Beach Buggy Racing Review

Beach Buggy Racing – Ang karera ng kotse ay isa sa mga sport games na naging tanyag mula noong kalagitnaan ng ika-19 na siglo.  Ang unang karera ay nangyari sa hilagang kanlurang bahagi ng England noong Agosto 30, 1867. Ang karera ay nangyari sa pagitan ng dalawang self-powered na sasakyan at ang distansya ay mula Ashton-under-lyne hanggang Old Trafford, Manchester.

Ang karera ay sadyang popular na noon pa man at dahil sa teknolohiya lahat ay maaari na ngayong makaranas ng saya at galak ng car racing dahil maaari na itong laruin ngayon sa mga mobile phones at computer.

Ang Beach Buggy Racing ay isang Mario Kart-style na 3D na laro kung saan ang mga manlalaro ay nagkasakay sa buggy na nasa iba’t ibang kapaligiran tulad ng beaches, nayon, disyerto, at maging mga gubat.  Ang Beach Buggy ay binuo ng Vector Unit na mga eksperto sa paggawa ng 3D racing game.

Ang Beach Buggy ay mayroon na ngayong maraming bersyon gaya ng Beach Buggy 2 at Beach Buggy Blitz.

Ano ang mga Layunin ng Laro?

Nilalayon ng laro na ipadama sa manlalaro nito ang adrenaline rush sa karera. Nais nitong maging masaya ang manlalaro habang naglalaro. Habang ang layunin mo naman ay magawang tapusin at talunin ang lahat ng kalaban sa karera ng kotse sa iba’t ibang yugto at tanawin.

Beach Buggy Racing

Beach Buggy Racing

Beach Buggy Racing: Paano laruin ang Laro?

Ikiling pakaliwa at pakanan ang iyong device kung pipiliin mo ang setting ng tilt steering upang pagalawin ang iyong gulong at pindutin ang kaliwa at kanang bahagi ng iyong screen. Kung pipiliin mo naman ang touch setting, maaari mong baguhin ang setting na ito anumang oras sa settings menu. Upang makapagpreno, kakailanganin mong pindutin ang screen saan man sa mga may tuldok na rehiyon na ipinapakita sa iyo ng tutorial. Awtomatikong mapapabilis ang buggy car kapag sinimulan na ang karera. Magsisimula ang karera pagkatapos ng countdown.

Kapag nakakita ka naman ng mga kumikinang na bula sa daan, dapat mong daanan ang mga ito para makakuha ka ng power-up sa isang seksyon ng slot ng screen. Ito ay magiging kapaki-pakinabang sa karera. Kung nalagay ka sa sitwasyong kailangan mong gumamit ng power-up, i-tap lang ang slot para i-activate ito. Ang bawat slot ay may iba’t ibang uri ng power-up.

Magagamit mo ang espesyal na kakayahan ng iyong driver na makikita sa kaliwang sulok sa itaas ng screen. Ito ay maaaring isang nitro speed o ilang uri ng power-up.

Beach Buggy Racing: Paano i-download ang Laro?

Ang laro ay libre na maida-download para sa lahat ng mga gumagamit ng Android at iOS. Magkakaroon ng mga digital at in-app na pagbili na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱100 hanggang ₱1,000 bawat item.

  • Download Beach Buggy Racing on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.vectorunit.purple.googleplay
  • Download Beach Buggy Racing on iOS https://apps.apple.com/ph/app/beach-buggy-racing/id882119723

Mga Hakbang para Gumawa ng Bagong Account sa Laro

Kung gumagamit ka ng Android at nag-click ka upang mag-sign in, awtomatikong makakapag-sign in gamit ang iyong Google Play Store account. Kung gumagamit ka naman ng iPhone, iPad, o iPod, magagamit mo ang iyong Apple ID.

Beach Buggy Racing

Beach Buggy Racing

Beach Buggy Racing: Tips at Tricks Kapag Naglalaro

Ang larong Beach Buggy ay simple. Ang buggy na iyong sinasakyan ay palaging nasa accelerate mode at ang iyong layunin ay magsagawa ng maraming mga pag-ikot hangga’t maaari sa pamamagitan ng pagpindot sa iyong device sa tamang direksyon. Pindutin nang matagal ang screen kung gusto mong ihinto o baliktarin ang iyong buggy. Gayunpaman, bihirang gamitin ito dahil hindi ka maaring tumigil kung gusto mong manalo sa karera.

Kahit na ang pagsunod sa mga panuntunan ay makatutulong sa iyong manalo sa isang karera, ang Beach Buggy Racing ay nag-aalok din ng iba’t ibang power-ups na magagamit mo upang pabagalin ang iyong mga kalaban. Maaari kang magpaputok ng rockets o magkalat ng langis sa daraanan nila, bukod sa iba pang mga bagay, o gumamit ng mga kalasag at turbo upang ipagtanggol ang iyong sarili.

Ang mga Kalamangan at Kahinaan ng Laro

Ang laro ay magbibigay sa iyo ng pagkakataong makipagkarera sa isang laro na puno ng aksyon at sorpresa ng 3D racing games. Ang laro ay may anim na modes kung saan maaari mong ilagay ang iyong mga kasanayan sa isang pagsubok. Marami itong power-ups gaya ng Fireball, Oil Slick at Dodgeball Frenzy. Gayunpaman, ang problema ay sa tuwing may kumikinang na mga bula, palagi kang makakukuha ng bola ng apoy at bihirang makakuha ng dalawa pa.

Kamakailan, ang laro ay nag-update at nagdaragdag ng mahigit sa 25 na uri ng power-ups para mas ma-enjoy ng mga manlalaro ang karera. Maaari mo ring i-customize ang iyong sasakyan sa pamamagitan ng paggamit ng mga napanalunang coins. I-upgrade ang iyong biyahe sa isang mas makapangyarihang kotse gaya ng mga monster trucks o rover.

Kung naiinip ka sa kasalukuyang race track, huwag mag-alala dahil habang sumusulong ka, makakapaglaro ka sa mas kapana-panabik na race tracks dahil mayroon itong humigit-kumulang 12 na iba’t ibang race tracks upang laruin.

Maaari kang mag-recruit ng mga kakampi na may iba’t ibang kapangyarihan at specialty gaya ng teleportation, confusion spell o mga manlalaro na maaaring mag-summon ng mga sunog sa tracks. Ang laro ay maaaring gumawa ng split screen multiplayer kung saan maaari kang makipagkarera sa hanggang apat na mga kaibigan sa isang device gaya ng tablet o TV.

Related Posts:

FNF Music Battle: Rap Shooter Review

My Talking Angela Review

Gustong mo bang malaman kung sino ang pinakamahusay mangarera sa inyong magkakaibigan? Hamunin na sila at makipagpaligsahan sa isa’t isa upang makakuha ng ilang rewards mula sa Google Play Game Services, Game Center o Game Circle.

Beach Buggy Racing

Beach Buggy Racing

Ang laro ay mayroon ding Customer Support na maaaring makatulong sakaling may mga pagbagal  o anumang bug. Maaaring makipag-ugnayan sa kanila sa pamamagitan ng opsyong Get Help. Maaari mo ring baguhin ang settings ng kontrol, resolution, splash ng lens, palakasin ang blur effects at pagiging kumplikado ng eksena.

Ang laro ay may mga kapintasan din tulad ng iba pang laro.  Ang ilang mga manlalaro ay nagrereklamo na ang mga misyon ay imposibleng maisakatuparan tulad ng booster challenge kung saan kailangan mong makarating sa finish line sa loob lamang ng 42 segundo. Marami nang sumubok at karamihan sa kanila ay nagsasabing imposibleng itong makamit dahil sa sobrang ikli at limitado ng oras.

Ang rotation at jump move ng isang kotse ay nagkakaroon din ng ilang mga isyu. Ang ilang mga power-ups ay hindi natatamaan ang kalaban kahit pa itutok mo ito sa kanila at nasasayang lamang.

May ilang features na nahihirapan ang mga manlalarong ma-unlock at nahihirapan din sila na talunin ang boss. Mas maganda kung makakapagdagdag pa ng preview o mapa sa ilang seksyon ng screen para makita ng mga manlalaro kung anong uri ng race track ang kanilang haharapin at makabisado ang timing ng pagliko pakanan o pakaliwa.

Konklusyon

Ang laro ay masaya at kapana-panabik. Ito ay makaka-boost sa iyong skills bilang isang racer. Sa kabila ng ilang mga depekto, ito ay isang magandang 3D racing game na magbibigay sa iyo ng ideya kung paano nilalaro ang karera gamit ang mga karagdagang boosters at power-ups para sa higit pang mga hamon.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...