Brawl Stars Review

Brawl Stars – Magsama-sama at lumaban kasama ang iyong tropa upang manalo sa isang labanan. Talunin ang iyong mga kaaway gamit ang malalakas na combo attack, mgataktika, at iba’t ibang items. Magtago sa damuhan at sorpresahin sila ng iyong mga pag-atake habang tinatarget ang kanilang mga gem!

Maaaring bumuo ng sariling squad o sumali sa isang grupo kasama ang iba pang mga manlalaro mula sa iba’t ibang panig ng mundo! Sa bawat panalong laban mo ay magkakaroon ng EXP, mga token reward, at mga tropeo. Huwag kalimutang i-level up ang Super at Attack powers ng iyong brawlers para magkaroon ito ng advantage sa bawat laban.

Ano ang layunin ng laro?

Ang layunin ng laro ay kolektahin at hawakan ang mga gem habang nakikipaglaban sa kaaway. Ikaw ay makikipagbarilan, magtatago, at aatake para agawin ang lahat ng mga gem ng kalaban at sa sandaling maabot ng grupo mo ang 10 gems ay magsisimula na ang countdown. Sa sandaling mag-umpisa ang countdown, dapat ninyong simulan ang pagdepensa o protektahan ang may pinakamalaking hawak na gem para hindi ito maagaw. Dapat ding panatilihin na sampu ang bilang ng hawak na gems hanggang matapos ang countdown.

Lumaban kasama ang iyong mga kakampi upang maprotektahan ninyo ang isa’t isa at sama-samang kolektahin ang kinakailangang dami ng gems upang manalo sa labanan. Kung magtagumpay ang iyong grupo ay makakatanggap ng mga gantimpala upang mai-level up ang iyong mga brawler. Maaaring makakuha at ma-unlock din ang iba pang mga karakter.

Brawl Stars

Brawl Stars

Paano laruin?

Dapat ay pamilyar ka sa tatlong uri ng mga item: gems, coins, trophy, star point, at power point. Ito ang mga kinakailangan para sa pagbili at pag-upgrade ng brawlers. Habang nakikipaglaban kasama ang iyong mga kakampi ay makukuha mo ang lahat ng ito sa pamamagitan lamang ng pagkapanalo sa bawat laban na iyong haharapin. 

Sa laro, kailangan mong mangolekta ng 10 gems upang ma-trigger ang winning countdown. Kapag nakahawak kayo ng 10 gems ay kailangan ninyong dumepensa at protektahan ang mga ito habang lumalaban pa rin dahil kahit na nakuha mo na ang mga ito ay maaari pa rin itong maagaw mula sa inyo. 

Kung tumatakbo pa rin ang oras at walang koponan ang nakakabuo ng 10 gems, agad magre-respawn ang iyong brawler at magpapatuloy sa pakikipaglaban sa laro. Ang iyong pangkat ay maaari pa ring makipaglaban para manalo hangga’t may oras pa. 

Paano i-download ang laro?

Ang mga kinakailangan para matagumpay na ma-download ang Brawl Stars sa Android devices ay dapat Android 4.3 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Para sa iOS users naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na iOS sa 9.0. Ang makukuhang space ng app para sa Android ay 264 MB at 477.1 MB naman para sa iOS.

  • Download Brawl Stars on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.supercell.brawlstars
  • Download Brawl Stars on iOS https://apps.apple.com/us/app/brawl-stars/id1229016807
  • Download Brawl Stars on PC https://www.ldplayer.net/games/brawl-stars-on-pc.html

Hakbang sa paggawa ng account sa larong Brawl Stars

  1. Hanapin ang anumang app store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng larong Brawl Stars pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at i-connect ito sa iyong Google Play account.
  4. Ang data ng laro ay maiingatan o masi-save kung ili-link mo ito sa isang account.
  5. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng Brawl Stars!
Brawl Stars

Brawl Stars

Tips at tricks sa paglalaro ng Brawl Stars 

Upang manalo sa laro ay dapat tumuon lamang sa tatlong bagay: ang iyong pagpoposisyon, mga galaw, at madiskarteng pagpaplano.

Pagpoposisyon – Mapapansin mo na may mga parang damo sa laro. Maaring magtago doon ang mga brawler at hinding-hindi sila makikita. Maaari mong sorpresahin ang mga kalaban ng inyong pag-atake habang ikaw ay nakatago sa damuhan.

Mga Paggalaw – Minsan ang mga baguhan sa laro ay tiyak na tuwid lamang ang lakad at kapag ganito ang iyong naging kaugalian ay tiyak na madali kayong matatarget ng kalaban. Subukan na maging pa zig-zag ang lakad o maging magalaw sa mapa para mahirapan ang inyong mga kalaban sa pag-target sa inyo.

Madiskarteng pagpaplano – Ang lahat ay nakasalalay sa pagpapasya kung kailan aatake at kung kailan aatras. Para dito, kakailanganin mong subaybayan ang iyong enerhiya at mga attack bar. Siguruhing sapat ang iyong enerhiya at natitirang bala para sa isang matagumpay na pag-atake. Kapag kapos ka sa dalawang nabanggit, magtago sa likod ng mga damuhan. Ang susi sa pagiging matagumpay na manlalaro ay ang pagtitiyaga at paghihintay sa tamang pagkakataon. 

Related Posts:

Extreme Basketball Review

Geometry Dash Lite Review

Pros at cons sa paglalaro ng Brawl Stars

Nakatanggap ang Brawl Stars ng maraming positibong komento mula sa mga manlalaro nito. Ang dami ng karanasan sa gameplay na makukuha sa larong ito ay hindi masusukat. Marami itong kaakit-akit at nakakaintrigang mga kaganapan. Napaka-basic ng mekaniks na kahit na ang mga baguhan ay kayang-kayang makasabay sa takbo ng laro. Ang kontrol nito ay ang mga digital joystick at hindi kumplikadong gamitin para sa mga manlalaro. Ang mga visual effects at graphics ay mahusay din at kaaya-aya sa mata. Ang progress o data ng laro ay maaaring ma-save sa pamamagitan ng pagkonekta nito sa iyong Google Play account.

Brawl Stars

Brawl Stars

Isa itong 3v3 multiplayer battle royale game na available para sa Android, iOS, at PC. Maaari mo ring anyayahan ang iyong mga kaibigan na sumali sa iyong squad. Ito ay isang online program na nangangailangan ng internet connection o mobile data. Isa rin itong mobile app kaya madali lamang itong dalhin kahit saan mo gusto laruin. Sa laro ay maaaring makakuha ng iba’t ibang reward. Maaari mong gamitin ito upang mag-upgrade at palakasin ang skills ng iyong brawlers at para na rin bumili ng mga gear at skin.

Ang programang ito ay may potensyal na sumikat at magkaroon pa ng maraming manlalaro. Higit pa rito, ang mga advertisement ay hindi lumalabas nang madalas sa laro. Bagama’t nakakatanggap ito ng maraming positibong feedback mula sa mga manlalaro, may ilang isyu na kailangang matugunan para sa mas mahusay na karanasan sa laro. Tulad halimbawa ng sensitivity ng joystick na hindi maaaring i-adjust. Ang mga kontrol ay hindi rin maganda sa throwers na karakter (Barley, Dynamike) dahil ito ay mas mahirap itutok o i-target sa kalaban. Ang sistema ng pag-update ngayon ay mas hinihikayat ang mga manlalaro na gumastos para mas ma-upgrade ang kanilang brawlers.

Konklusyon

Ang Brawl Stars ay isang mahusay na laro na may iba’t ibang kapana-panabik na mga kaganapan. Maaari mong isama ang iyong mga kaibigan sa laro at bumuo ng isang squad. Maaaring sumali sa mga random na manlalaro mula sa iba’t ibang parte ng mundo! Kapag nanalo sa isang laban ay maaaring makakuha ng mas maraming reward.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...