Coin Blossom Review

Maligayang pagdating mga manlalaro. Ngayon ay ipapakilala ng Laro Reviews ang isang larong may konsepto ng WIN Survival Challenge! May potensyal kang maging susunod na Coin Rich kung ipinanganak kang maswerte. Maaari kang sumali sa paligsahan ng Survival Wins ng Queen Rich Committee at magkaroon ng isang pagkakataong manalo, mangolekta ng mga barya at bumuo ng mga buildings at towns. Halika at kilalanin pa natin itong laro.

Mga Tampok ng Laro

Ang Coin Blossom ay ginawa ng Treenod Inc. Ito ay isang simpleng laro na may konsepto ng coin slot machine at ang gameplay ay nakabase sa iyong swerte sa pagpapaikot ng slot machine. Narito ang ilan sa mga tampok ng laro na dapat mong malaman.

Kumuha ng coins sa pamamagitan ng pag-ikot ng flower machine: Kumuha ng mga Coins sa pamamagitan ng pag-ikot ng mga slot sa puzzle board. May mga nakatagong coins sa mga bulaklak at iba’t ibang block. Maaari kang makakuha ng steal power ups na kung saan ay maaari mong makuha ang coins sa ibang manlalaro online. Mayroon din itong Attack at Raid blocks na kung saan ay magagamit mo upang atakihin ang towns at building ng ibang manlalaro.

Atakihin at salakayin ang iyong mga kalaban: Atakihin ang bayan ng iyong kalaban para makakuha ng malaking bilang ng Coins o I-raid ang karibal na Coin Riches para magnakaw ng Coins. Sa Raid Mode, maaari mong laruin ang Coin Jackpot Roulette upang makakuha ng mas malaking reward bukod sa coins.

Magsaya sa isang cute na alagang hayop: Dumating na ang mga cute na kaibigang hayop na may espesyal na kakayahan. Narito sila upang pagandahin ang iyong slot machine at magbigay ng swerte.

Magsaya sa mga dekorasyon ng iyong Bayan: Lumikha ng iba’t ibang mga towns at buildings na may iba’t-ibang tema. Palamutihan ang iyong mga lugar ng misyon, lalo na ang magagandang Flower Shops at Towns.

Ipunin ang mga Story Card upang ipakita ang mga kamangha-manghang kwento: Malalaman mo ang tungkol sa mga nakatagong kwento ng misteryosong Queen Rich. Sa Mga Story Card, tumuklas ng mga bagong karakter at kapanapanabik na mga kwento!

Ito ang ilan sa mga tampok na dapat mong asahan sa laro ngunit maaari pa itong magbago o madagdagan sa mga susunod na updates at mga special events.

Paano I-download ang Coin Blossom?

Hindi mo na kailangan gumawa ng log in account upang makapagsimulang maglaro nito ngunit maaari mong i-bind ang iyong Facebook account upang makatanggap ng reward tulad ng coins na nagkakahalaga ng 1 million. Upang i-download ito sa Android, buksan ang iyong Google Play Store App pagkatapos ay i-type ang pangalan ng laro sa search bar at i-click ang Install. Sa kasamaang palad, wala pa itong bersyon para sa iOS. Maaaring i-click ang link sa ibaba para sa mas mabilis na pag-access.

Download Coins Blossom on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.treenod.tapcoin.android.Google.global.normal

Download Coins Blossom on on PC https://www.mumuglobal.com/en/games/casual/coin-blossom-on-pc.html

Tips at Tricks para sa mga Baguhan

Base sa masinsinang pagsusuri at paglalaro, aking napag-alaman na ang larong ito ay walang gameplay at hindi na nangangailangan ng strategy at tactics. Simple lamang itong laro at ang kailangan mo lang gawin upang manalo ay paikutin ang slot machine. Kakailanganin mo ng swerte upang makakuha ka ng maraming coins. Isa sa suliranin na iyong mararanasan sa laro ay ang kakulangan ng coins. Ang pangunahing layunin ng laro ay ang makapagtayo ng town, kakailanganin mo ng coins na makukuha mo sa pamamagitan ng pagpapaikot ng slot machine. At ngayon, ituturo ng Laro Reviews ang mga paraan kung paano makakuha ng coins bukod sa pagpapaikot ng slot machine.

Ang unang paraan ay ang pag-bind ng iyong Facebook account. 1 million coins ang makukuha mo kapag ginawa mo ito. Makakakuha ka rin ng energy bar na magagamit mo upang mapaikot ang slot machine. Bukod sa reward, maaari mo rin magamit ang daily coin reward system kapag na-bind mo ang iyong Facebook account. Ang pangalawang paraan ay ang pagpapataas ng bet. Kung mas malaki ang iyong bet, mas malaking energy din ang kakailanganin upang mapaikot ang slot machine ngunit maaaring ma-doble o triple ang iyong reward depende sa laki ng iyong bet. Maaari ka rin lumahok sa daily roll dice upang makakuha ka ng coins at karagdagang energy bar.

Kalamangan at Kahinaan

Napakasimple lamang ng gameplay nito na sa sobrang simple ay tila nakakabagot nang laruin sa katagalan. Walang gaanong mission, task o objective ang laro. Mas mainam sana kung mas marami pa ang pwedeng gawin sa laro tulad ng daily mission, task o quest. 

Kahit na maaari kang umatake, nalilimitahan naman ito dahil kailangan mo ng energy points para umatake at kapag naubusan ka ng energy points ay hindi mo na mapapaikot ang slot machine. Totoong nakakabagot ito laruin mag-isa ngunit, kung naka-bind ang iyong Facebook account ay mag-iiba ang imahe nitong laro. Kung naka-bind ang iyong Facebook account, maaari kang makipaglaro nito sa mga manlalarong nasa iyong friendlist. Magiging isang competitive game ito dahil maaari mong atakehin at kalabanin ang iyong mga kaibigan. Pwede din bumuo ng mga grupo at magtulungan sa pamamagitan ng pag-share ng coins o shield. Kung lalaruin mo ito nang mag-isa, tiyak na hindi mo mae-enjoy ang buong game experience mo sa laro dahil limitado lamang ang iyong galaw dahil sa energy bar points system ngunit, kung mayroon kang mga kaibigan at kasamang maglalaro nito, maaari ka nilang matulungan sa pamamagitan ng pag-share ng coins at energy points. Sa kabuuan, tila itong laro ay nakadisenyo bilang isang multiplayer game. 

Konklusyon

Sa kasalukuyan ay wala pa itong star review mula sa Google Play Store dahil bago pa lang itong laro sa merkado. Ngunit kung bibigyan ko ito ng rating ay 3.5 ang ibibigay ko dahil medyo kulang ang mga gawain sa laro. Totoong masaya ito laruin ng may kasama ngunit hindi naman sa lahat ng panahon ay may kasama kang maglaro kaya para sa akin ay mas mainam kung maaari mo itong ma-enjoy kahit na mag-isa ka lang. 

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...