
Lamang ang may alam, kaya naman sa Blue’s Clues Games talino ang magiging labanan!
Pinagmulan ng Blue’s Clues Games
Noong summer ng taong 1994, inatasan ng Nickelodeon ang tatlong baguhang prodyuser na lumikha ng isang blockbuster preschool program sa telebisyon gamit lamang ang maliit na badyet. Pagkatapos gumugol ng 30 araw sa isang masikip na conference room sa itaas ng Times Square, gumawa ang tatlo ng isang palaisipang programa na pinagbibidahan ng isang maliit na asul na aso na nakilala bilang si Blue at ang naging pamagat ng palabas na iyon ay Blue’s Clues. Ang palabas na ito ay hindi inaasahang magiging hit sa Nickelodeon lalo pa’t mahigit 11 taon ang kanilang naging paghihintay na magkaroon ng isang high-rating na palabas.
Ang mga tagalikha ng Blue’s Clues na sina Todd Kessler, Angela Santomero, at Traci Paige Johnson ay nilayon na maging parehong nakakatawa at nagbibigay-kaalaman ang programa. Nakipag-ugnayan ang team sa mga dalubhasa kagaya ng mga educator at consultant, pati na rin ang co-creator na si Santomero, na may master’s degree sa Child Developmental Psychology mula sa Columbia University, upang bumuo ng isang framework na kumakatawan sa mga pinakabagong pag-aaral sa early childhood development.
Gumawa ang grupo ng balangkas ng pagsasalaysay. Upang panatilihing interesado ang mga kabataan, inutusan nila ang aktor na si Steve Burns na bumato ng mga tanong sa camera, pagkatapos ay mag-pause para kunwari ay pakinggan ang tugon ng mga manonood. Ang mga simpleng recognizable items at ingay ang nagsisilbing mga pahiwatig upang gabayan ang mga batang manonood sa bawat episode, ngunit kahit nagiging mahirap hulaan ang mga puzzle habang tumatagal ay hindi naman ito nagiging dahilan upang mainis o mawalan ng interes ang mga bata.
Nais ng Blue’s Clues Games na isulong ang karunungan sa mga bata at mabigyan sila ng pagkakataon na maramdamang sila ay mga eksperto sa isang partikular na paksa. Higit pa sa pagsasaulo o pag-uulit ng pag-aaral, ang mastery ay nagpapalaki ng pagpapahalaga sa sarili ng mga bata at tinitiyak na maiintindihan nila nang mabuti ang mga impormasyon na naghahanda sa kanila para sa paaralan.
Dahil nagtatrabaho sa kakarampot na badyet, ang production crew ay nag-alok ng kanilang mga indibidwal na boses para sa programa kaysa kumuha pa ng mga voice talent at magbayad. Ang soundtrack ay nilikha ni Nick Balaban, na gumanap bilang Mr. Salt, at co-composer na si Michael Rubin, na gumanap bilang The Sun. Ang team ay pumalibot sa mesa upang matukoy kung sino ang may pinakamahusay na tahol upang mapagpasyahan kung sino ang gaganap na Blue. Si Traci Paige Johnson, na nagsilbing co-creator ng palabas, ang siyang nagwagi.
Kahalagahan ng Blue’s Clues
Mula noong unang ipinalabas ang Blue’s Clues Games, maraming mga mananaliksik ang nagpaabot ng kanilang mga papuri sa halaga ng palabas bilang isang epektibong educational show. Ang mga regular na manonood ay napag-alaman din na may mas mataas na pag-unawa sa pag-aaral kaysa sa mga hindi nanonood ng Blue’s Clues, ayon ito sa mga mananaliksik mula sa University of Alabama. Nalaman ng isa pang mananaliksik ng Vanderbilt University na ang interactive na istraktura ng palabas ay nagpalakas ng pakikipag-ugnayan sa lipunan sa mga kabataan, habang ang isa ay napatunayan na ang Blue’s Clues ay nagpapataas ng bokabularyo ng mga bata.
Blue’s Clues Games
Sa kabilang banda, kung gusto mong patunayan ang iyong kaalaman sa Blue’s Clues Games, magagawa mo na ito ngayon sa tulong ng Blue’s Clues Quiz. Ito ay isang mobile game na susukat kung hanggang saan ang nalalaman mo tungkol kay Blue at adventures nito. Simple lamang ang mechanics ng laro: kailangan mo lang hulaan kung sino, o ano ang tinutukoy ng bawat tanong. Ngunit, maaari mo lamang masagot ng tama ang mga tanong kung nanonood ka ng Blue’s Clues, o isa kang masugid na tagasubaybay ng palabas na ito. Ang mga tanong ay napakasimple lamang lalo pa at may kasama itong imahe ng tao o bagay na tinutukoy. Bukod pa rito, ang mga manlalaro ay maaari ring gumamit ng mga hint kapag nahihirapan silang sagutin ang mga tanong.
Kagaya ng sinasabi ng mga dalubhasa sa pananaliksik tungkol sa child development, masasabi talaga na malaki ang benepisyo ng larong ito sa mga manlalaro lalo na sa mga batang inihahanda upang pumasok ng Kinder. Hindi lamang napapalawak ng larong ito ang kanilang bokabularyo, sapagkat natututunan din nilang tukuyin kung ano ang pangalan ng mga bagay na hindi naman nila kadalasang nakikita. Kung pagbabasihan ang mga impormasyong ibinabahagi ng Laro Reviews sa artikulong ito, masasabing walang dahilan upang hindi tangkilikin ang Blue’s Clues Games.
Big Win Club
Kung benepisyo lang naman ang pag-uusapan, hinding-hindi magpapahuli ang Big Win Club sapagkat hindi lamang kaligayahan ang hatid nito sa mga manlalaro kundi oportunidad na kumita ng pera sa pinakamabilis na paraan. Sa mga hindi pa pamilyar sa Big Win Club app, ito ay isang uri ng gambling app na sa kasalukuyan ay mayroon ng mahigit isang milyong downloads sa Play Store.
Ano ang Mayroon sa Big Win Club
Kagaya ng nabanggit sa itaas, ang larong ito ay daan upang kumita ng pera. Ngunit sa anong paraan? Simple lamang. Ang tanging kailangan gawin ng mga manlalaro ay laruin ang mga itinatampok na gambling game ng Big Win Club kagaya ng larong Pusoy, Lucky 9, Tongits, Slot games at Online Sabong. Kailangan ding gumamit ng chips upang gawing pamusta, o pantaya. Ang mga larong tampok sa Big Win Club app ay kinalakihan na ng kulturang Pinoy, kaya hindi maitatanggi ang katotohanan na napakadali na lamang sa mga manlalaro na sundan ang mga alituntunin ng mga ito. Gayundin, tunay na ang Big Win Club ay isang magandang alternatibong online gambling app para sa mga Pilipino.
Paano Matatanggap ang mga Panalo?
Hindi kagaya ng iba pang gambing app na available sa mga digital marketplace, hindi na kailangan pa ng bank account sa Big Win Club sapagkat GCash account ang pangunahing gamit sa larong ito. Ang GCash din ang nagsisilbing tulay upang makabili ng chips at ma-redeem ang mga panalo. Sa kasalukuyan, ang GCash ang isa sa pinakasikat na e-wallet sa Pilipinas kaya halos lahat ay mayroon ng account dito. Dagdag pa rito, segundo, o minuto lamang ang kailangan hintayin ng mga manlalaro upang matanggap ang kanilang pera.
Konklusyon
Mayroong mga bagay na natutunan natin hindi lamang sa loob ng mga paaralan kagaya na lamang ng simpleng panood ng mga palabas sa telebisyon. Ang mundo sa kasalukuyan ay patuloy na sumasabay sa agos ng modernisasyon at sa loob lamang ng maikling sandali, maraming bagay ang naiimbento o nagti-trend. Ngunit may ilang bagay rin ang nanatiling tanyag katulad na lamang ng Blue’s Clues na hindi na lamang isang palabas sa telebisyon kundi isa na ring Blue’s Clues games na maaaring malaro sa inyong mga gadget.
- 0 Comment
- Casual Game Apps, Reviews
- August 16, 2022