Bright Memory Mobile Review

Ang Bright Memory Mobile ay nasa proseso pa rin ng pagsasaayos at ito ay gawa ng FYQD Studio. Ang larong ito ay may limitadong oras para laruin ng humigit-kumulang isang oras lamang at hindi rin libre ang updates nito. Gayunpaman, maganda pa rin ang performance na binibigay nito sa mga manlalaro. Sa unang aksyon ng shooting game na ito, maaaring gumamit ang mga manlalaro ng iba’t ibang uri ng espesyal na kapangyarihan at gumamit at bumuo ng kumbinasyon ng mga kasanayang nakamamangha at malakas. Kwento ito ng epikong pakikipagsapalaran ni Sheila, isang miyembro ng Science Research Organization (SRO), na inatasan sa isang misyong pigilan ang isang masamang grupong militar na pinangalanang SAI at bawiin ang isang sinaunang kapangyarihan.

Ano ang Layunin ng Laro?

Gaya ng naunang nabanggit, ang pangunahing layunin ng laro ay ang pigilan ang isang grupong militar na kilala bilang SAI at bawiin ang isang sinaunang kapangyarihan. Lalaban ka bilang si Sheila, isang miyembro ng Science Research Organization (SRO). Tutulungan mo ang organisasyong itong matalo ang mga kalaban. Ang mga baril at espada ang magiging pangunahing sandata mo sa pakikipaglaban.

Bright Memory Mobile

Bright Memory Mobile

Paano Ito Laruin?

Bago mo i-download ang larong ito ay basahin muna ang description nito. Ang Bright Memory Mobile ay isang demo-based beta form na ang ibig sabihin ay under testing pa lamang ang app na ito. Maaari mo lamang itong laruin ng humigit-kumulang isang oras lamang. Ngunit dahil sa mahusay na performance at magandang experience na binibigay nito sa mga manlalaro, hindi rin magtatagal ay mailalabas na rin ito sa app stores bilang isang ganap na app na maaaring laruin nang pangmatagalan.

Ang Laro Reviews ay magbibigay sa iyo ng kaunting kaalaman tungkol sa laro. Ang larong Bright Memory Mobile ay ginaganap sa isang misteryosong lugar na matatagpuan sa kalangitan na isang napakagandang kaharian sa itaas ng Arctic. Maraming kakaiba at kamangha-manghang species ang maaaring matagpuan sa lugar na iyon. Mayroon ding mga zombie warrior at isang nakakatakot na hayop na may dalang palakol. Ang mga halimaw ay nakakatakot at mahirap talunin. Ang Bright Memory Mobile ay mayroon ding mga ordinaryong kalaban tulad ng mga lobo at maging grupo ng mga tao.

Ang kumbinasyon ng mga genre ng FPS at Action ay nagbibigay ng malawak na hanay ng mga kasanayan upang mailabas ang mga makatotohanang combo strike. Sa larong ito, maaari kang lumikha ng bagong kakayahan sa pamamagitan ng paghahalo ng ilang mga kasanayan. Dahil ang laro ay nasa demo-based beta ngayon, ang pagkumpleto ng iyong misyon ay hindi masyadong matagal. Ang laro ay pwedeng laruin offline at hindi nangangailangan ng internet connection.

Paano I-download ang Laro?

Ang mga kinakailangan para matagumpay na ma-download sa Android devices ay dapat Android 5.0 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Para sa iOS users naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na iOS sa 11.0. Ang makukuhang space ng app para sa Android ay 34 MB at 937.3 MB naman para sa iOS.

Maaari ring i-click ang mga link sa ibaba upang mag-download:

  • Download Bright Memory Mobile on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.FYQD.BrightMemory
  • Download Bright Memory Mobile on iOS https://apps.apple.com/us/app/bright-memory-mobile/id1474315941
  • Download Bright Memory Mobile on PC https://store.steampowered.com/app/955050/Bright_Memory/
Bright Memory Mobile

Bright Memory Mobile

Hakbang sa Paggawa ng Account sa Bright Memory Mobile

  1. Hanapin ang anumang app store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng larong Bright Memory Mobile. Pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at direktang dadalhin ka nito sa laro. Hindi na kailangang i-link ang laro sa anumang mga account. Sa oras na inalis na ito sa mga device, hindi na masi-save ang progress ng laro.
  4. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng Bright Memory Mobile!

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Bright Memory Mobile

Ibabahagi sa iyo ng Laro Reviews ang ilan sa mga armas na maaari mong gamitin para magapi ang mga kalaban sa Bright Memory Mobile. Ang mga baril ay mas epektibong gamitin laban sa mga halimaw at iba pang nilalang. Sa laro, maaari mong gamitin ang Pistol, SMG, at Shotgun nang sabay-sabay. Ang pagiging magalaw sa labanan ay makatutulong sa iyo para makaiwas sa mga atake ng kalaban. Ang Sword Attacks ay nagbibigay-daan sa iyong atakihin ang mga kalabang may tatlong natatanging uri ng espada. Maaaring gamitin ang Light Sword Energy para mabawasan ang mga atake ng espada. Ang mga hampas ng espada ay malakas at nagdudulot ng matinding pinsala sa iyong mga kaaway. 

Related Posts:

Papa’s Bakeria To Go! Review

Papa’s Sushiria To Go! Review

Bright Memory Mobile

Bright Memory Mobile

Pros at Cons sa Paglalaro ng Bright Memory Mobile

Ang Bright Memory Mobile ay kasalukuyang nasa demo-based beta na bersyon, kaya maaari mo lamang itong laruin nang halos isang oras, ngunit nagtatampok ito ng pambihirang performance at napakahusay na karanasan sa paglalaro. Kung kaya’t bago ka magpasya na i-download ito, tandaan na maaari mo lamang itong ma-enjoy sa loob ng isang oras. Ang mga kontrol ng Bright Memory Mobile ay madaling maunawaan at gamitin. Katulad ng iba pang shooting game, maaari mong ilipat ang ADS sa pamamagitan lamang ng pagpindot sa attack buttons. Maaari mo ring baguhin ang aim ng iyong armas kapag bumabaril sa mga kalaban. Mayroong napakaraming mga kasanayang maaari mong gamitin upang lumikha ng isa pang buong hanay ng mga ito, pati na rin ang mga kakaibang kapangyarihan kapag ang mga kalaban ay sumugod sa iyo.

Ang Bright Memory Mobile ay isang kamangha-manghang shooting game na inilunsad sa mga app store ngayon, ngunit mayroon itong ilang mga isyung kailangang ayusin at pagbutihin pa lalo ang gameplay performance. Ang mga boss ng mga karakter ay nasa wikang Chinese. Hindi ito nangangahulugang ganito na ito kapag tuluyan na itong maging application, sapagkat nagkakaroon ito ng language barrier para sa mga manlalarong hindi Chinese. Sa kabutihang palad, ang laro ay may mga subtitle na Ingles. Gayunpaman, kapansin-pansing mula sa mahinang Ingles at hindi wastong mga termino ay hindi nga ito mahusay sa nasabing lenggwahe. 

Bukod sa mataas na kalidad na mga visual, ang laro ay may kaaya-ayang background music at makatotohanang sound effects sa mga pag-atake at kapaligiran. Gumaganda ang karanasan sa paglalaro kapag ginamit ang lahat ng visuals. Gayunpaman, kung mayroon kang low-end device na may Snapdragon 820 o mas mababa, ang device ay umiinit habang gumagamit ng matataas na graphics.

Konklusyon

Kahit na ito ay isang demo-based beta version pa lamang, ang laro ay nanatiling maganda ang hatid na aliw para sa mga manlalaro. Lubos na nalulugod ang Laro Reviews sa mga feature ng laro, lalo na sa mga visual at makatotohanang voice-over sa mga karakter. Ang gameplay ay madaling maunawaan at ang mga kontrol ay mahusay na nakaayos sa mga mobile screen device.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...