Bigwin Golf Review

Ang golf ay isa sa mga itinuturing na pinakamarangyang uri ng sports. Bukod kasi sa mamahaling equipment at eksklusibong game attire na kailangang gamitin, hindi rin maikakaila ang mahal na bayad upang makapaglaro sa isang golf course. Ang mga ito mga pangunahing dahilan kung bakit halos mayayaman lang ang madalas makapaglaro ng sports na ito. Kung isa ka sa mga nagnanais na subukan ang iyong galing at abilidad pagdating sa larangang ito, subalit walang kakayahan na gumastos ng malaki pera, huwag kang maglungkot. May mas praktikal na mga paraan para maranasan kung papaano nga ba maglaro ng golf. Isang halimbawa na lamang nito ay sa pamamagitan ng paglalaro ng mga mobile golf game. Halina’t samahan ang Laro Reviews na kilalanin at kilatisin ang isa sa mga alternatibong game app na nangangako ng totoong papremyo – ang BigWin Golf. 

Ano ang Bigwin Golf: Real Money Gaming App?

Ang Big Win Golf: Real Money Gaming ay isang mobile app na available sa App Store. Ito ay inilabas ng US game developer company na Game Masons, LCC noong Agosto 15, 2014. Pwede itong i-download ng libre sa mga iOS device tulad ng iPhone at iPad. Sa kasalukuyan ay mayroon itong average rating na 3.2 stars mula sa 18 reviews. Sa kabilang banda, wala pa ito sa Google Play Store kung kaya hindi ito maaaring laruin gamit ang anumang Android devices. 

Ang game app na ito ay nag-aalok ng real money gaming action. Ang ibig sabihin, bukod sa pagkakataong mag-enjoy sa paglalaro ng golf, maaari ka ring tumaya at manalo ng totoong pera rito. Sino nga ba ang hindi masisilaw sa ganitong paandar? Bagama’t ang app ay libreng mada-dowwnload, kinakailangang bilhin ng mga manlalaro ang chip shots na ginagamit na pantaya sa iba’t ibang game modes at tournaments. Sa pamamagitan ng sistemang ito ay nagkakaroon ang mga manlalaro ng pagkakataong kumita ng pera.

Features at Game Modes 

Isa sa ipinagmamalaki ng app na ito ay ang mga kakaiba at exciting na features nito. Isa na rito ay ng Skillz Multiplayer kung saan ay maaari kang makipagtunggali sa ibang manlalaro. Sa pamamagitan nito ay pwedeng gamitin ang Wager features upang i-level up ang saya ng laro. Samantala, ang Real Money Wager naman ay ginagamit upang tumaya at manalo ng totoong pera. Ang mga manlalarong nakabase sa United States or United Kingdom ay may tsansa ring manalo ng totoong pera sa pamamagitan ng paglalaro ng iba’t ibang game modes katulad ng Mini Golf Star.

Maliban dito ay nagtatampok din ang Bigwin Golf ng 1 Hole Shootouts at 3 Hole Matchups. Mayroon din itong regular na weekly leaderboards kung saan ang mga pinakamagagaling na mga manlalaro ay iniraa-rank ayon sa kanilang galing at dami ng napanalunan. Lahat ng mapapabilang sa top players ay mabibigyan ng trophies, cash rewards at karagdagang game credits. Bukod dito, maaari ring mangolekta ng tickets ang mga manlalaro. Ang mga ito ay pwedeng ipagpalit sa totoong pera, sasakyan at iba pang kapanapanabik na premyo.

Isa sa pros ng game app na ito ay ang hindi kalakihang file size nito na umaabot lang ng 107MB. Sa pamamagitan nito ay hindi masyadong mababawasan ang storage space ng iyong device. Ang game controls nito ay madaling gamitin at tumutugon ng maayos. Ang 3D graphics naman nito, bagama’t hindi nakakamangha ay may magandang kalidad. Dito ay mararanasan mong maglaro ng golf sa mainit na disyerto, sa magagandang beach, sa masusukal na lupain at iba pa. May iba’t ibang mga balakid, slope at paliku-likong ramp din dito na hahamon sa iyong diskarte at galing. Nagtatampok ito ng mahigit sa 100 holes, mayroong easy, difficult at mayroonn ding tila imposibleng ipanalo na mga golf round. Bukod dito, alam mo bang maaari kang makinig sa paborito mong music habang nag-eenjoy sa paglalaro ng golf? 

Bigwin Golf App: Legit o Scam?

Sa panahon ngayon, naglipana na ang iba’t ibang modus para makapanloko. Isa na rito ay ang game apps kung saan kinakailangan mong gumastos ng pera kapalit ng ipinapangakong malaking papremyo. Tandaan, bagama’t marami talagang scam na gaming apps, mayroon din namang iilan na lehitimo at subok na ng marami. Kaya kung gusto mo talagang kumita ay kailangan mong maging maingat at mapanuri. 

Sa bahaging ito, ating susuriin kung legit nga ba ang inaalok na papremyo ng https://appadvice.com/app/big-win-golf-real-money-gaming/879590426. Ayon sa reviews ng mga manlalarong nasubukan na ito, walang katotohanan na maaari kang manalo ng pera at mga papremyo sa larong ito. Marami ang nagsasabi na ang reward system nito ay hindi gumagana ng maayos. Sa katunayan, may ilang nagpatunay na bagama’t sila ay nakakuha ng trophies, hindi naman ito lumalabas sa kanilang profile. Ang Achievement feature nito ay hindi rin gumagana at walang ibang paraan para makita ang game rounds at tournaments na naipanalo ng mga manlalaro. Nakakalungkot mang isipin ngunit tila pahirapan din ang pagkuha ng premyo rito. Maging ang customer service nito ay hindi rin nakakatulong sa mga manlalaro sapagkat hindi nabibigyan ng malinaw at epektibong solusyon ang mga isyu na ipinaparating ng marami. 

Konklusyon

Sa panahon ngayon, maraming naglipanang apps ang nangangako ng iba’t ibang uri ng mapagkikitaan. Subalit, marami sa mga ito ay walang ibang nais kung hindi manloko lang. Malamang na marami ka ng nababasang balita tungkol sa masaklap na karanasan ng ilan nating mga kababayan na na-scam online. Nakakalungkot isipin na ang perang pinaghirapan nilang kitain ay tila nawala na lamang biglang parang bula dahil sa maling desisyon na kanilang nagawa o kaya ay dahil sa nagtiwala sila sa maling tao. Kaya kung sa tingin mo ay maaari kang kumita sa Bigwin Golf, mag-isip-isip ng mabuti.

Isa sa pinakaligtas na paraan para kumita online ay sa pamamagitan ng apps at websites na subok na ng marami. Kung mahilig kang magsugal at naghahanap ng lehitimong app kung saan ay maaari kang kumita at manalo ng totoong pera habang naglalaro ng casino games tulad ng Pusoy, Tongits, Lucky 9 at iba pa sa iyong cellphone o computer, subukan ang Big Win Club app. Ito ay isang lehitimong online casino site na subok na ng maraming Pinoy. Pwede ka ring maglaro ng libre. Samantala, kung nais mo namang kumita ay maaari kang tumaya gamit ang totoong pera at manalo ng malaking halaga. Ang cash-in at cash-out system nito ay mabilis, madali at higit sa lahat ay pinagkakatiwalaan ng lahat. 

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...