Ball Sort Puzzle Online Color Game Review

Marahil ay naging pamilyar ka na sa larong ito. Malimit kasi itong lumalabas bilang isang ad sa ilang mga social media platform partikular na sa Facebook. May pagkakataon din na lumalabas din ito sa ilang mga online game bilang isa ring paulit-ulit na patalastas. Sa unang tingin, aakalain mong isa lamang itong simpleng laro. Isang tipo ng laro na maaari kang aliwin sa simula ngunit sa bandang huli ay mawawalan ka rin ng interes. Ngunit ano nga bang malay natin sa oras na subukan na natin itong laruin? Maaari nga kayang mali tayo sa inaakala natin? Ito ang Ball Sort Puzzle Online Color Game, isang color sorting game na inilabas ng Spica Game Studio. Ayon sa developer nito, ang larong ito ay isang fun, relaxing at maaaring makatulong upang mahasa ang iyong isip sa pagbuo ng estratehiya dahil ang goal mo sa larong ito ay i-sort ang magkakaparehas na kulay ng bola sa bawat tube. Halina’t subukan nating pasukin ang larong ito at alamin kung totoo nga bang relaxing, nakakaaliw at magandang gawing libangan ang app na ito!

Ano ang mga Bagay na Maaaring Makita sa Ball Sort Puzzle Online at Paano ito Lalaruin?

Sa oras na pasukin mo na ang Ball Sort Puzzle Online ay bubungad na agad sa iyo ang simpleng graphics na mayroon ang laro. Masasabing simple lamang dahil plain lamang ang makikitang disenyo sa background nito at walang kahit na anong design maliban sa mga guhit na mistulang isang grid. Ganoon din maging sa mga tube kung saan inilalagay ang mga bola ay mayroon lamang ordinaryong disenyo na ginamit para rito. Ang mga bola naman ay may kanya-kanyang solid na kulay, maaaring matingkad ngunit hindi naman masasabing masakit sa mata kahit pa matagal mo itong titigan.

Ngunit isang kagandahan sa larong ito na ang mga bagay na siyang unang bumungad sa iyo ay maaari mong i-customize depende sa nais mong maging itsura nito. Sa tatlong guhit na makikita sa kaliwang bahagi, kung saan makikita ang settings, makikita naman sa ibaba ang button na may pangalang Skins. Dito mo makikita ang tatlong features gaya ng background, bola, at tube kung saan may kalayaan kang palitan ang mga ito. Sa kabuuan ay mayroong siyam na skin para sa background. Simple pa rin ngunit nagiging catchy ito tingnan dahil sa kulay na pinagsama-sama rito. Samantala, ang mga bola naman ay mayroong iba’t ibang klase gaya ng numbers o kaya naman ay itsurang football. Bukod pa rito ay mayroon pang 13 na klase na nilagay para rito. Ang tube naman ay mayroon namang walong klase na maaaring i-unlock ng bawat manlalaro nito. Ang tatlong features na ito ay maaari mong ma-unlock gamit ang perang iyong maiipon sa laro o kaya naman ay sa pamamagitan ng panonood ng ads. 

Bagaman walang tutorial ang larong ito at talagang isasabak ka na agad nito sa mismong misyon mo ay hindI naman magiging mahirap para sa iyo na intindihin ang game mechanics. Gaya ng aking nabanggit sa itaas, simple lamang ang misyon mo sa larong ito dahil kailangan mo lang namang mag-match ng magkakaparehong kulay at ilagay ang mga ito sa iisang tube. Narito ang detalyadong paraan (mula mismo sa Spica Game Studio, na siyang developer nitong laro) kung paano laruin ang Ball Sort Puzzle Online:

  • Kung nais mong ilipat ang bola sa kahit saang tube ay kailangan mo lamang itong i-tap mula sa kasalukuyang pwesto nito patungo sa tube na nais mong puntahan nito.
  • May isa lamang rule sa larong ito at iyon ay maaari mo lamang ilipat ang bola sa kabilang tube kung ang bolang ililipat mo ay mayroong kaparehas na kulay sa tube na nais mong paglipatan nito. Kung wala itong kaparehas, maaaring ma-reject ang bola.
  • Upang mapanalo ang isang level, kailangan mo lamang mailipat ang magkakakulay na bola sa iisang tube.
  • Kung sakaling magkamali ka sa iyong move, maaari mo itong ibalik muli sa kung saan mo kinuha ang bola sa pamamagitan ng paggamit ng back button. Mayroon lamang limang beses para gamitin ito. Kung mangyaring maubos ay maaari ka namang manood ng ads para magamit ulit ito.
  • Kung sakali namang wala ka ng moves na magagawa at pakiramdam mo’y na-stuck ka na ay mayroon kang tatlong bagay na maaring gawin. Una, maaari kang magdagdag ng isang tube. Upang magawa ito ay kailangan mo lamang manood ng ads. Pangalawa, maaari mong i-restart ang laro, at pangatlo kung pakiramdam mo’y hindi mo na alam ang gagawin ay maaari mong i-skip ang level at balikan na lamang ito maya-maya.

Paano Naiba ang Ball Sort Puzzle Online Color Game Kumpara sa mga Laro na may Kaparehong Gameplay?

Para sa Laro Reviews, may mga katangian ang Ball Sort Puzzle Online Color Game na dito mo lamang makikita o mararanasan. Ilan sa mga ito ang masasabi mo talagang kalamangan ng laro kung ihahambing sa mga larong may katulad na genre. Narito ang ilang mga obserbasyon ng Laro Reviews para sa color sorting game na ito:

Hindi sagabal ang ads sa laro. Iilan lamang ang larong mayroon mang ads na maya’t mayang lumalabas ay hindi pa rin nagiging dahilan para tanggalin ang iyong interes sa laro. Masasabing ang Ball Sort Puzzle Online ang isa sa mga iyon dahil sa larong ito, mayroon mang ads na nagpapakita sa tuwing natatapos ang isang level, hindi naman ito ganoon kahaba. Umaabot lamang ito ng limang segundo at kung minsan ay maaari mo pang i-skip. Optional ka lang ding manonood nito gaya ng kung nais mo lamang makakuha ng reward. Tunay na hindi nito sisirain ang iyong laro.

Bagaman online ay maaari mo rin itong malaro offline. Isang magandang bagay na malaro ang Ball Sort Puzzle nang online dahil may ilang mga features ito na nangangailangan ng internet para magamit at upang makapag-claim ng reward. Gayunpaman, nakakatuwang maaari mo na rin itong malaro nang offline dahil maaari madala kahit saan at malaro kahit kailan mo gusto. Walang limitasyon.

May kalayaan kang baguhin ang intensity ng laro. Sa setting ng laro, may makikita ka doon na option kung saan maaari mong lagyan ng timer ang bawat level. Kung mangyaring gusto mo ng bago sa iyong laro o kahit papaano ay ma-challenge pa sa paglalaro nito, isang magandang ideya na i-on ito. Sa ganito, para mo na ring binigyan ng bagong bihis ang laro. 

Bukod sa Ball Sort Puzzle Online Color Game, Anong Laro pa ang Maaari mong Subukan Online?

Marami na ang nagkalat na laro sa Google Play at App Store. Bawat isa sa mga ito ay talagang may layuning hasain ang iyong isip pagdating sa pag-strategize para lamang manalo. Kaya naman kung nais mo ng isang laro na maaari mong isunod sa Ball Sort Puzzle pagdating sa pagiging entertaining nito at talagang nakaka-challenge ng utak, maaari mong subukan ang larong gaya ng Big Win Club. Laman ng game center na ito ang iba’t ibang klase ng larong Pinoy gaya ng Pusoy, Tongits, at pati na rin slots.  Marami pang laro rito ang hindi mo lamang ma-eenjoy, kundi maaari mo rin pagkakitaan. Tama! Dahil sa mga larong ito ay maaari kang kumita ng totoong pera. Kung nais mong malaman ang iba pang impormasyon tungkol dito ay i-download at subukan na ang Big Win Club app!

Konklusyon

Tunay nga na ang Ball Sort Puzzle Online ay isang tipo ng laro na kung titingnan ay aakalain mong isa lamang simpleng laro at maaari mong pagsawaan kalaunan. Ngunit sa oras na simulan mo na itong subukan ay doon mo mapapagtanto na isa pala itong fun, relaxing, ngunit addictive na laro. Idagdag pa na talagang hahasain nito ang pag-iisip ng kung sinumang magtangkang subukan na laruin ito. Isang magandang laro na hindi lang para sa mga bata kun’di pati na rin sa mga adult na nais makahanap ng isang larong maaari nilang gawing libangan. Hindi mo pagsisisihan na i-download ang ganitong klase ng laro.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...