Bendy And The Ink Machine Review

Ang Bendy and The Ink Machine ay isang First-Person survival horror game kung saan gaganap ka bilang si Henry Stein, isang retiradong animator. Sa larong ito, kailangan mong kumumpleto ng mga tasks gaya ng pakikipaglaban, pangongolekta ng mga gamit, at pagsagot sa mga puzzle. Upang maunawaan kung ano ang nangyayari sa kwento, kailangan mong makinig sa mga audio logs. 

Sa Bendy and The Ink Machine, bumalik si Henry sa animation studio kung saan siya nagtrabaho dati. Sa pagbalik niya rito, natuklasan niya na nasapian ang buong studio kaya nagkaroon ng sariling buhay ang mga cartoon characters na ginawa rito. Ang layunin mo ay tumakas at makalabas mula sa Joey Drew Studios. 

Mayroong limang chapters na umiikot sa mga palapag ng animation studio. At dahil Bendy and The Ink Machine ang pangalan ng larong ito, kailangan mong makilala si Bendy. Si Bendy ay isang cartoon character na gawa ni Henry noong 1920s at nagsilbing official mascot ng Joey Drew Studios.

Si Bendy ay isang imp-like demon na nakasuot ng itim na sapatos, bowtie, at mga gwantes. Maaari mong sabihin na si Bendy ay isang bootleg version ni Mickey Mouse. Mahilig sa mga biro si Bendy at sadyang masayahin pero noong nabuhay siya dahil sa sinumpang ink machine, nag-iba ang kanyang personalidad. 

Bendy And The Ink Machine

Bendy And The Ink Machine

Game features ng Bendy and The Ink Machine 

Kung lalaruin mo ang Bendy and The Ink Machine, ang una mong mapapansin dito ay ang graphics na hango sa mga cartoons ng 1930s. Masasabi mong parehas ang art style na ginamit sa larong Cuphead. Ang kaibahan lang, madilim ang overtones dahil isa itong horror game. 

Ang isa pang feature ng larong ito ay kung paano mo matatalo ang mga cartoons na sinapian dahil sa Ink Machine. Halimbawa, kailangan mong magtago kapag papunta sayo si Bendy. Ang kagandahan sa larong ito, may maririnig kang nakakatakot na musika kapag papalapit na si Bendy sayo. Pagdating sa ibang cartoon characters, hindi lang pagtakas ang iyong opsyon. 

Para sa ibang characters gaya ng The Searchers at gang members ng The Butcher, may mga armas ka na maaaring gamitin para sa kanila. Ang ilan sa mga ito ay palakol, pipe, toilet plunger, wrench, at karit. May mga long-range weapons ka rin na maaaring magamit dito gaya ng tommy gun at bacon soup cans. 

Pagdating naman sa istorya, masusundan mo ang narrative ng Bendy and The Ink Machine kapag pinakinggan mo ang mga audio recordings na naiwan ng mga empleyado ng Joey Drew Studios. Kung susuriing mabuti, maihahalintulad ito sa larong BioShock. Pagdating mo sa Chapter 4 ng laro, may Seeing Tool kang pwedeng gamitin upang makakita ng hidden messages. 

Pagdating naman sa lenggwahe, maaari mong maintindihan ang Bendy and The Ink Machine kahit na hindi ka marunong magsalita ng Ingles. Maaari mong malaro sa siyam na wika. Nasa Ingles ang interface at audio ng larong ito pero may subtitles dito para sa mga wikang Pranses, Italyano, German, Espanyol, Hapon, Portuges, Russian, at Chinese. 

Bendy And The Ink Machine

Bendy And The Ink Machine

Saan maaaring i-download

  • Download on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.jds.batim
  • Download on iOS https://apps.apple.com/app/bendy-and-the-ink-machine/id1437669537
  • Download on PC https://store.steampowered.com/app/622650/Bendy_and_the_Ink_Machine/
  • Download on PlayStation https://store.playstation.com/en-ca/product/UP2344-CUSA13637_00-MDKRTGAMES4BATIM
  • Download on Xbox One https://www.xbox.com/en-us/games/store/bendy-and-the-ink-machine/btq96qtq58f3?activetab=pivot:overviewtab
  • Download on Nintendo Switch https://www.nintendo.com/games/detail/bendy-and-the-ink-machine-switch/

Tips and tricks para sa Bendy and The Ink Machine 

Sa bawat chapter ng Bendy and The Ink Machine, may mga punch clocks kang makikita. Hindi lang dekorasyon ang mga ito dahil nagsisilbi silang checkpoints sa laro. Lahat ng progress na magagawa mo sa larong ito ay mababalikan mo kapag nag-save ka sa checkpoint. Malalaman mong nag-save ka sa isang checkpoint kapag may lumabas na mukha ni Bendy sa lower right ng screen. 

Related Posts:

Tick Tock: A Tale for Two Review

The Game of Life 2 Review

Hindi lang din para sa istorya ang mga audio logs na naiwan ng mga empleyado ng animation studio. Minsan, nagbibigay ng clues ang audio logs upang makausad ka sa laro. Subalit, hindi mo kailangang tapusin ang mga audio logs para lang makuha lahat ng clues. Kapag nakuha mo na ang kailangan mo, pwedeng hindi mo na pakinggan ng buo ang audio log. 

Para sa mas mataas na score, dapat ka ring kumuha at humanap ng mga collectibles sa laro. Ang mga ito ay bacon soup, golden radio, at audio logs. 

Bendy And The Ink Machine

Bendy And The Ink Machine

Pros at Cons

Halatang hindi tinipid ang graphics sa Bendy and The Ink Machine. Sobrang tumugma ang 2D drawings na nasa isang 3D na mundo sa larong ito. Masasabi mo ring nakuha ng game developers ang aesthetic ng mga cartoons noong 1930s. Sa artwork din nakasalalay kung ano ang tema ng laro at naibigay ang tamang atmospera para sa isang horror game. 

Pagdating naman sa gameplay, simple lang laruin ang Bendy and The Ink Machine pero hindi ibig sabihin nito na hindi na ito magandang laruin. Sa katunayan, mas gumanda pa ang laro dahil hindi komplikado ang mga controls nito. Pagdating naman sa pagiging nakakatakot, hindi gaya ng mga tradisyonal na horror games na umaasa sa nakakatakot na background music. 

Ang uri ng pananakot na ginagawa ng Bendy and The Ink Machine ay ang papakabahin ka ng paunti-unti. Ayon sa isang game review, nabubuo ang pagkabalisa mo sa paglalaro nito dahil bigla na lang susulpot si Bendy sa likuran mo. Ang mas nakakatakot pa dito ay hindi mo alam kung kailan siya susulpot. Gumagamit din ng ilang cliche na horror game tropes ang larong ito pero hindi ganon ka-predictable ang larong ito. 

Konklusyon 

Para sa amin sa Laro Reviews, ang kawili-wiling setting at mapang-akit na storyline ay ang pinakamagandang feature nito. Ang estilo ng graphics ay hindi kapani-paniwala, at sa kabila ng liwanag nito, kakaibang angkop ito para sa isang horror game. Ang mga puzzle ay madali ngunit nakakalibang, at ang mga karakter ay mahusay na binuo na nagiging mahalaga sila sa iyo. Ang Bendy and the Ink Machine ay hindi ang pinaka nakakatakot na laro, ngunit nakakapagbigay ito ng atmospheric at nakakatakot na horror na karanasan, na maihahalintulad sa Amnesia: The Dark Descent.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...