Big Jackpot Slots

Naghahanap ka ba ng casino game app na libreng malalaro at mainam na gawing libangan? Ang Big Jackpot Slots ay isang single-player casual game app na mula sa game developer na MediaB. Ito ay inilabas sa Google Play Store noong Abril 18, 2018. Sa kasalukuyan, mayroon itong mahigit sa 100,000 downloads sa nasabing gaming platform. 

Ipinagmamalaki nito na bukod sa iba’t ibang slots na pwedeng pagpilian, may kakaiba at natatanging features din itong pwedeng ma-enjoy ng mga manlalaro. Pwede rin silang manood ng videos ng mga sikat na manlalaro ng high roller slots. Sa pamamagitan nito ay mararanasan mong makapaglaro sa isang kilalang casino sa Las Vegas gamit ang iyong gaming device. Sabik ka na bang malaman ang ilang mahahalagang bagay tungkol sa app na ito? Samahan ang Laro Reviews sa pagtalakay ng features nito at pagsusuri kung karapat-dapat nga ba ito.

Paano gumawa ng account sa Big Jackpot Slots

Una sa lahat, kailangan mong i-download ang app sa iyong Android o iOS gaming device. Upang masulit ang paglalaro, kailangan mong gumawa ng game account. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng pag-click ng iyong player profile na makikita sa kaliwang bahagi ng iyong screen. Pindutin ang sign-up button at ilagay ang mga hinihinging detalye. Pagkatapos nito ay lilitaw ang karagdagang game features at icons tulad ng Friends, Messages, Join-a-Team, Matches, at Badges. Sa profile option mo rin makikita ang iyong player avatar na pwede mong i-customize. Tanging ang mga rehistradong manlalaro lang ang magkakaroon ng access sa special features at events sa laro. Kung ikaw ay isang verified user, magkakaroon ka rin ng kakayahang i-unlock ang eksklusibong slot machines.

Gameplay at Mechanics

Ang bawat bagong manlalaro ay magkakaroon ng 100 milyong coins sa simula ng laro. Ito ang magsisilbing initial game credits na kailangan mong palaguin. Sa iyong mga kamay nakasalalay kung paano mo gagamitin at palalaguin ito. Kapag nahanap mo na sa Big Jackpot Slots ang slot na nais mong laruin, kailangan mong pumili ng paylines at maglagay ng taya. Pagkatapos, pindutin ang spin button upang simulan ang pag-ikot ng reels. Wala ka ng ibang gagawin pa kung hindi hintayin kung anong mga simbolo ang lalabas at kung nakakuha ka ba ng winning combinations.

Alam mo bang bukod sa pwede kang maglalaro ng regular game modes sa Big Jackpot Slots ay maaari ka ring sumali sa Matches? Dito ay makikita mo ang iba’t ibang game events at tournaments na maaari mong salihan. Dito ay pwede kang makatanggap ng active at pending challenges invitation. Makikita mo sa board kung may mga manlalarong nais kang hamunin. Kung sakali namang walang sinuman ang nais kang kalabanin, maaari mong gamitin ang Challenge a Friend feature . Sa pamamagitan nito ay ikaw naman ang pipili at magpapadala ng invitation sa manlalarong nais mong makalaban. Maaari ka ring magpadala ng friend request, private messages at gift sa ibang manlalaro.

Sa Join-a-Random Match naman ay maaari kang makipagtunggali sa tulad mong mga manlalarong nagnanais subukan ang galing nila. Pwede ka ring sumali sa special events at tournaments upang makakuha ng badges at makapag-level up. Makikita mo ang mga ito sa game menu. Dito mo rin makikita ang iba pang game modes na maaari mong subukan.

Tulad ng nabanggit, hindi ka lang maglalaro ng slots dito, pwede ka ring manood ng iba’t ibang videos tungkol sa paglalaro ng slot machines. May channels dito na tumatalakay sa iba’t ibang bagay na may kaugnayan sa slot machines. May mga estratehiya ka ring matututunan dito. Karamihan sa mga ito ay tungkol sa kung paano pumili ng angkop na slot para sa iyo. Masusubaybayan mo rin dito ang pakikipaglaro ng ilang kilalang high rollers na manlalaro tulad ng The Raja. At ang talagang kapanapanabik? Ilan sa mga manlalarong posible mong makasabay ay mga naglalaro mismo sa loob ng isang kilalang casino sa Las Vegas.

Samantala, sa Join A Team mode naman ay pwede kang sumali sa iba’t ibang team games. Syempre walang makakapantay sa sayang dala ng sama-samang paglalaro. Pwede ka ring gumawa ng sarili mong team at imbitahin ang iyong mga kaibigan o kakilala na sumali. Bawat team dito ay may kanya-kanyang slot machines na may kakaibang disenyo at main features tulad ng paylines, payouts at bonus rounds. Maaari kayong pumili ng grupong nais ninyong makatapat. Huwag kaligtaang i-check ang kanilang stats upang malaman kung karapat-dapat ba silang hamunin sa isang match. 

Big Jackpot Slots – Game Features

Bukod sa nakakahumaling na gameplay ay may kakaiba at nakakatuwang features din ng Big Jackpot Slots. 

  • Customization – Bukod sa pwede mong i-personalize ang iyong game avatar ay maaari mo ring i-customize ang ilang slot machines dito. Subalit, ang feature na ito ay available lang para sa mga manlalarong may verified game accounts.
  • Game Tournaments at Events – Huwag magdalawang-isip na sumali sa inaabangang single-player o team tournaments at events sa larong ito. Magkakaroon ka pa rito ng pagkakataong makakuha ng malalaking papremyo at manguna sa leaderboard.
  • Live Chat at Private Message Feature – Makipag-ugnayan sa iyong mga kasamahan o makipagkilala sa ibang manlalaro mula iba’t ibang panig ng mundo sa pamamagitan ng feature na ito.
  • Jackpot Gallery – Dito naman makikita ang lahat ng jackpot prize na iyong mapapanalunan. 
  • Mini-games – Kung sakali mang magsawa ka sa paulit-ulit na paglalaro ng the Big Jackpot Slots, may mini-games din na pwede mong laruin. Ang mga ito ay magandang paraan upang magpalipas ng oras o kaya’y makakuha ng karagdagang game coins. 
  • Bonus Slots at Promo Slot – Hindi mo kailangang isugal ang game coins na pinaghirapang mong makuha. Sa pamamagitan ng Bonus at Promo Slots ay maaari kang maglaro at manalo ng libre. 
  • Badges – Ang badges ay nagsisilbing patunay ng iyong achievements sa larong ito. Makikita ang mga badge na nakuha mo sa iyong player stats.
  • Special Game Items – Bukod sa in-game currency ay may mga espesyal na game items ka ring makukuha rito. Ang mga ito ay malaking tulong upang manalo sa laro kaya gamitin ang mga ito nang mabuti. 

Konklusyon

Hindi maipagkakaila na marami talagang nahuhumaling sa Big Jackpot Slots. Bukod kasi sa libre ay talaga namang sulit itong laruin. Kahit tila imposibleng manalo ng totoong pera rito, ay maaaliw at mag-eenjoy ka naman sa paglalaro ng slots at iba’t ibang pakulo ng game app na ito. Pwedeng-pwede rinito sa mga manlalarong gipit o hindi nagnanais gustong gumastos ng pera ngunit nais maglaro ng slots. Bukod dito ay may matututunan ka ring mga estratehiya na pwede mong gamitin sa paglalaro ng aktwal na slot machine. 

Samantala, kung sawa ka na sa mga libreng game app at nais mo namang maglaro at manalo ng totoong pera, hanapin at i-download anring Big Win Club app. Isa itong lehitimong online casino game app kung saan ay pwede kang maglaro ng slots at card game tulad ng Tongits, Pusoy, Lucky 9 at iba. Pwede kang maglaro ng libre o kaya naman ay tumaya at manalo ng totoong pera. Ito ang casino game app na subok at pinagkakatiwalaan ng maraming Pinoy.

Laro Reviews

Leave a Comment

Login
Loading...
Sign Up
Loading...