Kung naranasan mo nang pumasok sa isang Casino, marahil isa sa mga umagaw ng iyong atensyon ang larong Plinko. Ang larong Plinko ay sinasabing naimbento ng isang American game show noong 1983 at simula noon, maraming tao na ang nahumaling sa paglalaro nito hanggang sa maging isa itong pinakatanyag na laro sa mga Casino. Sa larong Bouncy Kings: Lucky Cat Plinko naman, maglalaro ka rin ng Plinko ngunit kakailanganin mo ang tulong ng mga pusa upang maparami mo ang iyong pera at makapagpatayo ka ng sarili mong mga kaharian.
Sa karagdagan, hindi nalalayo ang gameplay ng larong ito isa iba pang slot machine mobile games kaya sa pag-uumpisa ng laro kailangan mo kaagad makalikom ng sapat na pera upang maitayo mo ang iyong kauna-unahang kaharian. Ngunit upang magawa ito, kailangan mo syempreng laruin ang Plinko hanggang sa magkaroon ka na ng sapat na coins upang mabili lahat ng upgrades na kinakailangang bilhin para makausad ka sa susunod na kingdom map. Bawat isang item na iyong ina-upgrade ay magbibigay sa iyo ng star na nagsisilbing susi upang mabuksan mo ang susunod na kaharian.
Sa pagpapatuloy, dapat din na maging handa ka sa pag-atake ng kaharian ng ibang manlalaro sa pamamagitan ng pagpapasabog ng kanilang mga monumento, sasakyang pandigma, o ng kanila mismong kaharian. Gayundin, mahalaga na maisakatuparan mo ang iyong paglusob sa ibang mga kaharian upang nakawin ang kanilang coins. Ngunit kapag nagkataon na mayroong shield ang isang kaharian, makakakuha ka lamang ng 25,000 coins. Kapag wala naman silang panangga, aabot ng ilang daang libo ang maaari mong makuha. Sa paglusob naman, automatiko nang makakakuha ka ng coins, ngunit kapag nasa panig mo ang swerte, mas lalo pang lalaki ang halaga na pwede mong maiuwi sa iyong kaharian.
Contents
Tips at Tricks sa Paglalaro
Para sa matagumpay na paglalaro, narito ang mga tip at trick na dapat isaalang-alang ng isang manlalaro:
Sa larong ito, dapat tandaan na ang paglalaro ng Plinko ang tanging paraan upang magawa mo ang pag-atake at pag-raid sa kaharian ng iba kaya sikaping mapunta ang iyong mga bola sa butas kung saan nandoon nakalagay ang attack at raid icons.
Bukod sa pagbibigay ng energy at mga reward, ang iyong mga kaharian din ang magsisilbing tirahan ng iyong mga makokolektang pusa at kapag ini-upgrade mo ang iyong mga pusa at kanilang tinitirahan, magiging daan din ito upang makapag-unlock ka ng panibagong kaharian na itatayo.
Sa kabilang banda, hindi lamang idle Plinko ang malalaro mo sa Bouncy Kings: Lucky Cat Plinko dahil maaari ka ring sumali sa mga battle event upang labanan ang mga battle boss at maglaro ng pinball at kapag nagkataong binisita ka ng swerte, may pagkakataon ka pang ma-unlock ang Frenzy mode mini game kung saan nandoon umuulan ng mga libreng bola na magagamit mo upang makapag-uwi ng mga jackpot prize.
Higit sa lahat, kung nais mong makasama sa paglalaro ang iyong mga kaibigan, dapat na mag-log in ka gamit ang iyong Facebook account dahil hindi mo ito magagawa kapag pinili mong maglaro bilang isang guest. Bukod pa rito, maaari mong imbitahan ang iyong mga kaibigan sa Facebook na maglaro ng Bouncy Kings: Lucky Cat Plinko at bilang kapalit nito, makakatanggap ka ng limpak-limpak na mga papremyo kabilang na ang mga karagdagang energy na siyang napakahalagang bagay sa larong ito.
Saan maaaring i-download ang laro?
Gamit ang search bar, hanapin lamang ang larong ito sa Google Play Store para sa mga Android user at i-download naman ang laro sa APKsFull para malaro ito sa PC. Samantala, hindi pa available ang larong ito para sa mga iOS user. Maaaring gamitin ang mga link sa ibaba:
Download Bouncy Kings: Lucky Cat Plinko on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.dreamcoolgame.google.pbg3&gl=US
Download Bouncy Kings: Lucky Cat Plinko on PC https://apksfull.com/bouncy-kings-lucky-cat-plinko/com.dreamcoolgame.google.pbg3
Mga Feature ng Laro
- Cat Card Collector – Kolektahin ang mga card mula sa mga nabubuksang chest upang makakuha ng libreng energy, in-game currency, gems at marami pang uri ng rewards.
- Adorable Pets – Mag-adopt ng iyong sariling alagang pusa sa larong ito dahil bukod sa sayang kanilang inihahatid sa iyo,malaki rin ang naitutulong nila upang mas maparami ang rewards na iyong makukuha sa larong ito.
- Kingdoms – Bumuo ng sarili mong mga kaharian at i-upgrade sila upang magkaroon ng mas maraming pagkakataon na makatanggap ng coins at energies.
- Video Advertisements – Kulang na ba ang iyong coins at energies upang magpatuloy sa laro? Huwag nang mag-alala dahil sa pamamagitan lamang ng panonood ng mga video advertisement makukuha mo na ang mga ito ng libre.
- Lots of Prizes – Basta’t masipag ka lamang sa paglalaro, hindi imposibleng malayo ang mararating mo sa larong ito.
- Leaderboard – Kung competitive kang tao, maglaro na kasama ang iyong mga kaibigan at patunayan sa kanila na ang pangalan mo ang nakalagay sa pinaka-tuktok ng leaderboard.
Pros at Cons ng Laro
Naglipana na sa online world ang napakaraming coin game, ngunit buo ang paniniwala ng Laro Reviews na ang Bouncy Kings: Lucky Cat Plinko ang isa sa mga larong hindi mo dapat palampasin. Naghahanap ka ba ng isang larong kombinasyon ng action at puzzle game? Kung oo, hindi mo na kailangan pang halughugin ang mga digital marketplace dahil tinataglay na ng nasabing laro ang mga ito. Kung pag-uusapan naman ang gameplay ng laro, tiyak na wala ka ring ipipintas dahil mula sa control ng laro hanggang sa mga in-game feature nito, talaga namang mapapahanga ka.
Sa karagdagan, hindi man 3D ang graphics ng laro, ngunit hindi ito nangangahulugan na hindi na maganda ang visual at display setup ng laro sapagkat malinaw mo pa ring makikita sa iyong screen ang kabuuan ng laro lalo na ang mga ginagamit na visual effects. Gayundin, hindi suliranin sa larong ito ang madalas na hinaing ng mga manlalaro tungkol sa mga advertisement. Sa katunayan, kahit online lamang malalaro ang Bouncy Kings: Lucky Cat Plinko, walang pop-ads na lalabas sa iyong screen, maliban na lamang sa mga optional ads na pwede mong panoorin, o hindi.
Sa kabilang banda, kung ikukumpara ang Bouncy Kings: Lucky Cat Plinko sa iba pang coin games, malinaw na mas mahirap makalikom ng mga coin sa larong ito. Napakaliit na halaga lang din ang pwedeng makuha sa Plinko kaya hindi ka agad-agad na makapagtatayo ng mga bagong kaharian. Kung ang layunin naman ng pag-upgrade ng isang laro ay upang mas mapabuti ito, kabaliktaran naman ang nangyayari sa Bouncy Kings: Lucky Cat Plinko dahil sa bawat pag-update ng laro ay mayroong mga feature na nababawas at kailangan mo pang maghintay ng ilang araw bago mo maipagpapatuloy ang laro.
Konklusyon
Ang paglalaro ng isang mobile game ay talaga namang mabisang paraan upang kahit paano ay ma-relax tayo lalo na ngayong panahon kung saan hindi pa ganap na ligtas ang makisalamuha sa maraming tao. Marami naman ang nagsasabi na naghahatid lamang ng negatibong epekto ang mga makabagong teknolohiya lalo na ang mga gadgets. Hindi maikakaila na napakalaki ng papel na ginagampanan ng mga mobile device hindi lamang bilang mga gamit pang-komunikasyon kung hindi mga makabagong paraan upang makahanap ng kasiyahan ang bawat isa sa atin, kaya kung ang hanap mong laro ay tanging saya lamang ang inihahatid walang pagdadalawang isip na nirerekomenda ng Laro Reviews ang larong ito para sa iyo.
- 0 Comment
- Casual Game Apps, Reviews
- July 25, 2022