Card Heroes: TCG/CCG Deck Wars Review

Sumabak sa isang matinding labanan kontra sa mga sinaunang mandirigma! Magsimulang tipunin ang iyong mahuhusay na mandirigma upang talunin ang lahat ng mga kalaban sa arena. Atakehin ang mga ito gamit ang pinakamalakas na espada, mahika, pana, at maghari sa gitna ng digmaan kasama ang iyong matatapang at maalamat na mga mandirigma. Simulan na ang isang epikong paglalakbay at siyasatin ang lugar sa mundo ng Magic Forest. Hasain ang iyong mga kasanayan sa pakikipaglaban at bumuo ng isang madiskarteng paraan para manalo!

Ano ang layunin ng laro?

Ang pangunahing layunin sa larong Card Heroes: TCG/CCG Deck Wars ay ang ganap na matalo ang mga kalabang manggagaling pa sa iba’t ibang panig ng mundo. Kailangan mo lang ihanda ang iyong mga magigiting na mandirigma sa digmaan at harapin ang kalaban nang walang takot. Magagawa mong maaliw nang walang pressure habang naglalaro nito. Palakasin lamang ang iyong mga mandirigma upang mapataas ang pinsalang ibinibigay nila sa kalaban, gayundin ang kanilang kalusugan upang makayanan ang mga atakeng magmumula naman sa mga kalaban. Gamitin ang mga natatanging kakayahan ng iyong mga mandirigma upang epektibong mapalabas ang kanilang mga kapangyarihan at tuluyang matalo ang kalaban. 

Paano laruin ang Card Heroes: TCG/CCG deck Wars?

Ang Card Heroes: TCG/CCG Deck Wars ay madaling maunawaan at laruin. Ang Laro Reviews ay magbibigay sa iyo ng pangkalahatang ideya ng gameplay mechanics at mga feature na available rito. Magsisimula ang laro sa isang maikling tutorial. Dadaan ito sa mga pangunahing elemento ng laro, kung paano umatake, at kung paano i-level up ang iyong mga mandirigma.

Ang bawat fighter sa laro ay may attack at health level. Ikaw ay aatake lamang kapag oras mo na. Mananatili ka sa iyong posisyon at walang gagawin habang ang iyong kalaban ay nasa opensiba. Aatake ka lamang kapag tapos na ang kalaban sa kanyang pag-atake. Simple lamang umatake, i-tap lang ang iyong karakter at pagkatapos ay i-tap kung sino sa mga kalaban ang makakatanggap ng pinsala. Ikaw ay mananalo lamang kapag ganap mo nang natalo ang mga kalaban at ang leader nito. 

May mga natatanging uri ng mandirigma tulad ng mga knight, mage, at mga spearman. Habang nasa gitna ka ng labanan, matuto kang bumuo ng mga madiskarteng pamamaraan kung paano mo maiisahan ang kalaban. Available rin dito ang Daily Rewards, gold, coins, keys, EXP points, cards, at iba pang items na maaaring gamitin para tulungan ang iyong mga karakter na mag-level up. Magagawa mong manalo rito sa pamamagitan ng pagbuo ng malakas na grupo ng mga mandirigma at sa pagkumpleto sa bawat level ng laro upang makakuha ka ng karagdagang bonus.

Paano i-download ang laro?

Ang mga kinakailangan para matagumpay na mai-download ang Card Heroes: TCG/CCG Deck Wars sa Android devices ay dapat Android 5.0 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Para sa iOS users naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na iOS sa 10.0. Ang makukuhang space ng app para sa Android ay 145MB at 523.9MB naman para sa iOS.

Maaari ring i-click ang mga link sa ibaba upang mag-download:

Download Card Heroes: TCG/CCG Deck Wars on Android here

Download Card Heroes: TCG/CCG Deck Wars on iOS here

Download Card Heroes: TCG/CCG Deck Wars on PC here

Hakbang sa Paggawa ng Account sa Card Heroes: TCG/CCG deck Wars

  1. Hanapin ang anumang App Store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng Card Heroes: TCG/CCG Deck Wars pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at i-connect ito sa iyong Facebook o Google Play account.
  4. Ang data ng laro ay maiingatan o mase-save kung ili-link mo ito sa isang account.
  5. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng Card Heroes: TCG/CCG deck Wars!

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Card Heroes: TCG/CCG deck Wars

Naghanda kami ng listahan ng mga diskarteng maaaring makatulong sa iyo habang umuusad ka sa laro. Narito ang ilang tips na inihanda ng Laro Reviews para sa iyo:

  1. I-upgrade ang iyong mga karakter — Ito ang isa sa mga pinakamatatalinong paraang magagawa mo rito. Ang pag-upgrade sa health level at damage attack ng iyong mga mandirigma ay magbibigay sa iyo ng kalamangan. Kaya kailangan mong palakasin ang iyong mga pwersa upang makayanan ang atakeng magmumula sa kalaban.
  1. Alamin ang iba’t ibang pag-atake o kakayahan ng iyong mga karakter. Ang bawat karakter ay may natatanging kakayahan upang atakehin ang kalaban. Kailangan mong maging pamilyar sa kanilang mga pag-atake para malaman mo kung sino ang angkop piliin at mapabilang sa koponan. Sa ganitong paraan, magkakaroon ka ng kalamangan sa mga kalaban at mas mataas ang pagkakataon mong manalo sa laban.
  1. Bumuo ng isang malakas na koponan hangga’t maaari — Ang iyong koponan ay maaaring binubuo ng isang knight, isang mage, isang spearman, at iba pa. Mayroon silang iba’t ibang kasanayang dapat mong matutunan at makabisado. Kung nagagawa mong matutunan ang kanilang mga kasanayan, ikaw ay may kakayahang mag-assemble ng isang mahusay na koponan upang lumaban. Ito ay isang mahalagang bahagi ng laro dahil hindi mo mababago ang mga ito sa oras ng labanan.
  1. Bumili ng mga item sa in-app purchases. Kung gusto mong gumastos ng totoong pera para bumili ng mga item na kailangan mo para sa pag-upgrade ng iyong mga karakter, maaari mong makuha ang mga ito sa in-app purchases ng laro. Ito ang pinakamabilis na paraan para i-level up ang iyong mga karakter at mangolekta ng mga item na kinakailangan mo.

Pros at Cons sa Paglalaro ng Card Heroes: TCG/CCG deck Wars

Base sa naranasan ng Laro Reviews habang nilalaro ang laro, hindi ito nakakagulat o mahirap. Dadalhin ka sa kaharian ng Magic Forest kung saan magsisimula ka sa isang epikong pakikipagsapalaran at harapin ang maraming mga kalaban. Ang fighting system ng laro ay nasa anyo ng isang deck na katulad ng paglalaro ng mga baraha,ngunit ang isang ito ay naglalaman ng mga mandirigma at natatanging konsepto ng deck war. Ito ay napakasimple at basic na hindi mo kinakailangang dumaan sa tutorial upang malaman ang features ng laro. 

Wala itong masyadong hamon na tiyak mong kaaaliwan, kahit na ang pakikipaglaban ay sobrang dali lamang. I-tap mo lang ang mga karakter at kusa na silang aatake at magpapalitan ng atake, at hanggang doon na lang ang sistema ng laro. Wala ring mga kaakit-akit o bagong update at features. Ito ay isa ring pay-to-win system kung saan kailangan mong bumili ng mga item para sa pag-upgrade ng iyong mga mandirigmang sadyang hindi sulit para sa mga free-to-play na mga manlalaro. Dapat silang gumawa ng ilang pagbabago at pampasiglang hamon sa laro upang akitin ang mga manlalaro at panatilihin silang interesado sa paglalaro nito.

Ang visual graphics ng laro ay medyo makaluma at hindi kumplikado. Ang mga galaw at mga special effect ay hindi kaakit-akit. Kung gusto mo ng simple at walang anumang hamon, Card Heroes: TCG/CCG Deck Wars ang laro para sa iyo. Libre itong i-download para sa mga user ng Android, iOS, at PC mula sa kani-kanilang mga app store. Kaya, ano pang hinihintay mo? Tingnan ito at suriin kung anong mga feature ang masusubukan o matutuklasan mo rito.

Konklusyon

Ang Card Heroes: TCG/CCG Deck Wars ay ang larong makakatulong sa iyong pawiin ang pagkabagot. Ito ay hindi masyadong mapanghamon, ngunit ito ay sapat na nakakaaliw upang panatilihin kang abala sa kaunting oras. Maaari mo itong subukan upang makita kung anong mga feature ang inaalok nito para sa mga manlalaro. Ito ay libre upang i-download mula sa iyong App Store. Kaya halina’t subukan mo na! 

Leave a Comment

Login
Loading...
Sign Up
Loading...