Block Puzzle Review

Mahilig ka ba sa pagbuo ng mga puzzle? Kung gayon, subukan na ang app na ito! Talunin ang sarili mong high score nang walang katapusan sa larong Block Puzzle! Ilagay lamang ang bawat block sa grid, lumikha ng linya, at ito ay maglalaho para magkaroon ng spaces para sa susunod na grupo ng mga block. Subukin ang iyong galing sa pamamagitan ng pagbuo at paglutas sa puzzle game na ito. Ito ay sadyang magpapamangha at magpapasaya sa iyo habang nagpapalipas ng oras. Ang nakakabilib na larong ito ay magbibigay sa iyo ng magandang libangan. Talunin ang iyong sariling high score upang lampasan ang iyong limitasyon! Magsimula na, i-download at i-install na ito sa iyong device para tuklasin ang mga nakakamanghang feature nito.

Ano ang layunin ng laro?

Ang pangunahing layunin ng larong Block Puzzle ay bumuo ng mga linya sa pamamagitan ng paglalagay ng mga block sa loob ng grid. Bibigyan ka ng tatlong piraso ng blocks sa bawat round at ang lahat ng ito ay dapat mong mailagay sa grid upang patuloy lamang makakuha ng puntos. Hihinto lamang ang laro sa puntong hindi ka na makagawa ng anumang galaw o nabigo kang ilagay ang isang block. Ang buong laro ay nakatuon lamang sa pagbuo ng linya gamit ang mga block at wala nang iba pang features para tuklasin. Kaya kung mahilig ka sa paglalaro ng mga block puzzle nang mag-isa, ang larong ito ay para sa iyo. Tingnan at subukin ang iyong kakayahan sa pagbuo ng puzzle.

Paano laruin ang Block Puzzle?

Magpatuloy sa pagbabasa ng artikulong ito at tatalakayin namin ang nilalaman ng larong Block Puzzle. Ayon sa Laro Reviews, ang laro ay may napakadaling mekaniks na hindi mo na kinakailangan pang dumaan ng tutorial. Ang gagawin mo lang ay ilagay ang lahat ng mga block sa loob ng grid. Kung mabigo kang mailagay ang kahit isang piraso ng block ay itatakda na iyon bilang iyong kasalukuyang high score (kung mas mataas sa dati mong score).

Ang iyong layunin ay talunin o lampasan ang iyong nakaraang high score at wala nang iba pa. Walang kalaban dito kung hindi sarili mo lang. Kung matalo mo ang nakaraang score na nagawa mo ay maaari mo pa rin itong higitan. Iyon lamang ang iyong layunin at wala nang karagdagang mga bagay na dapat alamin. Ang mga block ay may iba’t ibang hugis at dapat kang gumawa ng diskarte kung saan sila dapat ilagay para makabuo ng linya o espasyo para sa susunod na grupo ng mga block.

Sa sandaling makabuo ka ng linya patayo man o pahalang ay kusa itong maglalaho na magbibigay ng espasyo para sa iba pang mga block. Hindi ba’t madali lang? Ilagay lang ang block, at tapos ka na. Ang laro ay libreng maida-download at malalaro sa parehong Android at PC. Ang bersyon ng laro para iOS ay hindi pa available.

Paano i-download ang Laro?

Ang mga kinakailangan para matagumpay na mai-download ang Block Puzzle sa Android devices ay dapat Android 2.3 o mas mataas pang bersyon ang gamit at ang makukuhang space ng app para sa Android ay 9.0 MB. Ito ay wala pang bersyon para sa mga iOS user.

Maaari ring i-click ang mga link sa ibaba upang mag-download:

Download Block Puzzle on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.dxm.nopuzzle

Download Block Puzzle on PC https://appsonwindows.com/apk/4856393/

Hakbang sa Paggawa ng Account sa Block Puzzle

  1. Hanapin ang anumang app store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng larong Block Puzzle. Pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at direktang dadalhin ka nito sa laro. Hindi na kailangang i-link ang laro sa anumang mga account. Sa oras na inalis na ito sa mga device, hindi na mase-save ang progress ng laro.
  4. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng Block Puzzle!

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Block Puzzle

Ang layunin ng laro ay para lang talunin ang iyong sariling high score. Ang kailangan mo lang gawin ay patuloy na magsanay sa pamamagitan ng araw-araw na paglalaro. Kung mapapabuti mo ang kakayahan ng iyong isip na masundan ang mga pattern at pamamaraan sa pagbuo nito ay tiyak na malalampasan mo pa ang iyong sariling limitasyon. Upang magkaroon ng espasyo sa loob ng grid, ilalagay mo lamang ang mga block sa pinakamainam na posisyon para makabuo ng linya.

Dahil ang mga block ay may iba’t ibang anyo o hugis, isiping mabuti kung saan ipoposisyon ang mga ito upang makagawa ng espasyo para sa susunod na grupo ng mga block. Patuloy lamang ang laro hanggang sa wala ka nang moves pa na magagawa o nabigong mailagay lahat ng block sa grid. Tiyak na ang iyong isip ay magiging aktibo sa paglalaro nito. Isaisip lamang na sarili mo lamang ang iyong kalaban at hindi mo kailangang makaramdam ng anumang pressure sa paglalaro nito.

Pros at Cons sa Paglalaro ng Block Puzzle?

Sa kabila ng kadahilanang ang pangunahing feature ng laro ay maglagay lamang ng mga block sa loob ng grid, nakatanggap pa rin ito ng maraming positibong komento mula sa mga manlalaro. Gumawa ang mga developer ng isang larong may napakadaling mekaniks habang pinapanatiling aktibo ang isip. Ang larong ito ay tiyak na angkop para sa mga puzzle solver. Ito ay napakasimple at hindi kumplikado na hindi na nangangailangan pang dumaan sa tutorial upang makabisado ang laro. Ang kailangan mo lang gawin ay magsaya sa buong laro at wala nang iba pa.

Tulad ng naunang nabanggit, ang laro ay mayroon lamang isang aspeto. Wala ng iba pang feature para tuklasin. Hanapin lang ang iyong high score sa itaas ng screen, at pindutin ang pause button na magbibigay sa iyo ng opsyong ulitin o ipagpatuloy ang laro, patayin ang tunog, at mag-quit sa laro. Ang iyong layunin ay mahigitan ang iyong kasalukuyang high score at subukin ang iyong isip sa pamamagitan ng pagkamit sa isang bagong record ng high score.

Ang isa sa mga downside nito ay ang mga advertisement na madalas na lumalabas sa gitna ng laro na talagang nakakaabala sa paglalaro. Higit pa rito, hindi mo maikokonekta ang laro sa isang account upang mai-save o mailipat ang data sa iba pang device. Dapat ay magkakaroon ito ng updtates o bagong features na magpapanatili sa mga manlalarong interesado sa paglalaro nito. Wala man lang Achievements o Statistics kung saan makikita ang progress mo sa paglalaro. Pagdating sa graphics ng laro ay hindi ito gaanong nakakabilib. Ito ay karaniwan lamang at hindi kawili-wili. Ang sound effects ay normal at sapat na para umangkop sa laro. Gayunpaman, nakakatuwa at nakakahumaling pa rin itong laruin. Naaangkop ito para sa mga free-to-play na manlalaro at sa kahit anumang edad.

Konklusyon

Inirerekomenda ng Laro Reviews ang Block Puzzle dahil mayroon itong napakadaling mekaniks. Ito ay tiyak na nakakahumaling at isang napakahusay na paraan upang magpalipas ng oras. Malamang na mapapabuti nito ang iyong kakayahan sa pagbuo ng puzzle habang naglilibang sa paglalaro nito.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...