Bubbu – My Virtual Pet Cat Review

Bubbu – My Virtual Pet Cat – Si Bubbu ang iyong bagong digital pet cat. Siya ay nakakatuwa, expressive, at madaling mahalin. Ang pusang ito ay mahilig sa masasarap na pagkain, mag-selfie, bumisita sa mga kaibigan, at sumayaw. Mag-enjoy sa bahay ni Bubbu at matuto ng mga kaalaman tungkol sa pang-araw-araw na pangangailangan ng iyong bagong alaga. Walang halong pag-aalinlangang mabibighani kayo sa kanya. Tuklasin ang makulay na mundo ni Bubbu mula sa iba’t ibang mga gawain na sinamahan ng adorable kitty games.

Mahigit 30 entertaining mini-games ang mayroon sa larong ito na makakapagbigay ng maraming coins para makabili ng mga bagay na kailangan ng digital cat mo. Stick Ninja, Diver, Jumping Cat, Nightmare, Cat Sings, Fish Ninja, Cheese Builder, Pop Balloons, Jump, Paint the Cat, 2048, Find the Cat, Cat Connect,  Catcher, at iba pang mga laro ang available. Subukan ang mga adorable cat games para sa buong pamilya at alagaan ang pusa sa adorable digital pet games!

Pag-aalaga Kay Bubbu

Kailangang mapanatili ang player na buhay at masaya ang pusa hanggang sa abot ng kanilang makakaya. Ang pagbibigay ng pagkain, pagkalinga, at pakikipaglaro ang ilan sa mga kailangang gawin upang mapanatiling buhay at masaya ang pusa. Ang araw-araw na pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng gameplay, digital pampering, pagpapakita ng pagmamahal at acknowledgment ang mga bagay na makakapagpanatili ng kasiyahan ng digital cat upang magpatuloy itong lumaki ng malusog at aktibo.

Si Bubbu ay laging handang pakainin, bihisan, yakapin at paliguan. Ang kaibig-ibig na digital pet cat na ito ay nangangailangan ng pansin at pagmamahal bawat araw. Kaya alagaan siya araw at gabi. Sa madaling sabi, siguruhin na ang pusa mo ay laging masaya at kuntento, hindi nagugutom, napapagod, o nagkakasakit, at hindi rin naiinip. Sa mga adorable kitten games, kailangang alagaang mabuti ang mga alaga.

Simulang dalhin si Bubbu sa mga hip shops at bilhan siya ng mga stylish outfit. Huwag kakalimutang magdisenyo ng bahay para sa iyong alagang pusa. I-personalize at i- accessorize ito ng maraming pagpipiliang interior decorations upang gawing maganda at kaakit-akit ang kitty’s room.

Bubbu – My Virtual Pet Cat

Bubbu – My Virtual Pet Cat

Bubbu – My Virtual Pet Cat Download

Simulan ang pag-aalaga kay Bubbu. I-download ang Bubbu – My Virtual Pet Cat sa iyong Android device mula sa Google Play Store at mula naman sa App Store para sa iOS devices. Upang ma-i-download ang laro sa PC, siguruhing mayroon kang emulator na naihanda.

I-download ang laro gamit ang sumusunod:

  • Download Bubbu – My Virtual Pet Cat game on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.bubadu.bubbu&hl=en_SG&gl=US
  • Download Bubbu – My Virtual Pet Cat game on iOS https://apps.apple.com/us/app/bubbu-my-virtual-pet-cat/id1055590420
  • Download Bubbu – My Virtual Pet Cat game on PC https://www.memuplay.com/how-to-play-com.bubadu.bubbu-on-pc.html

Pagpapasaya kay Bubbu

Ang Bubbu land ay may napakaraming adventures at mga adorable pet games. Gawing isang napakagandang cat palace ang bahay ni Bubbu. Bilang isang farmer, maaaring makapagtanim ng mga organic na halaman sa bakuran at makakuha ng sariwang gatas sa mga baka araw-araw para kay Bubbu. Sumakay sa mabilis na kotse at gawin itong available para sa valley ride. Subukang maglakad sa beach, mag-fishing o snorkeling. Para maprotektahan ang iyong mundo sa alien attacks, maaaring pumunta downtown o kahit sa space sa pamamagitan ng isang rocket. Mag-enjoy sa paglalaro ng basketball at football, magtampisaw malapit sa mga sea rocks, o maaari ding umakyat ng puno. Pagsalitin ang mga gawain sa araw at gabi, at subukang makinig sa music ng mother nature.

Bubbu – My Virtual Pet Cat

Bubbu – My Virtual Pet Cat

Bawat araw magpatuloy sa pagpapaikot ng wheel of fortune, tapusin ang mga everyday challenges, at subukang puntahan ang bahay ng mga kaibigan para makakuha ng dagdag na bonuses sa loob ng kitty games. Ang pagkumpleto ng mga level ay magbibigay ng libreng  diamonds, na maaaring gamitin para makabili ng special items para sa iyong digital pet cat.

Ang Bubbu – My Virtual Pet Cat ay maraming mini-games na malalaro at makakadagdag sa  entertainment ng laro. Sa mga mini-games na ito ay maaaring paliguan ang maruming alaga at bihisan ito. Kadalasan ay nangangailangan itong gamitan ng kaunting strategic approach sa paglalaro. Para makatipid ng oras, simulan agad ang paglalaro ng mga mini-games kapag na-download na ang laro.

Panatilihin ang pagiging masaya ng iyong pusa. Kapag natagalan ka sa pagdadala nito mula sa isang lugar papunta sa susunod, nag-iiba ang mood ng iyong alaga. Gumamit ng mga regalong pagkain para mapanatili itong komportable. Huwag masyadong gumastos para sa mga regalo, siguruhing may naitatabipara sa iba pang bagay. Gamitin lang ito kung kailangan.

Reviews Para sa Bubbu – My Virtual Pet Cat Game

Ang kitty na ito ay talagang kaibig-ibig at maaaring maiugnay sa kahit ano sa laro, tulad ng paglalakad sa komunidad, pag-customize ng iyong mabalahibong kaibigan, at iba pa. Ito ay nakakapagbigay ng interactive na karanasan sa paglalaro. Isang magandang laro kung saan magagawang i-personalize ang iyong pusa at sa bawat progreso, may mabubuksang panibagong mga attire, skins, at marami pang iba. Sa una ito ay isang napakalaking kasiyahan, ngunit sa katagalan ay nagiging boring na.

Related Posts:

Space shooter – Galaxy Attack Review

Pepi Hospital: Learn And Care Review

Kung ang iyong mga anak ay hindi makalabas, o naiinip sa bahay, ang Bubbu – My Virtual Pet Cat ay makakapagbigay sa kanila ng engaging experience. Ang mga virtual pets ay naging isang popular na libangan ng mga bata sa ngayon na nakakatulong sa popularidad ng laro. Nagbibigay ang larong ito ng mga pagpipiliang mini-games para malaro.

Bubbu – My Virtual Pet Cat

Bubbu – My Virtual Pet Cat

Konklusyon

Ang mga digital pet games ngayon ay may malalim na ugat sa mga komunidad sa buong mundo na nagpapahiwatig na hindi lang ito isang ordinaryong libangan. Bawat araw, may mga taong ikinokonsidera ang digital pet adoption, lalo na ang mga nakatira sa mga siyudad kung saan mahirap mag-alaga ng totoong hayop.

Ang isang dahilan ng pagsikat ng mga digital pet adoption ay maaaring alagaan at mahalin ang mga ito na para ka ring may totoong alaga na kinukumusta araw-araw. Ang digital pets ay dapat mabigyan ng sapat na sustansya, makapag-stroll, at mabigyan ng tubig para hindi sila mamatay.

Ang virtual pet ay isang magandang paraan para makakuha ng human virtual companion. Karamihan sa mga naglalaro nito ay nagbabakasakaling makakuha ng companion o pleasure. Nag-aalaga ang mga tao ng virtual pet pamalit sa mga totoong alaga.

Ang Bubbu – My Virtual Pet Cat ay isang libreng adorable cat game kahit nag-ooffer ito ng mga in-game goods at features na mangangailangan ng totoong pera bilang pambayad,

Kung ang iyong anak ay gusto ng pet para mahalin at alagaan, maaaring irekomenda ang  Bubbu – My Virtual Pet Cat. Ang online game na ito ay magtuturo sa mga bata ng responsibilidad na kaakibat ng pagkakaroon ng isang alaga.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...