Candy Bomb: Puzzle Game

Candy Bomb: Puzzle Game – Kapag nababagot ka na sa paulit-ulit na gawain sa loob ng bahay, oras na para maghanap ng bagong adventures! Tangkilikin ang cool at libreng larong ito kasama ang iyong mga kaibigan. Bukod sa libre ay isa itong napakaepektibong paraan para mag-unwind. Mayroong halos 100 stages ng mga nakakatakam na levels. At ‘eto pa, palaging may mga bagong free match-3 games upang matiyak na hindi magsasawa ang mga naglalaro pagdating sa mas mataas pang level. Kung naghahanap ka ng libreng laro na hindi nangangailangan ng koneksyon sa internet at trip mong magkipaglaro ng libreng match-3 game laban sa iyong mga kaibigan o kahit pa sino, ito na ‘yon! I-download na at subukan ang larong ito. 

  • Download Candy Bomb on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.dreamgame.candybomb&hl=en_US&gl=US
  • Download Candy Bomb on iOS https://apps.apple.com/ph/app/candy-bomb-blast/id1469352046
  • Download Candy Bomb on PC https://www.memuplay.com/how-to-play-com.newstudios.Homesweet-on-pc.html

Sa larong ito ng match-3, maaari mong mahanap ang anumang nais mo! Tutulungan ka nitong magrelaks. Paulit-ulit na wasakin ang mga hadlang sa laro habang nag-eenjoy sa mga kaakit-akit na visual at mga tunog na talagang nakakapagpakalma. Kaya huwag nang magpatumpik-tumpik pa. Sulitin ang iyong oras at umpisahan na ang paglalaro ng libre!

Candy Bomb Puzzle Game

Candy Bomb Puzzle Game

Ano ang Candy Bomb: Puzzle Game?

Ang Candy bombs (minsan ay tinatawag ding time bomb o bombs) ay nakilala bilang elemento ng Candy Crush Saga. Isa ito sa mga pinakamahirap na pagsubok sa laro. Ipinapakita ito bilang isang makulay na bomba na may score o numero sa loob nito. Ang score ay maaaring nasa 99 pababa. Ang dami o bilang ng bomba ay mababawasan nang paunti-unti sa bawat galaw na gagawin, hanggang sa maubos mo at mapigilan ang pagsabog ng mga ito. Subalit, dapat na matyagan ang timer na nasa sugar bomb. Kapag hindi nagawang maubos ang lahat ng bomba sa takdang oras ay bigla na lang itong sasabog sa buong board na nangangahulugang bigo ang manlalaro sa level na iyon.

Ang sugar bomb ay unang lumabas sa ikawalong episode – ang Salty Canyon. Lilitaw ito sa unang pagkakataon pagdating ng Level 96. Ang bombang ito ay katulad ng liquorice swirls na maaaring galing sa dispensers na karaniwang makikita mula sa ika-9 na yugto, ang Peppermint Palace (Level 111). Sa mga susunod pang stage, abangan ang paglitaw ng mga ito mula sa dispenser gaya ng iba pang mga kendi.

Paano laruin ang Candy Bomb: Puzzle Game?

Ang mga candy bombs ay maaaring sirain ng isang karaniwang patutugma ng kendi (pagtabi-tabihin o ihanay lamang ang mga ito) o epekto ng anumang espesyal na kendi na tumama rito. Kapag nasira ang isang bomba, ito ay nagkakahalaga ng 3,000 (Flash)/500 (HTML5) na puntos. Kapag nawasak ang candy bomb, may mga kendi na papalit sa loob ng kahon.

Ang mga bomba ay maaaring gamitin kasama ng iba pang mga blocker upang lumikha ng matitinding mga combo. Kapag ang mga bomba ay hindi nagawang matanggalan ng harang pagpatak ng timer sa zero, ang mga ito ay sasabog habang nakapaloob na blockers, tulad ng liquorice locks, marmalade, o sa loob ng sugar chests.

Ang timer ng candy bomb ay maaaring madagdagan ng 5 segundo sa pamamagitan ng paggamit ng Bomb Cooler – isang booster na nagdaragdag ng 5 seconds sa timer ng lahat ng bomba sa board. Ito ay makukuha kapag naabot ng player ang Level 97.

Ilang Mabilis na Trivia Tungkol sa Candy Bomb

Bagama’t maaaring tulungan ng mga sugar bomb ang manlalaro na makamit ang pinakamataas na score, manganganib naman ang laro kung hindi magagawang alisin ang mga ito sa takdang oras. Sa Version 1.186, ang mga bomba ay “nerfed” o tina-target dahil sa pagbibigay nito sa mga manlalaro ng malaking bilang ng puntos. 

Ang halaga ng mga pampasabog ay ibinaba mula 3,000 puntos hanggang 500 na lamang. Ito ay isa sa mga inaayawang feature sa laro dahil kung hindi ito matatanggal kaagad sa board, instant na pagkabigo ang magiging resulta ng nilalarong level. Sa kasalukuyan, walang pang paraan upang pahabain ang oras ng delikadong bombang ito nang hindi gumagastos para sa mga booster.

Candy Bomb Puzzle Game

Candy Bomb Puzzle Game

Ang aking pagsusuri sa larong Candy Bomb: Puzzle Game

Nag-eenjoy ako dahil nagbibigay ito ng maraming bonus; masaya ito laruin at tiyak na sulit subukan.

Nagtuturo din ito ng mga kasanayan sa mga tao, partikular na ang mga talentong nagbibigay-malay, at ang mga mayroon nang ganoong mga kakayahan ay maaaring ibahagi ang mga ito sa iba. Ito ay nakakaaliw at katanggap-tanggap para sa lahat ng edad; bukas ito para sa sinumang gustong maglaro – bata o matanda. Ang candy bomb ay angkop para sa mga gustong maglabas ng sama ng loob dahil literal na kasama rito ang salitang “bomba” (tulad ng nararamdaman mo) na maaring sumabog anumang oras. Kahit nababagay sa mga bata ang tema nitong candy, pinapayuhan pa rin ang mga kabataan na magtanong muna sa mga nakatatanda bago bumili ng kahit ano mula sa game. 

Perpektong laro para makapagrelaks

Sa paglalaro ng Candy Bomb, talagang makakapag-unwind ka habang hinahamon ang iyong utak sa maghapon. Bumaling sa larong ito anumang oras na kailanganin mo ng break at paglilibangan. Ang matamis na candy game na ito ay kikiliti sa iyong isipan para mag-isip. Sabi nga nila, hindi tumatanda ang utak; kailangan lamang itong gamitin palagi para lalo pang mahasa. Ang paglalaro ay isang anyo ng pag-eehersisyo sa pag-iisip na nagsisilbi ring libangan. Ang paglalaro ng video games araw-araw, ayon sa pananaliksik, ay nakakabuti sa gray matter at pangangalaga sa mga ugat patungo sa utak.

Related Posts:

Cat Paradise Review

One Liner-Line To Win Review

Hindi lang saya ang makukuha sa paglalaro nito, made-develop pa ang pag-iisip ng mga players. Siguradong magugustuhan ito ng mga bata dahil mayroon itong mga kulay at anyo na pupukaw sa kanilang visual attention. Maaliw rin ang mga matatanda dahil tuturuan ka ng laro kung paano maging mahusay sa paglutas ng problema.

Masyadong marami at madalas ang mga ad na kailangan mong panoorin sa laro

Sa aking opinyon, masyadong marami ang ads sa larong ito. Halimbawa, pagkakumpleto mo ng isang level, wala opsyon para ma-skip ang patalastas. Sa pagbukas pa lamang ng app ay mayroon na kaagad isang ad na ipinapakita. Bukod pa riyan, may mga pagkakataong awtomatikong nae-exit sa laro pagkatapos ng ad kaya hindi mo makukuha ang reward para sa ginawang pagnood at paghihintay na matapos ito. 

Nababawasan ang dami ng mga dyamante kapag nakukumpleto ang bawat level, bukod pa sa kailangang manood ng isang patalastas bawat tapos ng laro. Dahil dito, ang mga premyong nakukuha ay hindi na masyadong ma-appreciate.

Nagiging pare-pareho ang mga ganap habang pataas nang pataas ang level

Mapapansin mong nagiging pare-pareho ang takbo ng laro habang tumatagal. Ang mga hadlang at pattern ay halos magkakapareho, kung hindi man eksaktong magkatulad sa mga natapos na level. Bagama’t ito ay kapaki-pakinabang dahil ginagawa nitong mas simple ang pag-angat mo sa laro, nakakawala naman ng gana kung pare-pareho lang ang inaasahan sa mga susunod pang yugto.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...