Bike Mayhem Mountain Racing Review

Ang Bike Mayhem Mountain Racing ay isang kasiya-siyang laro na tungkol sa pagbibisikleta. Mga bundok na puno ng pakikipagsapalaran, kahanga-hangang tricks, at kapana-panabik na rides ang naghihintay sa iyo sa larong ito. Masisiyahan ang mga manlalaro sa paggugol ng kanilang libreng oras dito at magkakaroon sila ng magandang karanasan.

Subukan ang masayang mundo ng mountain biking, racing, at kakaibang freestyle. Sa tuwing sasagupain ng bike ang magagaspang na daan at mag-landing nang maayos sa kabila ng matataas na talon, mapapansin ang saktong physics at maginhawang bike suspension. Maaaring baybayin ang nakamamanghang trails, madurog ang ilang mga bato at ugat, makagawa ng matataas na pagtalon, at makakuha ng matataas na puntos sa abot ng makakaya.

Ang Laro Reviews ay makatutulong sa iyo na mas maintindihan ang laro at makapagpasya kung angkop ito sa iyo. 

Bike Mayhem Mountain Racing

Bike Mayhem Mountain Racing

Mga Misyon sa Bike Mayhem Mountain Racing

Ang pangunahing misyon ng cyclist sa larong ito ay baybayin ang mountain trails. Bawat ruta na madaraanan ay may malawak na hanay ng loops at leaps, at kailangang kumpletuhin ang mga gagawin. Binubuo ito ng pagsasagawa ng stunts, pagba-bike nang mabilis sa ruta o maaaring parehong gawin. Sa kabuuan ay hindi mababagot ang mga manlalaro rito, dagdag pa ang ibibigay sa kanilang asterisks kapag natapos ang pagsubok.

Ang natanggap na stars ay magpapahintulot na makabili ng mga bagay at accessories para sa bike. Tandaan na ang pagpapalit ng mga bike component ay maaaring makapagpabago ng performance nito. Simple lang ang pamamalakad ng laro at walang magiging problema.

Bagtasin ang kaakit-akit na trails, durugin ang mga ugat at batong madaraanan, tumalon ng mataas, subuking gumawa ng pambihirang kumbinasyon ng stunts at i-activate ang mas magagandang bikes at gears upang maging “King of the hill”. Sumali sa mga paligsahang inoorasan o sa mga freestyle stunt exhibitions sa mahigit na 21 iba’t ibang bundok at higit sa 100 trails na hinango sa tunay na kapaligiran.

Buksan ang 90 pieces ng gears upang i-customize ang iyong cyclist’s look at subukang i-tuning ang iyong bike para mas maging epektibo ito, higit na flexible, mabilis at malakas sa bawat trek. Ang pagiging mabilis at matataas na pagtalon ay nagiging sanhi ng hindi maiiwasang aksidente at maaaring mawala sa track ang cyclist. Kunin ang cyclist sa pamamagitan ng daliri at ilagay siya sa mas malayo.

Bike Mayhem Mountain Racing – Pag-download ng Laro

Mag-bike sa mga mountain track kahit saan mo gusto sa pamamagitan ng pag-download ng  Bike Mayhem Mountain Racing sa iyong smartphone mula sa online play store. Para mai-download ito sa Android devices, kunin ito sa Google Play Store at sa App Store naman para sa mga iOS device. Para sa paglalaro sa malaking screen ng PC, gumamit ng emulator upang maumpisahan na ang pag-download ng laro.

Maaaring i-download ang laro rito:

  • Download Bike Mayhem Mountain Racing game on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=mobi.bestfreegames.bike.mayhem.extreme.mountain.racing.free&hl=en_IN&gl=US
  • Download Bike Mayhem Mountain Racing game on iOS https://apps.apple.com/us/app/bike-mayhem-freestyle/id797872926
  • Download Bike Mayhem Mountain Racing game on PC https://www.fibonapps.com/en/games/download-19457-bike-mayhem-mountain-racing/pc
Bike Mayhem Mountain Racing

Bike Mayhem Mountain Racing

Mga Taktika Para sa Mas Mataas na Puntos sa Laro

Ang larong ito ay magbibigay ng mga puntos na magagamit sa pagpapalabas ng mga dagdag na content tulad ng mga bagong bikes, gears, upgrades, at power-ups na makatutulong sa iyo upang maging “King of the hill”. Ang dalawang uri ng laro rito ay ang Freestyle Trick Events at Time Trial. Mayroong 19 na hills at mahigit 100 treks na mapagpipilian na lahat ay base sa totoong sports. Ang mahigit 100 Mountain Trails, 80 Components, Immersive Gameplay, at iba pang features ang dahilan kung bakit nakilala ang Bike Mayhem Mountain Racing. 

Makakukuha ng stars kung gagamit ng checkpoints. Upang makakuha ng tatlong stars, kailangang manatili sa bike. Ihilig nang bahagya ang bike para masamahan ng twists ang kumbinasyon ng stunt. Samahan din ng wheelie ang iyong stunt combo. Ang mga wheelies ay hindi makababawas sa energy reserves. Hindi magsisimula ang takbo ng oras hangga’t hindi nagsisimulang magpedal o gumamit ng brake. Anumang oras ay maaaring hawakan ang cyclist at ilagay sa kahit saan sa mapa. Pumili ng pinakamagandang kumbinasyon ng gulong at frame sa bawat trail upang makakuha ng mas mataas na puntos. Ang mga booster ay tumutulong na makaalpas ang players sa mahihirap na trail.

Laro Reviews – Bike Mayhem Mountain Racing

Ang Bike Mayhem Mountain Racing ay magbibigay lang ng lubos na kasiyahan kapag kaya mong mapagana nang maayos ang mga control nito. Ang kumpanyang lumikha ng larong ito ay naghahangad na magkaroon ang mga players ng magandang karanasan sa paglalaro nito kaya sa pagsisimula pa lang ng laro ay mapapansin na ang tutorials sa mga bagay na may kaugnayan rito upang gawing madali para sa players na gamitin ito tulad ng isang eksperto. 

Kahit na hindi maaaring makipaglaban sa iba pang mga players, mayroon naman itong ranking kung saan makikita ang scores ng iba, gayundin ang sa iyo. Dahil dito, ang tanging magiging kalaban mo ay ang iyong sarili at kung paano mo mai-improve ang iyong sarili at mapataas ang rank.

Related Posts:

Slaughter 3: The Rebels Review

Pizza Boy GBA Pro – GBA Emulator Review

Ang pagkasimple ng laro ay nakatutulong na makapagbigay ng magagandang track kung saan pinagsama ang nature at active engagement para ibigay ang illusionary visuals na isa sa mga pangunahing katangian ng laro. Hindi nakababagot ang laro at maaaring i-personalize ang bike upang maging kakaiba to. Yun nga lang, kailangan ang mahabang pasensya sa malimit na lags at glitches sa ilang mga function.

Bike Mayhem Mountain Racing

Bike Mayhem Mountain Racing

Konklusyon

Ang mga Mountain biker ay patuloy na sumisikat, gayundin ang kasiyahan sa paglalakbay at pagsali. Isa ito sa mga bagay kung saan ang mga cyclist ay makare-relate. Maituturing na isa itong pagsubok sa cycling papunta sa bundok dahil ang kalsada ay hindi gaanong makinis tulad ng sa downtown area.  Bukod pa rito, ang orihinal na daan ay maaaring maiba kada araw na nagdudulot ng mas kasiya-siyang laro.

Ang kailangan sa pagsasanay sa sport na ito ay bicycle, safety gear, at ang kagustuhang makaakyat sa pinakamataas na bundok habang ginagaya ang pinakasikat na cyclists. Kapansin-pansin din na ang mga smartphone app at games ay naging pangangailangan na at hindi mapapalitang kasama ng maraming mga cyclists, kahit nagsisimula pa lang ito o dati na. Maraming apps na magagamit bilang gabay sa daan, magsabi ng limit o manatiling nakakunekta habang bumibyahe nang malayo.

Ang Bike Mayhem Mountain Racing ay isang kasiya-siyang laro na tumutulong upang higit na mapahalagahan ang mga mountain bike. Mahusay ang pagkakagawa ng graphics na makapagpapataas ng iyong adrenaline at mararamdamang mistulang nasa isang real-life adventure.

Sa larong ito, ikaw ay magiging isang high mountain cyclist na kailangang malampasan ang lahat ng pagsubok upang maging successful. Tumayo sa tabi ng iyong bike at ipakita ang iyong natatanging cycling skills!

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...