Bubble Shooter Jelly Review

Isa ba sa pampalipas oras mo ang paglalaro ng bubble shooter games? Kung gayon, magandang subukan mo ang larong tatalakayin sa article na ito. Dito ay masusubukan ang iyong galing sa pag-target at pag-match ng bubbles. Kaya naman talagang mahahasa ang iyong kakayahang mag-isip ng techniques para mai-match ang bubbles na magkakaparehong kulay habang kinukumpleto ang goal sa nilalarong level.

Ang Bubble Shooter Jelly ay isang match-three at bubble shooter game na ginawa ng game developer na Infno Games. Ito ay mayroong cute na graphics at maaliwalas na atmospera na mararamdaman mo sa laro. Patuloy na basahin ang article na ito mula sa Laro Reviews upang malaman ang detalye tungkol dito.

Features ng Bubble Shooter Jelly 

Cute Graphics – Hindi mo mapipigilang masabing cute ang graphics habang naglalaro nito. Lalo ring nakakaengganyo ang sari-saring lokasyon na mapupuntahan mo habang tumataas ang nilalarong level. Simula sa forest, pwede kang makapunta sa lugar na may temang Halloween, winter, at marami pang iba.

Hundreds of Levels – Mahigit 650 levels ang nag-aaabang para iyong laruin. Hindi ka kaagad mabibitin sa paglalaro dahil sa dami ng levels na ito. Bukod pa rito, nadadagdagan din ang challenge na iyong kakaharapin habang pataas nang pataas ang nilalarong levels.

Offline Mode – Hindi ka limitado sa pagkakaroon ng internet connection para malaro ito. Kahit na nasaan ka man o kung naghihintay ka sa pila, pwedeng-pwede mong ma-enjoy ang paglalaro nito dahil sa feature nitong offline mode. Daan-daang levels ang nakaabang na makumpleto mo kahit hindi ka konektado sa Wi-Fi o mobile data.

Saan Pwedeng I-download ang Bubble Shooter Jelly?

Sa section na ito ng article ituturo kung saan at paano i-download ang Bubble Shooter Jelly. Kasalukuyang available lamang ang laro sa Android, iOS, at PC devices. Gamit ang iyong mobile phone, pumunta sa Google Play Store para sa Android users at sa App Store naman sa iOS users. Ilagay sa search bar ang pamagat ng laro. Kapag nahanap na ito, pindutin ang Install o Get button at hintaying matapos ang pag-download. Hindi na kailangang magbayad para i-download ang laro dahil free-to-play (F2P) ito. Buksan ang app at kumpletuhin ang lahat ng kailangan sa sign-in details. Pagkatapos ang lahat ng ito, pwede mo nang simulan ang paglalaro!

Narito ang links kung saan pwedeng i-download ang laro:

Download Bubble Shooter Jelly on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.bubble.shooter.bear.puzzle

Download Bubble Shooter Jelly on iOS https://apps.apple.com/us/app/bear-pop-bubble-shooter-games/id1478371589

Download Bubble Shooter Jelly on PC https://apkfun.com/Bubble-Shooter-Bear-Bear.html

Tips at Tricks sa Paglalaro

Limitado lamang ang bilang ng moves na pwede mong gawin. Makikita mo ang numero na nasa gitna ng shooter, kung saan mainam na palagi mo itong tignan para alam mo kung ilang moves na lang ang natititra sa iyo. Gayundin, importante ito para matantsa mo ang gagawin mong technique nang sa gayon ay hindi ka maubusan ng moves. Bilisan ang iyong pag-shoot ng bubbles batay sa kanilang kulay. Kailangan mong ipag-match ang tatlo o higit pang bubbles na may magkakaparehong kulay. Ang layunin mo ay mailigtas ang bears na nakakulong sa ibang bubbles. Tignan sa kanang itaas na bahagi ng screen kung ilang bears ang kailangan mong makuha upang makumpleto ang level. Kapag nakumpleto mo na ang goal habang may natitira pang bubbles, kusang matatapos na ang level at magsisilbing karagdagan ang mga ito sa iyong total score.

I-adjust ang iyong pag-target ng bubble sa pamamagitan ng pag-swipe sa screen papuntang kanan o kaliwa. Kapag wala ka nang mahanap na pwedeng i-match sa kulay ng bubble na nasa shooter, pwede mo itong i-exchange sa susunod na kulay. I-click lamang ang shooter para ipagpalit ang dalawang bubbles. Bukod pa rito, pwede mo ring gamitin ang walls para mag-reflect ang target line at maabot mo ang bubbles na nakapwesto sa mas mataas na pwesto. Habang ina-adjust mo ang target, makikita mo na may gabay kung saan ito mapupunta. Dapat i-maximize mo ang gamit nito para palaging tiyak at sigurado ang pwesto ng iyong tira.

Makikita mo sa kaliwang itaas na bahagi ng screen ang meter kung saan malalaman mo kung ilan na ang kasalukuyan mong score at kung ilang stars na ang nakukuha mo. Para makakuha ka ng mas mataas na puntos, ang maipapayo ko sa iyo ay gumawa ng maraming combos para madoble ang katumbas nito. Dagdag pa rito, ang tip ko sa iyo ay tipirin ang moves hangga’t makakaya sapagkat kapag natapos mo agad ang level, nagiging bonus points ang mga natira rito.

Mainam na tamaan mo ang bomb bubble kapag may nakita ka sapagkat may kakayahan itong mag-eliminate ng bubbles ng humigit-kumulang dalawang circles. Magagamit mo ito para mas mabilis maubos ang bubbles at para madamay sa pagsabog ang ibang bears. Makakatulong din sa iyong performance ang paggamit ng boosts kung saan may dalawa kang pwedeng pagpilian. Maa-unlock mo ang Super Shooter pagdating sa Level 10, kung saan nagbibigay ito ng abilidad na mag-swap sa pagitan ng tatlong bubbles. Samantalang ang Extra Bubbles naman ay magagamit mo upang magkaroon ka ng limang extra ng bubbles para i-fire. Maa-unlock mo naman ito pagdating ng Level 20.

Pros at Cons ng Bubble Shooter Jelly 

Simple lang ngunit nakaka-enjoy ang gameplay ng Bubble Shooter Jelly. Halos katulad lamang ito ng karaniwang bubble shooter game, ngunit ang ikinaganda lalo nito ay ang cute na graphics at ang pagiging hindi komplikado ng interface nito. Napakaaliwalas ng kabuuang atmospera ng laro kung saan sinamahan pa ito ng makukulay na disenyo. Pagdating sa ganitong gameplay, mas nakakalibang kapag simple ang laro. Dagdag pa rito, hindi rin ito nagpapalabas ng napakaraming ads. Halos wala itong pop-up ads kaya tuluy-tuloy ang enjoyment sa paglalaro sapagkat walang biglaang sagabal dito. Kaya hindi ka mawawalan ng gana upang maglalaro ulit sapagkat hindi mo na kailangang maghintay nang matagal para lamang sa ads. Ang pagkakaroon ng pop-up ads ang kadalasang nagiging dahilan ng ibang manlalaro upang tumigil sa paglalaro.

Mayroon din itong offline mode kaya maaari mo itong laruin kahit hindi ka kasalukuyang konektado sa Wi-Fi o mobile data. Dahil dito, tamang-tama itong laruin bilang libangan habang nagpapalipas ng oras sa labas. Sa kabilang banda, marami ang nagsasabi na hindi na nagiging masaya ang laro kapag nasa mataas na levels na ang iyong nilalaro. Gayunpaman, itinuturing naman ito ng ibang manlalaro bilang challenge upang malampasan nila ang hirap sa levels.

Konklusyon

Sa kabuuan, magandang laruin ang Bubble Shooter Jelly dahil ihinahandog nito ang kasiyahan sa karaniwang bubble shooter games habang nag-aalay ng cute na graphics, simpleng interface, offline mode, at kaunting pop-up ads. Ang layunin mo sa bawat level dito ay iligtas ang baby bears mula sa pagkakakulong sa bubbles. Kaya kung ang hanap mo ay bubble shooter games, mairerekomenda ito ng Laro Reviews. Huwag magdadalawang-isip na balikan ang tips at tricks ng article para gabayan ka sa paglalaro!

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...