Bloons TD Battles Review

Inilathala ng Ninja Kiwi ang Bloons Tower Defense series. Ang mga unang bersyon ng mga laro ay idinisenyo bilang isang browser game, kung saan kakailanganin mo ng Adobe Flash Player upang malaro ito. Ang mga sumunod na mga version ay naging available sa mobile, gaya ng Bloons TD 4 hanggang sa ikaanim na serye. Sa kanilang larong Bloons TD Battles, maglalaro ka ng tower defense sa isang multiplayer platform.

Tulad ng orihinal na laro, kailangan mong pigilan ang bloons na maabot ang dulo ng kanilang mga track sa mapa. Gayunpaman, dahil ito ay isang Multiplayer PvP, kailangan mong talunin ang iba pang mga manlalaro. Magagawa mo ito kung makakapunta ang sapat na bloons sa dulo ng mga track ng kanilang kalaban. Ang disenyo ng mga mapa ay mirrored sa isa’t isa, na nangangahulugang mayroon silang parehong mga landas para sa pasukan at mga labasan. Ang bawat koponan ay kailangang magtayo ng mga tore upang putukin ang bloons o pabagalin ang mga ito.

Ang mga unggoy ang magsisilbi mong mga tore, at maaari mong i-deploy ang mga ito sa pamamagitan ng pag-click sa button na may icon ng unggoy. Magkakaroon ka ng tatlong units at isang random na bonus sa ilang mode. Kailangan mong i-drag ang mga ito malapit sa track, at sila mismo ang magpuputok ng Bloons. Gamitin ang mga pera para sa pag-a-upgrade at pagbili ng mga tower. Maaari mong tingnan kung magkano ang nakuha mo sa icon sa itaas ng iyong screen. Kung gusto mong malamangan ang iyong kalaban, magpadala ng karagdagang bloons sa kanilang panig. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng pag-click sa button na may icon ng lobo. Maaaring magastos ang pagpapadala sa kanila, ngunit madaragdagan ang iyong income.

Bloons TD Battles - Laro Reviews

Bloons TD Battles – Laro Reviews

Features ng Bloons TD Battles

Monkey Tower Boost – Papalakasin nila ang iyong mga unggoy sa laro at maaari kang magkaroon ng hanggang tatlong boosts.

Bloons Boost – Gamitin ang mga ito para i-boost ang bloons na pupunta sa iyong kalaban.

Assault Mode – Ang gameplay kung saan kailangan mong lumikha ng depensa at ipadala ang bloons sa kalabang koponan.

Defensive Mode – Hindi ka maaaring magpadala ng bloons sa iyong kalaban, ngunit kailangan mong mas tumagal kaysa sa kanila sa pamamagitan ng paglikha ng isang mahusay na depensa.

Battle Arena Mode – Itataya ng bawat koponan ang kanilang mga medalyon para makapasok sa laro. Ang gameplay ay kapareho ng Assault, at kung sino ang manalo ay kukunin ang lahat ng mga premyo.

Card Battles Mode – Iba pang uri ng tower defense. Gagamitin mo ang mga card sa halip na mga unggoy at Bloons.

Related Posts:

Hero Sky: Epic Clash Review

Auto Heroes Review

Saan pwedeng i-download ang Bloons TD Battles?

Pumunta sa Google Play gamit ang iyong smartphone kung Android user ka o sa App Store kung Apple user ka, at ilagay ang Bloons TD Battles sa search bar. Dahil libre ang laro, i-click at i-install ito at hintaying mai-download.

Narito ang mga link kung saan mo maaaring mai-download ang laro:

Bloons TD Battles - Laro Reviews

Bloons TD Battles – Laro Reviews

Download Bloons TD Battles on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.ninjakiwi.bloonstdbattles

Download Bloons TD Battles on iOS https://apps.apple.com/us/app/bloons-td-battles/id624533261

Download Bloons TD Battles on PC https://store.steampowered.com/app/444640/Bloons_TD_Battles/

Kung nais mong laruin ito sa PC, i-download muna ang Steam mula sa kanilang https://store.steampowered.com/about/. Kumpletuhin ang access na kinakailangan para mag-sign in gamit ang iyong account, at pwede mo nang i-download ang laro at maranasan ito sa PC.

Tips at Tricks sa Paglalaro 

Magkakaroon ka ng Dart Monkey, Tack Shooter, Ninja Monkey, Sniper Monkey, at Bomb Tower sa unang bahagi ng laro. Maaari ka lamang gumamit ng tatlong slots sa karamihan ng mode, kaya hindi mo sila kailangang gamiting lahat. Kaya inilista ng Laro Reviews ang mga unggoy at mga toreng kapakipakinabang sa unang early game. Hindi mo kailangang gamitin ang lahat ng mga ito sa isang laro dahil maaari mo silang palitan kung makakapag-unlock ka ng mas magagandang unit. Maaari ka ring gumawa ng mga eksperimento sa pamamagitan ng pagsasama ng alinman sa mga ito sa iyong team.

Dart Monkey – Nagbibigay sila ng isang disenteng halaga ng damage o sa larong ito, bloon popping power. Mura ang Dart Monkeys, kaya hindi gaanong magastos ang pag-upgrade at pag-deploy ng maramihang unit ng mga ito.

Sniper Monkey – Mahilig magtago ang Camo Bloons kaya kapakipakinabang namakita ang mga ito. Isa rin sila sa mga unggoy na nakakapagpaputok ng maramihang bloons nang sabay-sabay.

Bomb Tower – Maaari silang mag-pop ng maraming bloons nang sabay-sabay. Ngunit hindi ito nagtatapos doon dahil maaari rin nilang sirain ang mas malalakas na mga yunit, kaya sulit na i-upgrade ang mga ito sa maagang round.

Pros at Cons ng Bloons TD Battles

Bloons TD Battles - Laro Reviews

Bloons TD Battles – Laro Reviews

Ang laro ay may magandang art style, lalo na ang disenyo para sa mga mapa. Ang Monkey Temple ay isa sa aking mga personal na paborito dahil mayroon itong simpleng istruktura, ngunit mahirap i-deploy ang iyong mga unit. Gayundin, ang mga unggoy ay may mga kaibig-ibig na sprite na umaakit sa mga bata at mga young-at-heart player. Maaaring mahirap talunin ang iba pang mga manlalaro, ngunit magiging mas masaya ang laro kung may kaunting kahirapan. Maaari kang gumamit ng enerhiya upang makakuha ng random units sa ilang mode na nagbibigay-daan sa iyong subukan ang mga ito. Ang practice mode ay angkop din para sa mga manlalarong mag-eksperimento at lumikha ng kanilang mga strategy. Sa ngayon, walang mga bug at pag-crash na nararanasan sa laro.

Marami itong potensyal, ngunit nangangailangan ito ng mga improvement. Kailangan nilang pagbutihin ang matchmaking sa laro. May mga pagkakataong nakatagpo ako ng isang manlalarong may mas mataas na level ng mga unggoy. Ang mayroon lang ako ay ang mga pangunahing unit, kaya natalo ako sa laro. Dapat kasama sa practice mode ang pakikipaglaban sa isang computer. Kung ang laro ay may ganitong feature, maaari mong sanayin ang iyong sarili sa parehong gameplay sa Assault Mode. Bukod pa rito, dahil isa itong online na PvP game, makakatagpo ka ng mga toxic player. Mag-i-spam sila ng facepalm emoji para mawalan ka ng kumpiyansa sa sarili bilang kanilang diskarte. Kung kaya’t ang larong ito ay maaaring hindi para sa iyo kung hindi mo kayang hindi pansinin ang mga ito.

Konklusyon

Kakailanganin ng ilang subok upang maging mas mahusay sa larong ito, ngunit sulit ang iyong oras kapag nahanap mo na ang iyong pinakamahusay na strategy. Kinailangan ko ng maraming sunud-sunod na pagkatalo upang mapagtanto ang aking mga pagkakamali sa laro, at nagsisimula na akong maging mas mahusay dito. Ang PvP gameplay ay nagbigay ng bagong karanasan at nagdagdag ng hamon sa laro. Hindi ito magiging simpleng tower defense dahil kailangan mong matalo ang iyong kalaban. Ang Bloons TD Battles ay isang larong angkop para sa mga tagahanga ng serye ng Bloons Tower Defense na naghahanap ng multiplayer na laro.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...