Bermuda Adventures Farm Island Review

Ang Bermuda Adventures Farm Island ay isang mono adventure game na nilikha ng Belka Games para sa smartphones. May features itong high-quality graphics at buhay na buhay na background music na nagbibigay sa mga manlalaro ng hindi malilimutang karanasan sa paglalaro. Ang plot nito ay umiikot sa pamilyang na-stranded sa isang isla at hindi alam kung paano sila mabubuhay sa isla. Sa madaling salita, kailangan nila ng gagabay sa kanila kung paano mag-farm, magluto ng pagkain, magsimulang makipag-trade sa iba at mabuhay nang mas mahaba habang tinutulungan din silang makaalis sa isla.

Walang pag-aalinlangan na ang laro ay naglalaman ng napakaraming hanay ng puzzles, challenges, at misteryong kailangang tuklasin at tapusin. Idagdag pa na ang magandang set ng mga karakter na nakaka-enganyo sa mga manlalaro na manatili sa paglalaro ng mahabang oras. Ang Laro Reviews ay makakatulong sa iyo na maintindihan kung paano lulutasin ang mahihirap na puzzles, kung paano makukumpleto ang adventures nang mas madali, at marami pang iba.

Storyline ng Bermuda Adventures Farm Island 

Ang storyline ng Bermuda Adventures Farm Island ay umiikot sa isang pamilya na nagtipon-tipon upang mag-celebrate ng birthday ng kanilang Grandma sa isang islang kilala bilang “Paradise Tropical Island.” Maayos naman ang lahat hanggang sa nawalan ng kontrol ang eroplano at napilitan silang mag-emergency landing sa isang misteryosong islang nagngangalang Bermuda. Dahil dito, ang mga miyembro ng pamilya ay nagkawatak-watak at naikalat sa iba’t ibang parte ng isla.

Gameplay ng Bermuda Adventures Farm Island 

Ang konsepto ng Bermuda Adventures Farm Island video game ay hindi nakasentro sa Adventure theme kundi sa pagbibigay ng napakaraming features tulad ng Trading, Harvesting, at Cooking. Maaaring ikontrol ang karakter upang makapagtanim, makapaghanda ng masasarap na pagkain at makapaghanap ng NPC na gagamitin sa trading at pagtanggap ng in-game payment. Sisimulan ang paglalakbay sa Bermuda island na puno ng exciting activities tulad ng Frequent Township Missions, Distinctive Events, Handful of Islands to Discover, Customization, Large number of Humor, Massive Territory, at napakaraming karakter.

Pagsisimulang Maglaro ng Bermuda Adventures Farm Island

Ang pangunahing tauhan nito ay sina Steve, ang ama na isang adventurous at physically powerful ngunit may pagka-playful na businessman; si Jenny, ang inang mahusay magluto, matalino at laging may nakahandang contingency plan sa maraming bagay, at si Sandy, ang kanilang anak, na matalino at may higit na pagka-adventurous para sa kanyang edad. Ang layunin ng grupo ay mai-reunite ang lahat nang naggaling sa eroplano at manatiling buhay sa pansamantalang tirahan nila na malayo sa tunay nilang bahay.

PagDownload ng Bermuda Adventures Farm Island 

Ang Bermuda Adventures Farm Island ay maaaring i-downloaded ng direkta mula sa Google Play Store para sa Android devices at sa App Store naman para sa iOS devices. Maaaring gumamit ng emulator upang ma-enjoy itong laruin sa PC. Mayroon din silang website na maaaring bisitahin sa belka-games.com.

Maaaring i-download ang laro gamit ang sumusunod na links:

Download Bermuda Adventures Farm Island on Android here

Download Bermuda Adventures: Farm Games on iOS here

Download Bermuda Adventures Farm Island on PC here

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Bermuda Adventures Farm Island 

Tandaan na dapat tanggalin lagi ang mga shrub, bushes, o wild grass na nakausli upang hindi ito makasagabal sa iba pang mga gawain. Ang ilang mga bagay ay libreng matatanggal at nagbibigay din ito ng slight energy boost.

Ang pag-harvest nito ay magbibigay ng dagdag na oras bago kailanganing tapusin ang laro. Kapag nagamit nang lahat ang energy reserves, hindi na mangangambang mag-pause sa laro ng isa hanggang dalawang oras. Maaari ring laruin ito kasabay ng iba pang bagay na ginagawa.

Ang paggamit ng butterfly nets gayundin ang gloves upang humuli ng crabs, sa pagtanggal ng thorn bushes o basura ay makapagbibigay ng disenteng dami ng enerhiya. Ito ay ang medyo mas mahal na pagpipilian dahil ang gloves at butterfly nets ay mahirap makuha.

Huwag matakot na umikot sa isla. Makakadiskubre ka rito ng resources na wala ka pang ideyang kailangan pala kahit saan, at ang karamihan sa kanila ay nakatago sa ilalim ng makapal na fog na nakabalot sa buong lugar.

Pros at Cons ng Bermuda Adventures Farm Island 

Kahit na nag-eenjoy ka man sa farming games o trading, may mahahanap kang para sa iyo sa larong ito. Ang larong ito ay may kasamang iba’t ibang karakter na bawat isa ay may sariling plot at personality. Sa kabuuan ng paglalakbay ay may makakasalubong na iba pang travelers mula sa history o kalapit na isla. May napakaraming iba pang mundong maaaring matuklasan at mapagpipiliang crops. Kung pangarap mong maging chef, maghanda na dahil ang larong ito ay may kasamang cooking stage na susubok sa iyong kakayahan sa paghahanda ng masarap na pagkain upang mapanatiling busog at masaya ang bawat isa.

Ang Bermuda Adventures Farm Island ay hindi lang tungkol sa survival; makakapag-explore rin ng kakaibang farm animals, structures, at plants. Ang pagkumpleto ng mahihirap na misyon ay makapagbibigay ng in-game points na magagamit upang makapagbukas ng bagong features.

May napakaraming enjoyable activities na maaaring salihan. Marami ring paraan upang makatanggap ng energy ang available tulad ng Gaspar’s air shop, family dinner table, milestone rewards at iba pang activities. May mystery brown briefcase na makapagbibigay ng tools gayundin ng energy, seashells sa ground, at marami pang iba! Kung lubos na nauunawaan kung paano ito nilalaro, hindi magkakaroon ng problema o kahit ng boredom issues.

Gayunpaman, napansin ng Laro Reviews na tuwing puno ang inventory, ang mga bagong resources na makukuha ay malalaglag sa ground. Karaniwan itong makikita sa likod ng immovable decorations gaya ng Gaspar’s air shop gayundin ang order board. Karamihan ng speed-up, free gems, at energy orbs na makukuha sa pamamagitan ng panonood ng ads ay nawawala minsan. Mangangailangan ng mahabang oras upang ma-replenish ang energy at isang buong araw upang makaipon ng sapat na resources upang makalikha ng bagong mga bagay. Makadaragdag ito ng productivity at progreso sa laro o makakatulong na manalo sa kahit aling tournaments upang makatanggap ng rewards na hindi makukuha maliban na lang kung ikaw ay paying player.

Konklusyon

Ang mga Adventure games gaya ng Bermuda Adventures Farm Island ay idinisenyo para sa mga mapagmasid at malawak ang imahinasyon. Bawat tira ay tumutuklas at magbibigay ng ideya kung paano matatalo ang susunod na kalaban na mangangailangang gamitin ang kung ano man ang available sa oras ng iyon. Sa bawat matatapos na challenge, may mas malaking mabubuksan, at ang mga challenges na ito ang nagbibigay ng mas entertaining na karanasan sa paglalaro.

Kahit na maraming bugs at glitches ang Bermuda Adventures Farm Island, wala namang masama kung susubukan itong laruin upang masubukan at malaman kung angkop ito para sa iyo.

Leave a Comment

Login
Loading...
Sign Up
Loading...