CHUCHEL Review

Ang CHUCHEL ay isang klase ng point-and-click puzzle na laro na nagmula sa isang maliit at independent na game developing studio na nagngangalang Amanita Design. Kilala sila sa paggawa ng mga larong may ‘di pangkaraniwang pangalan tulad na lamang ng CHUCHEL. Marami sa mga manlalaro ang nabigla sa itsura at sa paraan kung paano ito laruin dahil kakaiba ang dating nito. Isa sa mga kadalasang impresyon ng mga tao ay ang hindi nito pagkakatulad sa ibang similar na mga laro. Kaya hindi na bago na ang unang magiging impresyon mo ay pagtataka. Ngunit huwag mag-alala sapagkat narito ang artikulong ito mula sa Laro Reviews upang magbigay ng karagdagang impormasyon tungkol sa CHUCHEL, kaya siguraduhing tapusing basahin ito hanggang sa dulo.

Umiikot ang istorya ng laro kay Chuchel—isang maliit na nilalang na gawa sa alikabok at hugis bilogat kay Kekel na kanyang alagang hayop. Matalik din niya itong kaibigan, at itinuturing na kaaway rin kung minsan. Ang layunin nilang pareho ay paunahang makuha ang cherry na ninakaw mula kay Chuchel ng higanteng kamay sa simula ng laro. Komplikado ang relasyon nilang dalawa sapagkat may mga pagkakataong tinutulungan ni Kekel si Chuchel sa pagkuha ng cherry, ngunit minsan din naman ay nagiging balakid siya rito. 

Binubuo ng 100 levels ang laro. Ang manlalaro ang namamahala sa magiging galaw ni Chuchel upang maisagawa ang layunin nitong makuha ang cherry. Dahil maraming levels, iba-iba rin ang mechanics ng laro sa bawat stage ngunit karamihan nito ay sa pamamagitan ng point-and-click interface. Pagdating naman sa graphics ng laro, mala-cartoon ang disenyo ng mga karakter nito. Pati ang paraan ng pagkukwento ng istorya ay similar sa silent cartoon na kung saan kahit walang aktwal na diyalogo ang mga karakter, naipababatid pa rin nito sa manonood kung ano ang nangyayari sa pamamagitan ng mga galaw at tunog. 

CHUCHEL

CHUCHEL

Features ng CHUCHEL

Mini Arcade Games – Binubuo ang laro ng iba’t ibang mini-games. Ang bawat isa ay may kakaibang pagsubok na dapat mong malagpasan. Ang iba rito ay kahalintulad sa mga larong Pac-Man, Flappy Bird, at iba pa. 

Easy Control – Madaling laruin ito sapagkat hindi komplikado ang mechanics ng laro. Makokontrol ng manlalaro ang karakter sa pamamagitan ng point-and-click interface nito. 

Great Sounds and Graphics – Mala-cartoon ang pagkaka disenyo sa laro. Maaliwalas at makulay ang kabuuang atmospera nito. Sinamahan din ito ng iba’t ibang mga tunog kada galaw at background music na nakakadagdag dating sa laro.

Interactive Environment – Lahat ng makikita mo sa paligid ng iyong karakter ay maaari mong gamitin upang malampasan ang kasalukuyang level. May sari-sarili silang katauhan na pwede kang matulungan. May kakayahan ka ring makipag-ugnayan sa iyong paligid sa pamamagitan ng pag-click sa mga ito. 

Saan pwedeng i-download ang CHUCHEL?

Gamit ang iyong smartphone, pumunta sa Google Play para sa mga Android user at sa App Store naman para sa mga Apple user, at ilagay sa search bar ang CHUCHEL. Bilang isang premium game, kinakailangang bayaran muna ang laro sa halagang $4.99 bago makapagsimula. Matapos nito, hintaying ma-download at kumpletuhin ang sign-in details para masimulan ang paglalaro. 

Narito ang mga link kung saan pwedeng i-download ang laro:

  • Download CHUCHEL on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=air.com.amanitadesign.chuchel.gp
  • Download CHUCHEL on iOS https://apps.apple.com/us/app/chuchel/id1296646396
  • Download CHUCHEL on PC https://www.bluestacks.com/apps/adventure/chuchel-on-pc.html

Kung sa PC mo napiling maglaro ng CHUCHEL, dapat mo munang i-download ang Bluestacks emulator mula sa kanilang website. Sa Bluestacks ay ginanagaya ng PC ang interface ng isang Android mobile phone. Matapos ma-download, kumpletuhin ang access na kailangan. Mag-sign in gamit ang iyong account sa Google Play.

CHUCHEL

CHUCHEL

Tips at tricks sa Paglalaro

Dahil ito ay isang uri ng point-and-click na laro, makatutulong ang patuloy na pag pindot sa mga bagay na maaaring makadagdag paraan sa pagkuha ng cherry. Kung binigyan ka alinman sa dalawang pagpipilian para makuha ang cherry, isipin nang mabuti kung alin doon ang magiging epektibong paraan. At dahil walang palitan ng mga salita sa pagitan ng mga karakter, mabuting unawain ang sitwasyon base sa mga kilos, pati na rin sa pinapakita nilang emosyon. Halimbawa, may nakita kang lagusan sa bandang taas at may mga gamit sa paligid ni Chuchel. Nangangahulugan na dapat mong gamitin ang mga gamit na naroroon at gawan ng paraan upang maabot ang mataas na lagusang iyon. Maaari mong talunan ang ibang karakter o kaya naman ay pag patung-patungin ang mga gamit para magsilbing hagdan. Kinakailangan mong maging maparaan sa pag-iisip kung paano mo malalampasan ang mga hamon sa bawat level.

Related Posts:

Chrono Trigger (Upgrade Ver.) Review

SAMURAI II: VENGEANCE Laro Reviews

Pros at Cons ng CHUCHEL

Bagamat nangangailangan ang bawat level ng matalas na pag-iisip, hindi naman sobrang kahirapan upang malampasan ito. Maaari pa rin itong ma-enjoy laruin ng mga bata. Bukod pa rito, nakalilibang din panuorin ang interaksyon ng mga karakter sa isa’t isa. Nakadagdag dito ang cute na disenyo ng mismong laro dahil maihahalintulad ito sa cartoon. Hindi ka rin maiinip sa paglalaro dahil iba-iba ang posibleng mechanics ng laro sa bawat level. Kaya magiging isang kalamangan kung pamilyar ka sa mga larong tulad ng Flappy Bird, Pac-Man, Tetris, Space Invaders, Donkey Kong, at Super Mario Bros dahil magkatulad ang mechanics ng ibang levels sa mga nabanggit. Hindi ka na mahihirapan pang alamin kung paano laruin ito dahil may ideya ka na sa mechanics nito. Nagbibigay buhay ang background music at karagdagang mga tunog habang ikaw ay naglalaro. 

May iilang kaso na nagtangka silang laruin ang Chuchel at binayaran na ito sa halagang $4.99 ngunit sa kasamaang palad ay hindi nila ma-download ang laro. Patuloy lamang itong nasa pending status kahit na ito ay kanilang nabili na. Samantalang ang iba naman ay nakakaranas ng bug sa laro at puti lamang ang nakikita nila sa screen matapos buksan ang application. Pagdating naman sa aktwal na gameplay, may ibang manlalaro na masyadong natatagalan sa daloy nito kaya hindi rin sila nakatatagal at madaling naiinip sa laro.  

CHUCHEL

CHUCHEL

Konklusyon

Sa kabuuan, naghahandog ng kakaibang klase ng laro ang CHUCHEL mula sa natatanging disenyo sa graphics hanggang sa mechanics ng laro. Hindi limitado sa mga bata at malawak ang sakop na edad ng maaaring maglaro ng Chuchel. Kung ikokonsidera ang hirap ng antas ng bawat level, masasabing may hamon pa rin ito upang malampasan na angkop sa mga matatandang manlalaro. Bagaman nakararanas ang iba ng error sa pag-download at minsanang bugs, mas marami pa rin ang nagsasabing sulit ang kanilang binayad matapos laruin ito. Kaya naman kung ako sa iyo, i-download mo na ang CHUCHEL para tuluyang maintindihan kung papaano naging kakaiba ang laro nito sa kabuuan, kabilang na ang mechanics, graphics, at sounds nito. Sana ay natulungan ka ng Laro Reviews na maunawaan pa nang lubusan ang laro sa pamamagitan ng artikulo na ito.  

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...