng tumpak na numero o kumbinasyon mula sa dice, siya ay may pagkakataon na “matamaan” o “magpabalik” ng isa o higit pang mga blots.
  1. Dapat mong harangan ang iyong kalaban. Tandaan na ang pagharang ay isang mabisang diskarte upang hindi maabot ng iyong kalaban ang bearing off stage nang maaga sa laro. Ilipat kaagad ang dalawa o higit pang mga checker sa ilang mga kritikal na point sa loob ng board upang mahirapan ang kalaban.

Pros at Cons sa Paglalaro ng Backgammon – Lord of the Board

Ang Backgammon – Lord of the Board ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga manlalaro na makapaglaro ng libreng Backgammon online. Kahit na ikaw ay isang ganap na baguhan, sa kalaunan ay matututuhan mo ito habang ikaw ay umuusad sa laro. Dinisenyo ito sa mas nakakaengganyo at nakakaaliw na paraan, na nagbibigay sayo ng pagkakataong ma-access ang mga karagdagang feature para matuklasan. Naglalaman ito ng maraming room na may iba’t ibang taya na ilalagay, interactive na gameplay, at isang vintage table gaming experience.

Ayon sa karanasan ng Laro Reviews, ito ay nakakaaliw at nakakahumaling. Ang mga patakaran ay simple at madaling maunawaan. Sa totoo lang, hindi mo kailangan ng anumang mga kasanayan upang maglaro nito, swerte lang ang kailangan mo. Dahil ang bawat pagkakataon mong tumira ay nakabase sa pamamagitan ng pag-roll ng dice at ang iyong kapalaran ay ganap na nakasalalay sa swerte. Ang pag-aaral sa mga patakaran lamang ang kinakailangan upang maglaro ng backgammon. Maaari kang maglaro 24/7 at makipagkumpitensya sa iba pang mga master ng backgammon online.

Maaari kang sumali sa mga live na backgammon tournament, makatanggap ng maraming libreng bonus, tingnan ang iyong profile sa istatistika, at maging bahagi ng pandaigdigang leaderboard. Ang real-time chat system ay nagpapahintulot sa iyo na makipag-ugnayan sa iba pang mga manlalaro online, at may mga hamon na magagawa mo upang makakuha ng mga karagdagang reward. Available din ang in-game purchases kung saan makakabili ka ng bundle ng mga barya at item.

Ang isa sa mga downside ng laro ay malinaw na ito ay isang pay-to-win system para makapaglaro pa, na hindi angkop para sa mga free-to-play na manlalaro. Pinipilit nito ang mga manlalaro na bumili kung gusto pa nilang magpatuloy sa paglalaro nito. Ang mga premyo na natatanggap mo mula sa pagkapanalo ay hindi matutumbasan ang mga natalong taya. Mukhang natatalo ka pa lalo kaysa nananalo. Kaya upang panatilihing interesado ang mga manlalaro ay dapat maglagay o magdagdag sila ng mga mini-game kung saan maaari pa silang makakuha ng mga karagdagang reward at aliw sa paglalaro nito.

Konklusyon

Malinaw na pinagsasama ng Backgammon – Lord of the Board ang dalawang bagay na ito: ang dice rolling at swerte mo sa laro. Ito ay higit na nakadepende sa swerte kaysa sa iyong kakayahan. Kung gusto mong maglaro ng board game na may ganitong klaseng konsepto, ang Backgammon – Lord of the Board ang perpektong app para sa iyo.

Leave a Comment

Login
Loading...
Sign Up
Loading...