Bloons TD 6 Review

Ang Bloons Tower Defense (TD) 6 ay isang 2018 tower defense strategic video game at ang ikaanim na laro sa Bloons game series. Ang serye ng Tower Defense ay binuo at ipinakilala ng Ninja Kiwi. Una itong inilabas noong Hunyo 2018 para sa iOS at Android. Ang laro ay na-release sa ibang pagkakataon sa Steam, na unang inilabas sa Microsoft Windows noong Disyembre 2018 at pagkatapos ay MacOS noong Marso 2020. Ngayon ay bumalik ang Bloons nang mas maganda kaysa sa mga unang edisyon nito! Ang Bloons TD 6 ay dinisenyo para maging magandang ang karanasan sa paglalaro ng 3D tower defense na siguradong babalik-balikan mo. Ang Bloons TD 6 ay isang may bayad na video game. Nangangailangan ang larong ito ng minimum na space allocation na 45 MB. Nangangailangan din ito ng operating system na hindi bababa sa 5.0 para sa mga gumagamit ng Android at 11.0 para sa mga gumagamit ng iOS. Ang larong ito ay maaaring i-download gamit ang mga sumusunod na links:

  • Download Bloons TD 6 on Android https://play.google.com/store/apps/details?hl=fil&id=com.ninjakiwi.bloonstd6
  • Download Bloons TD 6 on iOS https://apps.apple.com/us/app/bloons-td-6/id1118115766
  • Download Bloons TD 6 on PC https://store.steampowered.com/app/960090/Bloons_TD_6/

Ang Kabuuan ng Bloons TD 6

Ang pangunahing layunin ng Bloons TD 6 ay pigilan ang kaaway na si Bloons na makalusot sa mga labasan sa pamamagitan ng pagpapasabog sa mga ito. Upang mapasabog ang mga sumasalakay na Bloons, kailangan mong gumawa ng isang matibay na depensa na binubuo ng isang serye ng mga tore na tinatawag na Monkeys. Sa madaling salita, ang larong ito ay tungkol sa Monkeys vs. Bloons kung saan naglalaro ka bilang Monkeys.

Bloons TD 6

Bloons TD 6

Maaaring pumili ang mga manlalaro kung anong difficulty level ang nais niya sa pagsisimula ng laro: Madali, Katamtaman, o Mahirap. Ang pamimili ng difficulty level sa larong ito ay nangangahulugan din ng pagpili sa isang mapa. Dadaan ang bawat manlalaro sa isang maikling tutorial sa panimula ng laro. Tutulungan ka ng tutorial na pumili ng tamang estratehiya, kung anong Monkey tower ang dapat mong ilagay sa isang partikular na lugar. Kailangan mo ng gold coins sa paglalagay ng mga Monkey Tower. Halimbawa, sa pagtatayo ng Dart Monkey ay kakailanganin mo ng $200. Magsisimula ka sa 150 health point at $650. Samakatuwid, sa pamamagitan ng paggawa ng mabilis na matematika maaari kang magtayo ng hindi bababa sa 3 Dart Monkey sa simula ng laro. Huwag mag-alala dahil maaari kang kumita ng pera sa pamamagitan ng pag-pop up ng mga Bloons na sumalakay sa iyong teritoryo.

Bukod sa pagkolekta ng mga coins, ang Popping Bloons ay magbibigay din sa iyong Monkeys ng ilang experience (Exp) points para ma-upgrade mo ito. Halimbawa, ang iyong unang pag-upgrade sa iyong Dart Monkey ay nagkakahalaga ng 100 Exp point. Kakailanganin mong pumili sa tatlong path: Power, Speed o Range. Ang bawat path ay magkakaroon ng maximum na 5 upgrade. Mayroon ding mga heroes na makakatulong sa iyo na mapaalis ang mga Bloon.

Ang tutorial ay hahayaan kang maglaro sa unang 10 levels. Ang bawat level ay karaniwang binubuo ng isang tiyak na bilang at uri ng Bloons. Habang tumataas ang level, ang mga bagong uri ng Bloon ay ipakikilala. Ang panimulang Bloons ay mukhang mga pulang lobo.

Tips at Tricks sa paglalaro

Narito ang ilang tips na siguradong mapapakinabangan mo habang naglalaro ng Blonns TD 6:

  • Piliin nang mabuti ang iyong hero

Mayroong anim na hero na pagpipilian: sina Quincy, Ezili, Benjamin, Etienne, Obyn Greenfoot at Striker Jones. Ang paglalagay ng tamang hero sa mga mapa ay magdadala sa iyo sa susunod na level at makakatulong din na matapos ang bawat hamon. Narito ang ilang impormasyon tungkol sa kanila:

Striker Jones: Si Striker Jones ay nagkakahalaga ng $750. Ang hero na ito ay itinuturing na pinakamahina, ngunit may nakamamanghang kakayahan.

Obyn Greenfoot: Ang hero na ito ay nagkakahalaga ng $600. May kakayahan itong magtanim ng mga resources na makapagbibigay ng malaking pinsala sa mga Bloon sa paglapit nila dito. 

Ezili: Itong hero na ito ay nagkakahalaga rin ng $600. Sulit itong ilagay kahit na wala itong pinsala sa mga unang round ngunit siya ay nagle-level up habang umuusad ang laro.

Quincy: Si Quincy ay nagkakahalaga ng $700. Ina-upgrade niya ang kanyang sarili at nakakapag-pop ng ilang Bloon bawat shot.

Benjamin: Ito ang hero na pinakamahal sa lahat. Ito ay nagkakahalaga ng $1,200. Gayunpaman, magandang investment ang pagkuha rito dahil maaari siyang magpataas at magpalaki pa ng kita sa laro.

Etienne: Si Etienne ay nagkakahalaga ng $850. Kaya nitong i-detect ang camouflaging bloons. 

Bloons TD 6

Bloons TD 6

  • Mag-strategize sa iyong kasalukuyang kita

Walang magandang maidudulot ang paglalagay ng mga hero nang maaga dahil mas mahal sila kaysa sa mga tore. Ang paglalagay sa kanila ng huli ay isa ring masamang diskarte. Tandaan din na ang bawat Monkey tower ay magkakaiba at may iba’t ibang makabuluhang papel sa tower defense na ito. Halimbawa, habang magaling sa mga pag-atake ang Dart Monkeys, pinapabagal naman ng mga glue gunner ang mga papasok na Bloons at magiging malaking tulong ito sa pamamagitan ng paglalagay sa kanila malapit sa pasukan ng bawat track o bago ang isang malakas o mabilis na umaatakeng tore.

  • Kolektahin ang mga libreng loot araw-araw

Maaari kang makakuha ng libreng loot tuwing 24 oras kaya siguraduhing i-check ang laro araw-araw. Ang bawat loot ay binubuo ng mga libreng tore, monkey dollar o libreng power. Malaking tulong ito para sa pagharap sa mahirap na mga mapa.

Related Posts:

Clash of Clan Review

Terraria Review

Pros at Cons sa paglalaro ng Bloons TD 6

Para sa Pros ng TD 6, ang laro ay napaka-user friendly. Ang bahagi ng tutorial ay maaaring makatulong sa iyo sa mga pangunahing kaalaman ng laro at ilang magagandang diskarte sa paglalaro. Dagdag pa rito ang game interface na nagbibigay ng masusing paglalarawan ng mga detalye ng Monkey Towers, Heroes at iba’t ibang upgrade para matutunan at magamit mo.

Hindi tulad sa mga nakaraang bersyon nito, ang Bloons TD 6 ay gumagamit ng 3D graphics sa isang 2D perspective. Ang mga graphics at ang likhang sining ng laro ay higit sa karaniwan. Mayroon din itong magandang visual effects. Mas pinahusay rin at napakadaling maunawaan ng mekaniks ng laro. Ang pagdaragdag ng iba’t ibang difficulty mode ay nakakapagpalakas ng loob ng manlalaro na hamunin ang kanilang sarili sa iba’t ibang level ng difficulty. Ang bersyon na ito ay nag-install din ng iba’t ibang Heroes, Monkey Towers, bagong Bloons, ang ikalimang level ng pag-upgrade, at pangatlong path upgrade para sa bawat pangunahing Monkey tower. Samakatuwid, ang mga beteranong manlalaro mula sa Bloons TD ay hindi magsasawa. Sa halip ay masasabik sila sa mga magagandang development na ito. Gayundin, mayroong gamit ang fast forward button sa kanang-ibabang sulok ng laro para hindi ka magsawa sa paghihintay ng mabagal na Bloons sa mga unang yugto.

Bloons TD 6

Bloons TD 6

Ito ay isang laro na maaari mong gawin sa iyong libreng oras, kung talagang mahilig ka sa mga larong tower defense. Sa loob nito ay maraming unit na mapagpipilian. At napakaraming mga diskarte sa pagtatanggol na maaari mong gamitin sa iyong mga yunit. Samakatuwid, ito ay lumilikha ng napakarami at iba’t ibang challenges. Aabutin nang ilang oras upang maperpekto ang isang yugto.

Ang tanging Cons tungkol sa Bloons TD 6 ay ang pagiging tukso para gumastos ng mas malaki at totoong pera upang makausad sa laro. Mayroong in-app items na binibili sa laro na makapagbibigay ng mga espesyal na kapangyarihan. Bagama’t maaari mong makuha ang mga ito sa pamamagitan lamang ng pagpapatuloy sa laro, ang susi upang mas lumakas nang mabilis ay ang bilhin ang mga ito. Ang iba pang mga upgrade ay maaari ring mabili sa loob ng app mismo.

Konklusyon

Inirerekomenda ang Bloons TD 6 para sa mga gamer na naghahanap ng laro na may simple at mahusay na disenyo. Ito rin ay para sa mga manlalaro ng tower defense na pagod na sa madadaling gameplay at naghahanap ng ‘sangkaterbang mga kalaban. Ito ay angkop para sa mga manlalaro na gustong gumugol ng hindi tiyak na bilang ng oras sa isang laro ng tower defense, para makamit lamang ang ganap na karunungan at ma-master ito. Subukan at i-install na kaagad kung ito ang hilig mo!

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...