Big Win Plinko Review

Lingid sa kaalaman ng lahat, bukod sa mga slot game machine na matatagpuan natin sa mga club at casino, maaari ka na ring makapaglaro nito gamit lang ang iyong device. Hindi mo na kailangang umalis pa at pumunta sa mga sugalan dahil kahit nasa bahay ay magagawa mo na rin ito. Kaya kung naghahanap ka ng magandang laro na pwede mong pagkakitaan, pwede mong subukan ang isang ito, ang Big Win Plinko. Ang Big Win Plinko ay isang laro na tungkol sa gold coin drop at pag-iipon ng maraming gaming point. Kung mahilig ka sa mga gold coin drop machine, tiyak akong kaaaliwan mo rin ang larong ito. Mahigit dalawang taon na ang nakalilipas simula nang opisyal itong inilabas noong taong 2020. Libre mo lang ring makukuha ang larong ito at available ang app na ito para sa lahat ng device.

Paano laruin ang Big Win Plinko?

Kung nais mong subukang laruin ang Big Win Plinko subalit hindi alam kung paano magsisimula, narito ang ilang tips na makakatulong sa iyong paglalaro.

Para sa mga bagong manlalaro, simple lamang ang mechanics ng Big Win Plinko. Piliin kung saang lugar mo nais ilagay ay iyong tokens o gold coin sa machine. Kapag nakapagdesisyon ka na kung saan mo ito nais mapunta, ihulog lang ang gold coin sa pamamagitan ng pag-tap sa screen ng iyong gadget. Pagkatapos nito, hintayin ang coins hanggang makarating sa ilalim ng machine. Mayroong siyam na lugar kung saan maaaring bumagsak ang iyong gold coin at nakadepende rito kung ilan ang iyong mapapanalunan. Ang siyam na ito ay nakalatag ng sunud-sunod; x3, x1, x3, x3, x1, x1, x5, x5 at x1. Ang iyong gold coin ay mga pagdadaanang balakid subalit mayroong itong siyam na destinasyon kung saan ito mahuhulog. Ang pinakamalaking puntos na maaari mong makuha ay ang x5. Kung mas maraming gold coins ang mahuhulog rito, mas malaking puntos ang iyong makakamit. Kapag nakuha mo ang jackpot, magbubukas ang lahat ng ilaw sa machine at makakakuha ka ng bagong slot machine. Ibig sabihin, mas maraming slot machines, lalaki ang game points na iyong makukuha.

Bukod sa paglalaro ng gold coin drop machine, mayroon ding iba pang feature ang Big Win Plinko. Ang mga manlalaro nito ay mayroong ding kanya-kanyang tasks na dapat gawin. Maaari kang makakuha ng iba’t ibang premyo at items araw-araw. Pwede mo ring imbitahan ang iyong mga kaibigang maglaro nito at marami pang iba. Madali lang matutunan ang Big Win Plinko at sigurado akong kaaaliwan mo rin ito katulad ng naranasan ng ibang manlalaro.

Paano kumita ng pera sa larong ito?

Para sa mga nais kumita ng pera gamit ang Big Win Plinko, narito ang ilang impormasyong makakatulong sa iyo.

Bukod sa paglalaro ng Big Win Plinko bilang iyong libangan, maaari mo rin itong pagkakitaan. Subalit may mga pamantayan ang larong ito bago mo ito magawa. Hindi mo basta makukuha ang gaming points na naiipon mo sa laro dahil kailangan mo munang kumpletuhin at gawin ang mga bagay na kinakailangan sa Big Win Plinko para sa mga manlalarong nais mag-pay-out gamit ang kanilang PayPal account. Nakadepende rin ito sa paraan o istilo ng iyong paglalaro. 

Ang bawat point ay may katumbas na pera. Kailangan mong makakuha ng 100,000 coins dahil ang katumbas nito ay $1. Para mas madaling makakuha at makapag-ipon ng coins, gawin ang iyong mga task at mag-spin sa mga machine para sa additional prizes. Maaari ka ring makakuha ng points kapag nakapag-imbita ka ng mga bagong manlalaro sa Big Win Plinko gamit ang iyong referral code. Upang makuha ang iyong code, i-click lamang ang invite button at kopyahin ang iyong code. Ipadala ito sa iyong kaibigan at ipagamit sa kanila kapag sila ay maglalaro na. Maaari kang kumita ng panibagong points mula rito. Kapag nakapag-imbita ka ng 100 tao, makakakuha ka ng $5. Kung mas maraming tao kang maimbitahan, mas malaki ang perang iyong kikitain.

Pagdating naman sa pagkuha ng iyong pera gamit ang iyong PayPal account, i-konekta lang ang iyong account sa laro. Kailangan mo munang maglaro ng maraming beses, makapag-imbita ng ibang manlalaro at mag-ipon ng maraming points para makapag-payout. Hindi ito madali kaya kailangan mong magtiyaga at maglaro upang makamit ang iyong nais.

Bakit masayang laruin ang Big Win Plinko?

Masayang laruin ang Big Win Plinko dahil sa madali at simple nitong gameplay. Hindi kumplikado ang mechanics ng laro at mabilis itong matutunan ng mga bata, kabataan, at kahit ng matatanda. Kailangan mo lang i-tap ang screen ng iyong gadget at hayaang mahulog ang gold coin sa machine. Walang coins na masasayang dahil ang machine ay mayroong x1, x3 at x5 na opsyon. Kahit saan mahulog ang mga coin, babalik pa rin ito sa iyo ng double o triple. Ngunit mas makakakuha ka ng marami kapag palagi itong nahuhulog sa x5. Bukod pa riyan, libre mo lang rin makukuha ang larong ito sa iyong device. Siguraduhin lang na i-download muna ang APK ng Big Win Plinko upang makapaglaro nito sa iyong gadget.

Kung nasisiyahan ka sa paglalaro ng Big Win Plinko, tiyak kong kaaaliwan mo rin at ng maraming Pinoy ang mga casino game sa Big Win Club. May pagkakahawig ang larong ito sa isa’t isa dahil sa Big Win Club ay maaari ka ring maglaro ng mga slot machine. Maraming features ang larong ito na sigurado akong magugustuhan ng mga manlalaro. Gaya ng tongits, slots, color game at marami pang iba. Kung nais mo itong ma-download gamit ang iyong device, maaari mo itong makuha nang libre. Available ang Big Win Club sa Android, iOS, at maging sa iyong Personal Computer o PC. 

Dagdag pa rito, ang Big Win Plinko ay masaya ring laruin dahil sa simple at maayos nitong graphics. Ang visual effects at sound effects na ginamit ay angkop para sa isang casual game. Ngunit marami lang ads na lumalabas habang ikaw ay naglalaro nito. Nakakaabala ito sa paglalaro dahil kailangan mo pang maghintay ng ilang segundo o minuto bago makabalik ulit sa laro.

Konklusyon

Para sa Laro Reviews, isa ang Big Win Plinko sa slot machines na masayang laruin. Maaari mo pa itong laruin gamit ang iyong device. Kaya kahit nasaan ka man o anong oras mo man ito nais laruin ay magagawa mo. Para sa mga nais subukan ang larong ito, maaari mo itong i-download sa iyong device. Subalit, hindi mo ito matatagpuan sa Google Play Store dahil may sariling apk ang larong ito. Para sa lahat ng mga Android user, i-download muna ang APK ng Big Win Plinko upang ma-install ito sa iyong device. Pagkatapos, pindutin ang Install at kapag tapos na, maaari mo nang laruin ang Big Win Plinko. Sa ngayon, ang larong ito ay hindi pa available sa iOS. Subalit maaari mo pa rin itong laruin sa Android at sa iyong Personal Computer o PC. Tiyak akong magugustuhan mo ito kapag natutunan mo na kung paano laruin ang Big Win Plinko. Maaari ka pang kumita ng pera sa paglalaro lamang nito. Kaya ano pang hinihintay mo? I-download mo na ang larong ito at alamin ang iba pang impormasyon tungkol dito.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...