Case Hunter: Brain Funny Cases Review

Maging ganap na detective sa paglalaro ng Case Hunter: Brain Funny Cases! Kung hilig mo ang paghahanap ng mga nawawalang bagay o pagtuklas ng sagot sa mga problema, tamang-tama sa iyo ang larong ito. Basahin ang inihandang impormasyon ng Laro Reviews para makatulong na madagdagan ang iyong kaalaman tungkol dito.

Ang Case Hunter: Brain Funny Cases ay isang puzzle-solving at single-player game. Layunin nito na matuklasan ang nakatagong katotohanan at hanapin ang nakakubling clues upang lutasin ang mga kaso. Matapos pagbantaan ang siyudad ng mga masasamang nilalang, ang natitirang pag-asa ng sangkatauhan ay ang pagdating ng isang bayaning magliligtas sa kanila mula sa pagkawasak. Upang maibalik ang kapayapaan sa siyudad, kailangan mong ibunyag ang katotohanan ukol sa mga nangyayari sa kapaligiran. Binubuo ng iba’t ibang game mode ang laro at maaari mong laruin ang 12 chapters nito na Prologue, Helping the Chef, Skipping School, Daily Life, Lost, Fairytale Town, Scary Town, Sea of Fate, Skipping Class Again, Prison Break, Horror Amusement Park, at 27 Day Surprise. 

Features ng Case Hunter: Brain Funny Cases 

Case Hunter: Brain Funny Cases - Laro Reviews

Case Hunter: Brain Funny Cases – Laro Reviews

Investigation-themed Game – Sa larong ito, ang tungkulin mo ay maging isang detective na lulutas ng sunud-sunod na kaso. Hanapin ang mga nakatagong clues sa bawat level at pagdugtungin ang mga ito upang matuklasan ang katotohanan. Tandaang nakasalalay sa iyong kakayahan sa pag-iimbestiga at ito ang magsisilbing susi upang manumbalik ang kapayapaan sa siyudad. 

Highly Interactive – Dahil sasailalim ka sa imbestigasyon, kailangang pindutin ang lahat ng bagay na makikita at tingnan kung magagamit ba ito bilang clue. Lalong nagiging interactive ang laro dahil may parte rito kung saan pwedeng kunin ang isang bagay. Pagkatapos ay hahanapin mo kung saan pwedeng magamit ang nasabing gamit. Halimbawa, pagkabukas mo ng aparador, may nakita kang keso sa loob kaya kinuha mo ito at inilagay sa inventory. Habang nililibot mo ang bawat parte ng kwarto, napansin mong may butas sa ibaba ng pader at may maliit na plato sa tapat nito. Ibig sabihin ay pwede mong gamitin ang keso at ilagay sa tapat ng butas para lumabas ang daga. Ang susunod namang gagawin ay kunin ang daga, ilagay ito sa inventory, at hanapin kung ano ang magiging silbi nito. 

Multiple Game Modes – Binubuo ng maraming mode ang laro, kabilang na rito ang Normal Mode at Murder Case. Sa murder case, matutunghayan ang iba’t ibang kaso na ipepresenta sa iyo ng awtoridad habang nakikipagusap sa chat system. Tutulungan mo sila na malutas ang kaso sa pamamagitan ng pagpili kung alin sa mga tugon ang iyong isasagot. Mayroon ding iba’t ibang lugar ng crime scenes na iyong matutunghayan sa imbestigasyon. Bukod dito, sari-saring chapters din ang kukumpletuhin ng manlalaro. 

Idle Hotel – Kahit na hindi ka naglalaro o walang interaksyong nagaganap, patuloy pa rin ang pagtakbo ng hotel. Sa katunayan, binibilang nito ang iyong offline time at habang mas tumatagal, parami ng parami ang iyong magiging kita. Hanggang dalawang oras ang pwede nitong bilangin, ngunit nasa sa iyo kung kailan mo nais kunin ang kabuuang kinita. 

Cartoon Graphics – Mapapansin ang kombinasyon ng cartoon at chic art style sa graphics nito. Sinamahan din ito ng matitingkad na kulay na nakakadagdag sa maaliwalas na atmospera ng laro. Bukod dito, mayroon ding background music at sound effects habang naglalaro.

Saan Pwedeng I-download ang Case Hunter: Brain Funny Cases?

Ang larong ito ay free-to-play (F2P) kaya hindi na kailangang magbayad para mai-download ito. Para mai-download ang app, unang pumunta sa Google Play Store para sa Android users, at sa App Store naman sa iOS users, gamit ang iyong smartphone. Hanapin ang search bar at i-type ang Case Hunter: Brain Funny Cases. Pagkahanap nito sa search results, pindutin ang Install o Get button at antaying matapos ang pag-download. Buksan ang app at kumpletuhin ang mga kailangang sign-in details. Kapag natapos mo ang lahat ng ito, pwede nang magsimula sa paglalaro!

Case Hunter: Brain Funny Cases - Laro Reviews

Case Hunter: Brain Funny Cases – Laro Reviews

Narito ang links kung saan pwedeng i-download ang laro:

Download Case Hunter: Brain Funny Cases on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.eyewind.case.master

Download Case Hunter: Brain Funny Cases on iOS https://apps.apple.com/us/app/case-hunter-can-you-solve-it/id1548848295

Tips at Tricks sa Paglalaro

Bilang isang detective, kailangan mong lutasin ang mga puzzle para makumpleto ang unang kasong iyong hahawakan. Habang patagal ng patagal sa paglalaro, lalong humihirap din ang mga puzzle na kakaharapin dahil mas mataas na ang levels. Ngunit huwag mag-alala dahil narito ang Laro Reviews upang bigyan ka ng tips at tricks na makakatulong sa iyong paglalaro. 

Related Posts:

Flag Painters Review

Stickman Destruction 4 Annihilation Review

Ang una mong kaso ang magsisilbing tutorial ng laro, kung saan ituturo ang game control. Kapag pinindot mo ang kahit anumang bagay, lalapitan ito ng karakter para subukin kung posible bang makipag-interact dito. Kung oo, may makikitang zoomed-in na tanawin ng naturang gamit sa ibaba ng screen. Pindutin ang bagay na naroon at tingnan kung nagagalaw ba ito. Posibleng makuha ang gamit kaya i-drag ito pababa at ilagay sa inventory. Siguraduhing tandaan ang mga nabanggit dahil ito ang gagawin mo sa susunod na mga laro. 

Pros at Cons ng Case Hunter: Brain Funny Cases 

Case Hunter: Brain Funny Cases - Laro Reviews

Case Hunter: Brain Funny Cases – Laro Reviews

Simple lang ang gameplay ng laro at madaling intindihin ang controls nito. Hindi naman ito nakakainip laruin sapagkat nagiging challenging ito lalo na habang mas tumatagal dahil mas nagiging kumplikado ang levels. Mayroon din itong offline mode kaya hindi na kailangan ng Wi-Fi o data connection para lang makapaglaro. Maaari kang maglaro kahit nasaan ka man. Kaya swak na swak ito bilang pampalipas ng oras o kung nasa byahe at naghahanap ng mapaglilibangan. Bukod dito, nahahasa rin ang pag-iisip ng manlalaro dahil parte ng laro ang paghahanap ng clues, pagbubuo ng puzzles, at pag-iisip ng estratehiya para maresolba ang problema sa bawat level. Hindi rin balakid ang wikang gagamitin sa laro dahil maraming option ang pwedeng pagpilian ng manlalaro. Kabilang na rito ang English, French, Spanish, Italian, at iba pa. Masusulit din ang pagiging F2P sa laro dahil hindi ito nangangailangan ng in-app purchases para magkaroon ng progreso.

Pagdating naman sa cons ng laro, walang masyadong inaangal ang karamihan ng manlalaro bukod sa nararanasang glitch sa laro. May pagkakataon kung saan hindi nase-save ang progreso ng laro pagkabukas nito. Dagdag pa rito, madali at mabilis lang makumpleto ang lahat ng levels kaya kapag nangyari ito, wala nang ibang pwedeng gawin sa laro kaya karamihan ng manlalaro ay binubura na ang app matapos nito.

Konklusyon

Sa kabuuan, bilang hatol sa Case Hunter: Brain Funny Cases, bagamat nakaka-enganyo ang puzzles nito, masasabing simple at madali lang din ito. Kaya naman kayang tapusin ang laro sa loob ng ilang oras. Dahil F2P ito, asahan na may biglaang ads na lalabas, ngunit karamihan nito ay pwedeng makadagdag sa iyong perang gagamitin sa paglalaro. Kung ayaw mo naman ng ads, mairerekomenda kong isara ang Wi-Fi o mobile data para tuluy-tuloy ang paglalaro. Mawawala nga lang ang option na madoble o higit pa ang rewards kumpara kung pipiliin mong manood ng ads.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...