Beam of Magic – Roguelike RPG Review

Ang Beam of Magic – Roguelike RPG ay isang multiplayer mode RPG game kung saan magsisimulang tuklasin ang dungeons at mga explorable location, makikipaglaban sa napakaraming mga kalaban at matatapang na bosses. Ang enjoyable na RPG multiplayer na ito ay maaaring laruin ng solo o co-op kasama ang mga kaibigan.

Ang larong ito ay kayang makipagsabayan sa iba pang mga available na action game ngayon at ang kagandahan ay ginawa ng mga developer nitong mas detalyado ang bersyong ito sa pamamagitan ng napakaraming features na naglalayong makapagbigay ng pinakamagandang karanasan sa paglalaro. Dadalhin ka ng laro sa isang interesting fantasy world na puno ng misteryo.

Ang Beam of Magic – Roguelike RPG ay isang upper edge age-of-knight epic journey na mayroong random skills na pagpipilian sa bawat pagle-level up. Sa pagsulong sa laro at paglalakbay sa mapa, makakatagpo ka ng maraming magkakahiwalay na bahagi at bawat isa rito ay may sariling hanay ng mga boss. Bawat spot ay magbibigay ng panibagong hanay ng mga stock. Dito sa PvE shooter game na ito, ang mas malalakas na kalaban ay higit na magpapasigla ng laban tungo sa tagumpay.

Features ng Beam of Magic – Roguelike RPG

Ang Beam of Magic – Roguelike RPG ay may malawak na sakop ng mapa kung saan makakalaban ang pulutong ng mga kalaban sa PvE style. Ang mapa ay palaging ina-update upang mapanatiling kakaiba ang karanasan sa bawat paglalaro at magpatuloy sa paglalaro ang mga manlalarong tumatangkilik nito.

Alamin kung paano mapupuksa ang monsters at beasts na nakatira sa dungeons at sa liblib na kagubatan. Maaaring humantong sa pagiging desperado sa mga sitwasyon kung lalaruin ito nang mag-isa. Ayain ang mga kaibigan upang sumama sa magical journey at matutunan ang action game na ito.

Sa kabuuan ng laro, maaaring i-level up ang karakter. Pumili ng isa sa tatlong rewards na nage-generate ng random upang makabuo ng estratehiyang gagamitin sa action-packed RPG journey.

Isulit ang lahat ng kapakinabangan sa magical shooter na ito. Talunin ang mahihirap na bosses upang makakuha ng malaking bonus. Makipaglaro laban sa iba pang mga manlalaro o maging sa iyong kaibigan. Lumaban sa multiplayer mode na may pagkakataong dalhin ang karanasan ng paglalaro sa mas mataas na level.

Layunin sa Beam of Magic – Roguelike RPG

Kabaligtaran sa iba pang mga boring na shooting games, ang Beam of Magic – Roguelike RPG ay palaging nagbibigay ng memorable scenes at magkakaibang karanasan sa paglalaro. Ang mga manlalaro ay maglalakbay sa iba’t ibang lugar at makikipaglaban sa kasamaang nagtatago sa kadiliman.

Ang mga kalaban ay palaging hahanap ng paraan upang matagpuan ka at masakop ang iyong mundo kaya kailangang kumilos na ngayon upang protektahan ang nasasakupan mula sa masasama. Ang iyong layunin ay ang tugisin sila sa pinakamabilis na paraan upang makapaglunsad ng mga pag-atake sa kanila at mapuksa sila.

Pag-download ng Beam of Magic – Roguelike RPG

Ang Beam of Magic – Roguelike RPG ay available na mai-download mula sa Google Play Store para sa Android devices. Sa App Store naman para sa iOS devices, ang pangalan ng laro sa app nito ay Beam of Magic – Adventure RPG. Kahit na may pagkakaiba sa pangalan, ito ay parehong laro rin. Upang ma-enjoy ito sa PC, gumamit ng emulator upang mai-download ito sa PC.

Maaaring i-download ang laro rito:

Download Beam of Magic – Roguelike RPG game on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=manastorm.spacehorse&hl=en&gl=US

Download Beam of Magic – Adventure RPG game on iOS https://apps.apple.com/us/app/beam-of-magic-adventure-rpg/id1530163491

Download Beam of Magic – Roguelike RPG game on PC https://napkforpc.com/apk/manastorm.spacehorse/

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Beam of Magic – Roguelike RPG

Ang Beam of Magic – Roguelike RPG ay magbibigay ng detalyadong mapa upang suriin at protektahan sa unang bahagi pa lang ng laro. Ang mga kalaban ay tumitira kahit saang direksyon, kaya dapat ay laging nakahanda sa lahat ng pagkakataon. Maaaring mag-imbita ng mga kaibigang makakasama sa paglalaro at makakatulong sa labanan upang gawing mas simple ang pagkontrol kahit na ang bilang ng mga kalaban ay napakarami, o kung malalagay sa alanganin kapag hindi natalo kaagad ang mga kalaban. Sa pagpapatuloy ng laro, ito ay magiging mas kumplikado at dahil dito, mangangailangan ng mas madalas na pagsasanay ng mobility talent at kakayahan sa persuasion sa pakikipaglaban.

Hindi madali ang gagawing pakikipaglaban kaya kailangang makagawa ng maraming combat strategies na magagamit sa paglalaro. Ang console ng laro ay madalas na ia-update ang leveling-up function upang gawing mas malakas ang iyong troops at makapagbigay ng mas malalaking pagkawasak sa nakakatakot na monsters. Bawat lokasyong bibisitahin ay maaaring magkaroon ng kakaibang armas. Kapag natalo mo ang big bosses, makakakuha ng exciting bonuses na makapagbibigay sa iyo ng nakakatuwang pakiramdam habang naglalaro. Ang Beam of Magic – Roguelike RPG ay patuloy na nagdaragdag ng flow sa laro upang mas mapaganda ang karanasan sa paglalaro.

Maaaring mahirap na matandaan ang typical social standards sa isang multinational world habang pinamamahalaan din ang stats at nagtatala ng mga kayang gawin ng machine. Lumikha ng single statement na kumakatawan sa hero, sa kanilang origin, at sa sitwasyong humasa sa kanila. Tuwing mahaharap sa pagpipilian, pag-aralan ang skill ng hero upang makatulong itong higit na maunawaan kung ano ang pipiliin.

Pros at Cons ng Beam of Magic – Roguelike RPG

Ang Beam of Magic – Roguelike RPG ay pinagsama-sama ang magkakaibang elemento ng fictional shootout games, magic RPGs, at dungeon roguelikes. Ito ay hindi madali at kinakailangang makalampas sa iba’t ibang dungeons na puno ng monsters at treasures.

Magandang laro ito. Gayunpaman, ito ay nanghihingi ng mas maraming karakter upang magkaroon ng mas maraming pagkakaiba sa gameplay. Napakaraming bagay na dapat isaalang-alang sa pagpili ng karakter na gagamitin, kahit na ang RPG ay ang para lang sa may kakayahang maka-relate sa napiling karakter at ang pagtingin sa paligid gamit ang mata ng karakter hanggang sa magsimulang gumalaw tulad nila. Ang kakayahang gumalaw na angkop sa karakter ay mas simple kung may lesser character baggage ang manlalaro. Makakatulong ito upang gawing kawili-wili ang paglalaro ng roleplaying events.

Maituturing ng Laro Reviews na ang larong ito ay may maayos na basic gameplay sequence ngunit ang progreso ay nakasalalay sa panonood ng ads at maging sa in-game purchases. Hindi sapat ang mapa upang magawa itong interesting at ang mga manlalaro ay maglalaro nang paulit-ulit.

Konklusyon

Mairerekomenda ng Laro Reviews na subukang sumali sa maraming mga manlalarong nagsimula nang maglaro ng Beam of Magic – Roguelike RPG na isa sa mga pinaka-cool na larong available sa ngayon. Ang mga dagdag na lokasyon ay patuloy na naidaragdag, gayundin ang mga stage upang mapanatili itong interesting.

Ang tunay na enjoyable at exciting na karanasan sa kahit anong RPG campaign ay hindi lang ang pagkakaroon ng matataas na puntos, kundi ang matagumpay na roleplaying ng napiling hero.

Higit na enjoyable ang pakikipaglaban sa monsters na magkakalapit. Ang Offline adventure series games tulad nito ay tunay na makapaglilibang ng mga manlalaro. Handa ka na bang ipakita ang iyong mga kakayahan? I-download na ang Beam of Magic – Roguelike RPG! 

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...