Ang Blocky Farm ay isang farm tycoon game na ginawa ng Jet Toast. Parte sa pamamahala ng farm ang pagkakaroon ng maayos na relasyon sa mga mamamayan mula sa karatig na bayan. Ito ang pagkakataon mong simulan ang pinapangarap na malaking farm! Patuloy na basahin ang article na inihanda ng Laro Reviews para sa karagdagang detalye tungkol dito.
Magsisimula ang laro sa maikling animation tungkol sa mapayapa at maaliwalas na grandparent’s farm kung saan masaya kayong nakikipaglaro sa mga alagang hayop. Tandang-tanda mo rin ang amoy ng mown grass pati ang tanawin ng buong farm. Gayunpaman, dumating ang araw na kailangan niyong lumisan doon. Nagtatapos ito sa pagtatanong kung natatandaan mo pa ba ang huling pagkakataong naroon ka sa farm. Pagkatapos nito ay mayroong sasalubong sa iyong muling pagbabalik sa farm at dito na magsisimula ang iyong farm journey.
Contents
Gabay para sa mga Bagong Manlalaro ng Blocky Farm
Ang una mong gagawin ay i-repair ang iyong bahay upang magkaroon ka ng kakayahang pamahalaan ang farm. Kabilang na ang iyong achievements, kinolektang cards, at marami pang iba. Para magawa ito, i-click ang iyong bahay at i-drag ang lalabas na axe tool papunta sa iyong bahay. Ayan, magsisimula na ang pag-repair nito!
Pagkatapos nito, ang ire-repair mo naman ay ang Silo, kung saan mo ilalagay ang iyong crops. Bilang panghuli, ang ire-repair mo naman ay ang Barn. Dito mo ilalagay ang lahat ng iyong products at tools. Tulad ng mga ito, kailangan mo ring i-click ang buildings para i-drag papunta rito ang axe tool para magsimula ang pagre-repair.
Para mag-harvest, i-click ang field para i-drag ang sickle tool at kolektahin ang crops. Pagkatapos nito, magtatanim ka naman ng bagong seeds. Ngunit bago ito, kailangan mo munang i-plow ang field sa pamamagitan ng pag-click ng field at i-drag ang rake tool papunta rito. Ang indikasyon na tapos na ang pagpa-plow ay dapat makita mo ang straight lines sa field para malaman mo na pwede nang taniman ito ng seeds. Kapag naging straight na ang lines, i-click muli ang field at i-drag ang crop papunta sa buong field.
Saan Pwedeng I-download ang Blocky Farm?
Sa bahaging ito ng article ituturo kung saan at paano i-download ang Blocky Farm. Kasalukuyang available ang laro sa Android, iOS, at PC devices. Gamit ang iyong mobile phone, pumunta sa Google Play Store para sa Android users at sa App Store naman para sa iOS users. Ilagay sa search bar ang pamagat ng laro. Kapag nahanap na ito, pindutin ang Install o Get button at hintaying matapos ang pag-download. Hindi na kailangang magbayad para i-download ang laro dahil free-to-play (F2P) ito. Buksan ang app at kumpletuhin ang lahat ng kailangan sa sign-in details. Pagkatapos ang lahat ng ito, pwede mo nang simulan ang paglalaro!
Narito ang links kung saan pwedeng i-download ang laro:
Download Blocky Farm on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.JetToast.BlockyFarm
Download Blocky Farm on iOS https://apps.apple.com/us/app/blocky-farm/id1170925512
Download Blocky Farm on PC https://napkforpc.com/apk/com.JetToast.BlockyFarm/
Tips at Tricks sa Paglalaro
Kumpletuhin mo ang Quest kung saan binubuo ito ng mga tasks na kailangan mong gawin. Importante itong gawin upang makakuha ka ng stars. Ito ang EXP points na kakailanganin mo para mapataas ang iyong level. Kapag nakumpleto mo na ang tasks, huwag kalilimutang pumunta sa Quest page at i-click ang Claim button para makuha ang stars. Para malaman mo kung ilang stars ang kailangan mo para mapunta sa susunod na level, maaari mo itong i-check sa itaas na bahagi ng screen.
Napakahalaga sa iyong progress sa laro ang tumaas ang iyong level sapagkat sa ganitong paraan ay makakatanggap ka ng rewards na magagamit mo sa pagbubuo ng mga bagay sa iyong farm. Kabilang dito ang Field, Windmill, at marami pang iba. Kapag natanggap mo ang Windmill sa Level 2, makikita mo ang malaking gift box kung saan ito naglalaman. I-click ang gift box para mabuksan at makita ang laman nito. Kailangan mong mag-produce ng animal feed dito kaya i-click ang Windmill at i-drag ang Chicken Feed papunta rito. Pagkatapos ay i-tap ulit ang building na ito para kolektahin ang Chicken Feed. Dahil nakahanda na ang Animal Feed, importanteng magkaroon ka ng animals na kakain nito kaya simulan mo ito sa pagbili ng Chickens. Ngunit bago ito, kailangan mo munang magtayo ng Henhouse.
Para makita mo ang listahan ng items na pwede mong mabili, i-click ang button sa kaliwang ibabang bahagi ng screen. Nahahati ang Store sa tatlong kategorya: para sa buildings, animals, at decorations. Kapag magtatayo ka ng buildings, ida-drag mo lang ang partikular na building na iyon kung saan mo ito gustong ipwesto. Ganito rin ang gagawin mo sa tuwing bibili ka ng animals. Halimbawa, ang Chicken ay may kakayahang mag-produce ng itlog at nagkakahalaga ito ng 180 coins. Para bumili nito, i-drag ang Chicken sa store papunta sa Henhouse. Ulitin lang ang prosesong ito kung nais mo pang dagdagan ang iyong alagang Chicken basta tandaan na hanggang apat lamang ang pwede mong bilhin.
Pros at Cons ng Blocky Farm
Maganda ang gameplay nito sapagkat ito ay interactive at nakaka-enganyong laruin. Marami kang pwedeng gawin kaya hindi ka maiinip sa paglalaro. Gayunpaman, maraming oras ang kailangang gugulin sa pagkuha ng supplies at para kumita ng pera kaya nahihirapan ang karamihan sa parteng ito. Halimbawa, umaabot ng sampung oras ang kailangan bago mamunga ng prutas ang mga puno. Bagaman madaling magpataas ng level, maraming bagong gamit ang lumalabas kada level kaya nagiging masyadong overwhelming ito sa manlalaro lalo na’t napakamahal ng halaga nito. Ang magandang rekomendasyon para sa game developer para malutasan ang problemang ito ay hayaan na ang ibang levels ay naglalaman ng mas maraming items na ipino-produce ng machines na kasalukuyang mayroon ang manlalaro. Hindi naman masamang mayroong challenge ang paglalaro nito ngunit madalas ay sumusobra ito sa hirap kaya nakakainis na itong laruin.
Available din ang laro ng offline mode kaya pwede pa rin itong laruin kahit hindi konektado sa Wi-Fi o mobile data. Pwedeng-pwede itong magsilbing pampalipas oras habang nasa labas at naghihintay sa pila o sa iyong kasama. Dagdag pa rito, hindi isyu ang pop-up ads sapagkat may opsyon ang manlalaro kung nais niyang manood ng ads para makakuha ng rewards tulad ng gems, coins, at iba pa.
Konklusyon
Sa paglalaro ng Blocky Farm, maaari kang mag-enjoy na magtayo ng sarili mong farm kahit wala ka mang internet connection dahil mayroon itong offline mode. Kapag sinimulan, may responsibilidad kang magtanim at mag-harvest ng crops, pati na rin ang pagpapakain sa mga alagang hayop. Huwag ding kalilimutan ang paglagay ng buildings na magiging kapanipakinabang sa magiging progress ng farm. Nawa’y makatulong sa iyo ang nilalaman ng article na ito mula sa Laro Reviews kung nais mong i-try itong laruin. Dagdag pa rito, pakatandaan na kailangan ng sipag at tiyaga sa paglalaro nito lalo na’t mahabang oras ang kailangang paghihintay para mamunga ang mga puno. Para lang din itong kapareho ng pagtatanim at pamamahala ng farm sa totoong buhay.
- 0 Comment
- Casual Game Apps, Reviews
- July 26, 2022