Clue: The Classic Mystery Game Review

Naisip mo na ba na maging detective sa isang krimen? Sa Clue: The Classic Mystery Game ay masusubukan mong lumutas ng mga krimen sa pamamagitan ng board game. Magaganap ang pinangyarihan ng krimen sa loob ng isang mansyon na may anim na indibidwal, kabilang ka, na susubukang tukuyin kung SINO ang suspek, ANO ang ginamit sa pagpaslang, at SAAN nangyari ang krimen. Bawat isa sa inyo ay magpapagulong ng dice kaya gamitin nang mahusay ang iyong deductive skills para malaman kung sino ang pumatay!

Ano ang Layunin ng Laro?

Ang pangunahing layunin ng larong ito ay tukuyin ang salarin na responsable sa pagpatay. Sasagutin niyo ang mga tanong na SINO, ANO, at SAAN: SINO ang pumatay sa biktima, ANO ang ginamit sa pagpatay, at SAAN nangyari ang krimen. Bibigyan ka ng Clue Sheet kung saan maaari mong ilagay ang lahat ng hints o clues na maaaring makatulong sa iyo sa paglutas ng kaso. Kung tama ang iyong hula at akusasyon, magagawa mong lutasin ang kaso. Magaganap lang ang krimen sa isa sa mga natatanging silid sa loob ng isang mansyon at sangkot ang anim na indibidwal, kasama ka.

Clue The Classic Mystery

Clue The Classic Mystery

Paano Ito Laruin?

Ang mekaniks ng laro ay simple at madali lamang. Ang mahirap dito ay ang pagsusuri ng lahat ng impormasyon at ebidensya para matuklasan ang mamamatay-tao. Ang Laro Reviews ay magbibigay sa iyo ng ilang kaalaman kung paano ito laruin. Ang laro ay may tutorial na gagabay sa iyo sa mga pangunahing mekaniks ng laro para hindi ka malito.

Ang krimen ay magaganap sa loob ng isang mansyon na may iba’t ibang natatanging silid. Ang layunin ng laro ay mahanap ang suspek sa krimen sa pamamagitan ng board game at pagpapagulong ng dice. Ito ay bubuuin ng anim na tao, kasama ka, at malaya kang pumili ng mga karakter na isasali mo sa laro. Kasunod ng iyong pagpili, may lalabas na tatlong murder cards na ang nakalagay ay suspect, weapon, at room. Para manalo sa laro, dapat mong matukoy o mahanap ang lahat ng tatlong murder cards na nabanggit.

Ang mga manlalaro ay magpapagulong ng dice para malaman kung sino na ang susunod na titira. I-click ang isang room, pagkatapos ay gumawa ka ng suggestion, suriin ang bawat indibidwal na nasa loob ng mansyon, tukuyin ang bagay na ginamit, at saang silid ito nangyari hanggang sa malutas mo ang krimen. Pagkatapos i-click ang suggestion, ang mga ebidensya ay kusang lalabas sa iyong Clue Sheet. Kapag may nakalagay na tsek sa icon ng isang manlalaro, ibig sabihin siya ang may hawak ng isang card na nasa iyong suggest cards, habang ang markang ekis ang ibig sabihin naman ay wala sila nito. Kung walang card ang isang manlalaro, tiyak na may kinalaman ito sa pagpatay. Kung mayroon ka nang sagot at sigurado ka na, maaari mo ng pindutin ang Final Accusation. Mag-ingat, dahil kung mali ang iyong sagot, tapos na ang laro.

Paano I-download ang Laro?

Ang mga kinakailangan para matagumpay na ma-download ang Clue: The Classic Mystery Game sa Android devices ay dapat Android 5.0 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Para sa iOS users naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na iOS sa 10.0. Ang makukuhang space ng app para sa Android ay 49 MB at 1.4 GB naman para sa iOS.

Maaari ring i-click ang mga link sa ibaba upang makapag-download:

  • Download Clue: The Classic Mystery Game on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.marmalade.cluedogame
  • Download Clue: The Classic Mystery Game on iOS https://apps.apple.com/us/app/clue-the-classic-mystery-game/id1150534552
  • Download Clue: The Classic Mystery Game on PC https://steamunlocked.net/clue-cluedo-the-classic-mystery-game-free-download/
Clue The Classic Mystery

Clue The Classic Mystery

Hakbang sa Paggawa ng Account sa Clue: The Classic Mystery Game

  1. Hanapin ang anumang App Store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng larong Clue: The Classic Mystery Game. Pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at direktang dadalhin ka nito sa laro. Hindi na kailangang i-link ang laro sa anumang mga account. Sa oras na inalis na ito sa mga device, hindi na masi-save ang progress ng laro.
  4. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng Clue: The Classic Mystery Game!

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Clue: The Classic Mystery Game

Tatalakayin ng Laro Reviews ang ilang tips sa Clue: The Classic Mystery Game. Ang larong ito ay talagang nakakalito pagdating sa paglutas ng mga misteryosong krimen at pagtuklas sa tunay na may kagagawan ng krimen. Sa totoo lang, walang thrill kung gagamitan mo ito ng cheat codes para matapos ang laro. Dito ay parang nararanasan mo na rin ang maging isang detective sa tuwing tinutukoy mo lahat ng maaaring ebidensya na sangkot sa krimen.

Ang kailangan mo lang gawin ay paghusayin ang iyong deduction skills. Ugaliin na suriin lahat ng record na iyong naitala sa Clue Sheet. Dapat mong bantayan ang lahat, maging ang cards ng iyong mga kalaban. Iyon ay magiging mahalaga sa pagtukoy sa tunay na salarin sa pinangyarihan ng krimen. Maaari ka ring gumamit ng “Hints” tulad ng Peek, Move, at Block. Ang paggamit ng Peek ay pinahihintulutan kang pumili ng isang manlalaro na nais mong silipin o tingnan ang card na kanyang hawak, pinapayagan ka ng Move na lumipat sa isang partikular na silid, at pinipigilan ng Block ang lahat ng iba pang mga manlalaro na akusahan ka sa isang round.

Related Posts:

Construction Simulator 2 Review

Construction Simulator 3 Review

Clue The Classic Mystery

Clue The Classic Mystery

Pros at Cons sa Paglalaro ng Clue: The Classic Mystery Game

Pagdating sa performance at gameplay, ang Clue: The Classic Mystery Game ay nakatanggap ng maraming positibong feedback. Mahirap matukoy ang tunay na salarin sa isang krimen at ito ang dahilan kung bakit maraming manlalaro ang nalilibang sa larong ito. Ang isang laro ay tumatagal ng humigit-kumulang 30 minuto para matapos. Nakatuon lang ang krimen sa loob ng isang mansyon, na may iba’t ibang silid. Ito ay bubuuin ng anim na tao, kasama ka, para makapag-umpisa ang laro. May kakayahan kang pumili kung sinong mga manlalaro ang sasali sa iyo. Ang krimen ay nilulutas gamit ang paglalaro ng board game kung saan magpapagulong kayo ng dice para malaman kung sino na ang susunod na titira. Ipapakita nito sa iyo ang tatlong murder cards na dapat mong tukuyin. Nakaka-aliw magtala ng lahat ng mga ebidensyang makukuha mo mula sa ibang manlalaro. Imposibleng mahulaan mo agad ang salarin kaya dapat kang maging maingat sa paghuhusga at pag-akusa sa isang tao. Masusubok din nito ang iyong isip na tuklasin ang bawat krimen at mas nagiging aktibo ang iyong isip. 

Napakaganda ang pagkakagawa ng graphics sa mga indibidwal o karakter sa laro, pati na rin ang mga interior design ng bawat silid na makikita sa loob ng mansyon. Ang magandang visual effects ng laro ay tiyak na nakakadagdag ng sigla sa laro at mas nagiging intense ang mga pangyayari. Ang background music ay napakaganda ang pagkakalapat sa bawat eksena ng laro. Isa itong epektibong pampalipas oras ng mga manlalaro na available sa smartphones. Maganda ang display nito kahit sa mga maliliit na screen ng devices. 

Konklusyon

Ang laro ay nagbibigay ng napakaraming nakakaaliw at nakakalibang na features para sa mga manlalaro. Marami ang natutuwa at nalilibang sa paglutas ng bawat krimen sa larong ito. Mahirap maging detective – kailangan ay magaling kang sumuri ng mga ebidensya at dapat tama o accurate ang iyong paratang sa isang tao, kung hindi, matatalo ka sa laro. Sa kabuuan ng larong Clue: The Classic Mystery Game ito ay maraming magagandang features na siguradong ikalilibang ng maraming manlalaro.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...