Brawlhalla Review

Minsan na nating nagustuhan ang mga laro noon kung saan talagang sinisikap nating patunayan sa iba pang manlalaro na tayo ang pinakamalakas. Kung babalikan nga natin ang kabataan natin, kalimitang nangyayari ang mga ganito sa paglalaro natin ng video games, sa playstation at marami pang iba. Minsan na tayong nalibang noon at kung bibigyan pa tayo ng pagkakataong muling maranasan ang mga ito, susubukan ba natin? Kung oo ang iyong sagot, maaari mong subukan ang larong inilabas ng Ubisoft Entertainment, ang Brawlhalla, isang uri ng 2D fighting action game kung saan kailangan mong mamili ng isang Legendary Hero na siyang ipanlalaban mo sa larong ito. Simple lang naman ang gameplay ng laro dahil kailangan mo lang namang palabasin sa Arena ang iyong mga kalaban hanggang sa maubos ang kanilang buhay. Ngunit dahil misyon ng larong itong hasain ang iyong talino pagdating sa pakikipaglaban, isang pagsubok para sa’yo kung paano mo gagamitin ang skills ng iyong Legendary Hero upang kalaunan ay mapatunayan mong ikaw ang pinakamalakas dito. 

Features ng Brawlhalla

Marami ang inihandang laro ng Brawlhalla para magkaroon ng kakaibang experience ang mga magtatangkang maglalaro nito. Sa bungad pa lamang nito ay makikita mo na agad ang iba’t ibang uri ng section na mayroon sa main screen nito. Iilan lamang ito ngunit laman naman ng bawat section na ito ang iba’t ibang klase ng bagay na talagang magtutulak sa iyong i-enjoy pa ang larong ito.

Una na riyan ang tinatawag na Online Play. Sa larong ito, kailangan mo munang i-log in ang iyong Google account upang tuluyan mong ma-access ang laman nito. Laman ng Online Play ang Free-for-All kung saan makakalaban mo ang mga tunay at iba pang manlalaro ng Brawlhalla. Sunod naman nito ang Strikeout 1v1 kung saan may Legend ang kalimitang ginagamit dito bilang panlaban. Ang Friendly 2v2 naman ay isang uri ng game mode kung saan maaari mong pasukin ang laro nang mag-isa o may isang kasama. Bilang panghuli para rito ay ang Experimental 1v1 kung saan may ilang mga feature sa larong ito ang maaari mong subukan.

Sa Ranked section naman makikita ang ilang mga laro na binibigyan ka ng pagkakataong makapaglaro kasama ang ilan pang mga naglalaro ng Brawlhalla. Mayroon ding apat na game modes para rito gaya ng Ranked 1v1 kung saan maaari mong maka-head-to-head ang iba pang manlalaro. Ang Ranked 2v2 naman ay para sa inyong dalawang magkaibigan para magkasamang kumpletuhin ang inyong misyon. Para sa Ranked 3v3 Crew Battle naman at Join Ranked ay ang mga klase ng game mode kung saan maaari kang makapaglaro nito kung nasa iisa kayong game room. May tatlong klase ng game rooms sa larong ito. Mayroong Room na maaaring ikaw ang lumikha, mapa-public man o private. May room din na maaari mong salihan. Bukod pa rito ay mayroon ding tinatawag na Browse Rooms na laman ang iba’t ibang klase ng nilikhang public rooms mula sa iba’t ibang lugar na siyang maaari mo ring salihan.

Bukod pa sa mga ito ay mayroon ding magkahiwalay na laro gaya ng 2v2 showdown na nagbubukas lamang every week at Offline Game naman kung saan ino-offer nito ang mga game mode na laman ang mga basic na dapat mong matutunan sa paglalaro ng Brawlhalla. Una na riyan ang Couch Party, isang game mode kung saan maaari mo pa ring makasama ang iyong kaibigan kahit offline. Gayundin mayroon din ang Training naman kung saan tuturuan ka nito kung paano gawin ang pagsipa, pagtalon at iba pa. Sa Tournament naman nangyayari ang pakikipaglaban sa isang virtual na manlalaro. Panghuli ay ang Tutorials kung saan tuturuan ka naman nito tungkol sa attacking, platforming at damage meters. Bawat isa sa mga ito ay may nakalaang reward oras na malampasan mo ang mga ito.

Marami kang maaaring matagpuang iba’t ibang klase ng karakter o Legends sa larong ito. Karamihan sa mga ito ay makikita mo nang naka-sort mula A hanggang Z sa isang section. Makikita mo rin sa section na ito ang kwento patungkol sa kanila at ang iba’t ibang skills na mayroon sila. Kung baguhan ka pa lamang at marahil ay nagtataka ka kung kailan mo makukuha ang ibang hindi pa available na legends ay maaari ka ring sumilip dito upang malaman mo kung anong level mo sila tuluyang maa-unlock. Kung pagdating sa labanan ay maaaari mo pang i-customize ang mga ito mula sa kanilang suot hanggang sa kanilang mga armas na gagamitin. Bukod pa rito, isa ring kagandahan sa larong ito ay may ilang mga karakter dito na nag-crossover gaya ng aliens ng Ben10, Ninja Turtle, Tekken at marami pang iba.

Gaya nang makikita sa iba pang mga laro, mayroon din ditong iba’t ibang missions na may katumbas na rewards sa tuwing malalagpasan. Bukod pa rito, may Shop din kung saan mabibili ang ilang mga item gaya ng mga legend, skins, chest at currency ng laro. Mayroon din ditong Inventory kung saan narito ang lahat ng mga bagay na na-unlock mo na. Kung may isa lamang marahil na kakaiba rito ay ang pagkakaroon nito ng section gaya ng Saved Replays kung saan maaari mong mapanood ang iyong mga naging laban.

Saan maaaring i-download ang Brawlhalla?

Ang larong ito ay nangangailangan lamang ng 95MB sa Google Play Store habang 941.1MB naman pagdating sa App Store. Maaari ka namang gumamit ng emulator gaya ng bluestacks para naman sayong PC. Kung nais mo itong laruin, i-click lamang ang link na nasa ibaba depende sa device na iyong gamit.

Download Brawlhalla on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=air.com.ubisoft.brawl.halla.platform.fighting.action.pvp

Download Brawlhalla on iOS https://apps.apple.com/us/app/brawlhalla/id1491520571

Download Brawlhalla on PC https://www.bluestacks.com/apps/action/brawlhalla-on-pc.html

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Brawlhalla

Kung nagsisimula ka pa lamang sa larong ito, isang magandang gawin na tumambay muna sa offline games na mayroon dito. Dito mo kasi maaaring matutunan ang ilan sa mga basic ng laro gaya ng kung paano umatake at gamitin ang iyong skills sa pakikipaglaban. Mainam ito dahil tunay kang inihahanda nito pagdating sa iba’t ibang klase ng laban lalo pa’t makakakalaban mo rito ang iba’t ibang manlalaro na mula pa sa iba’t ibang lugar. Hangga’t hindi mo kasi alam ang basic ng laro ay tila ba matutuliro ka pagdating sa kung paano umiikot ang bawat laban. Kasama na rin dito ang pagma-master mo ng game controls dahil tunay kang maguguluhan sa simula dahil sa dami nito. Nagkalat ang mga ito sa magkabilang gilid ng screen dahil halos mayroong hiwa-hiwalay na controls para sa iba’t ibang klase ng pagtalon, pag-atake at marami pang iba na kailangan mong aralin munang maigi bago pumasok sa aktwal na laro.

Pros at Cons ng Brawlhalla

Sulit na ring maituturing ang Brawlhalla dahil talagang minabuti ng larong itong sa oras pa lang na pasukin ito ng bawat manlalaro ay makikita na agad nila ang iba’t ibang klase ng features na maaari nilang subukan at kalaunan ay ma-enjoy. Mabibighani ka kaagad sa iba’t ibang klase ng Legendsna mayroon ang mga ito, mula sa iba’t ibang klase ng itsura ng mga ito at sa disenyong talagang ginawang mas detalyado at nakaw-atensyon. Nakakatuwa ring mayroong nagaganap na crossover dito kung saan maaaari mo ring magamit ang ilang mga karakter na mula sa mga napapanood mong animation sa TV o kaya sa mga nilalaro mong combat games noon. 

Kung tutuusin, para bang isang misyon na rin ng developer ng larong ito ang ibalik tayong lahat sa nakaraan dahil talagang hindi pumalya ang Brawlhalla na iparanas sa ating muli ang mga bagay na naranasan natin noon. Mula sa graphics nito na para bang naglalaro kang muli sa playstation at sa isang maliit na TV kasama ang iyong mga kaibigan pagkatapos ninyong maglaro sa labas. Ganun din, maging sa tunog na inilapat ditong maririnig mo na agad sa bungad pa lamang ng laro. Ito yung tipo ng tunog na para bang maririnig mo rin sa ibang opening ng anime na may parehas na genre na katulad ng nasa Brawlhalla.

Para sa Laro Reviews, ang maituturing lang na disadbentahe ng laro ay ang pagkakaroon nito ng sari-saring game controls. May karamihan na rin ito at kung baguhan pa lamang ang bawat manlalaro ay talagang malilito sila kung paano gagamitin ang mga ito. May mga pagkakataon ding para bang hindi ka sigurado kung gumagana nga ba ang ilan sa mga ito dahil sinusubukan mo namang gamitin ang mga control na ito, ngunit tila hinahayaan lamang nitong saluhin ng iyong karakter ang bawat pag-atake ng kalaban. Magugulat ka na lamang din dahil makikita mo na lamang na nahulog na ito nang hindi mo namamalayan.

Konklusyon

Kung Laro Reviews ang tatanungin, sulit na ring maituturing ang Brawlhalla dahil may karamihan na rin ang larong maaari mong subukan dito, offline man ito o online. Ilan din sa mga ito ay maaari mo nang malaro kahit pa ikaw lamang mag-isa o kung nais mo nang may kasama. Bawat isa rin nito ay may iba’t ibang klase ng level of difficulty na talagang sapat na upang hasain ang iyong talino sa pakikipaglaban. Higit sa lahat, hindi ito yung tipo ng larong kailangan mong magbayad nang malaki para lamang manalo dahil sa totoo lang, maituturing nang puhunan ng bawat manlalaro ang kanilang talino o skills upang makaabante sa bawat laban dito. 

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...