Coin Master Review

Coin Master – Alamin ang mga paraan na maaari mong gawin upang makakuha ng mga libreng spin. Ito ay makakatulong sa iyong makapag-ipon ng turns para magpatuloy sa paglalaro kapag naubos na ang mga libreng free spins na ibinibigay araw-araw. Makakakuha ka rin ng ibang mga paraan para madagdagan ang extra free spins at hindi kailangang gumastos ng pera para makasali sa premium spins ng laro.

Coin Master

Ang Coin Master ay isang laro ng diskarte kung saan makakakuha ka ng mga puntos na ipinapakita sa screen bilang stars. Ito ay nakukuha sa paggawa ng mga village na maaaring itayo gamit ang mga coins na makukuha sa paglalaro ng slot machine.

Ito ay isang libreng single-player at kaswal na laro kung saan kailangan ng mga madiskarteng galaw upang iligtas ang iyong nayon mula sa mga pag-atake.

Kailangan mo ring subukang salakayin ang ibang mga nayon upang manalo sa mga laro. Ang lahat sa larong ito ay nakasalalay sa pagkita at paggasta ng mga coins.

Paano Laruin ang Coin Master

Kailangan mong paikutin ang slot para kumita ng mga coins at gamitin ang mga ito upang mai-upgrade at maayos ang iyong village.

Maaari ka ring makipaglaban sa iba pang players sa pamamagitan ng pag-atake o pagsalakay sa kanilang mga village kung saan makakakuha ka ng mga coins kapag nanalo sa labanan. Ang bawat laban ay magbibigay sa iyo ng ekstrang spins at pera na magagamit mo sa pag-upgrade ng iyong village.

Coin Master

Coin Master

Ang Coin Master Level

Sa Coin Master maaari kang maglaro bilang isang panauhin (guest), kaswal na manlalaro o VIP. Ang unang dalawang opsyon ay bukas para sa lahat at maaaring piliin anumang oras. Samanatalang ang pagiging VIP player ay hindi basta-basta, kailangan mong makatanggap ng imbitasyon para makatuntong sa level na ito.

Kung ikaw ay isang VIP sa Coin Master mayroon kang ilang mga karagdagang benepisyo kumpara sa mga normal o kaswal na manlalaro. Mas malaki rin ang mga reward na iyong makukuha. Sa umpisa ay nagdudulot ng saya ang laro, ngunit kalaunan ay may ilang mga downfalls din. Isa na rito ang mas lalong pinahirap na kaganapan sa loob ng laro, lalo na ang Viking Quest kung saan inaasahan ka na mamuhunan ng totoong pera sa laro.

Paano Bumuo ng Isang Village

Mayroong halos 314 na mga nayon o villages sa larong ito at ang presyo ng bawat nayon ay magkakaiba sa bawat level. Kailangan mong bumuo ng hindi bababa sa limang mga gusali sa bawat antas. Upang makapunta naman sa susunod na level, kailangan sumailalim sa pag-upgrade ng mga gusali gamit ang mga coins.

Ang Coin Master Downloads

Ang Coin Master ay isang larong na maraming aspeto at panlipunang elemento. Maaari itong i-download nang libre ng sinuman na gumagamit ng iOS o Android devices. Humigit-kumulang 200 milyon na ang mga taong naaaliw at nag-download nito mula sa 136 na mga bansa sa buong mundo. Sa paglalaro nito ay walang anumang personal na impormasyon ang dapat na ibigay ng mga manlalaro.

  • Download Coin Master on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.moonactive.coinmaster&utm_source=apac_med&utm_medium=hasem&utm_content=Oct0121&utm_campaign=Evergreen&pcampaignid=MKT-EDR-apac-ph-1003227-med-hasem-gm-Evergreen-Oct0121-Text_Search_SKWS-SKWS%7cONSEM_kwid_43700058142610242_creativeid_474055620366_device_m&gclid=CjwKCAiA1uKMBhAGEiwAxzvX99g7qUwWKlADEvDjWBLa75DgPvZXoTs_4TtoHFZphRsADXmprkrUDhoCRhYQAvD_BwE&gclsrc=aw.ds
  • Download Coin Master on iOs https://apps.apple.com/us/app/coin-master/id406889139
  • Download Coin Master on PC https://m.games.lol/coin-master/
Coin Master

Coin Master

Paano Makakuha ng Mas Maraming Spins

Sa simula ng laro, ang mga players ay makakakuha ng limang libreng spins at ito ay patuloy na ibibigay bawat oras.

I-follow ang Coin Master sa social media

Araw-araw, ang Coin Master ay nagbibigay ng mga link na maaari mong i-click upang makakuha ng libreng spin. Kung patuloy kang nangunguna sa laro, maaari kang makakuha ng tuloy-tuloy na stream ng mga libreng bagay. Ilan sa mga may account ng Coin Master ay makikita ring nasa Facebook at Twitter.

Mag-sign up para sa mga free gifts

Kung gusto mong mag-sign up para sa free gifts na ipapadala sa email, maaari kang makakuha ng libreng spins bawat araw sa pamamagitan lamang ng pagsunod sa isang link na matatanggap sa iyong phone. Wala pa namang manlalaro na nakatanggap ng anumang spam mula sa pagsa-sign up, kaya ito ay maituturing na isang mabilis at madaling paraan ng pagkuha ng ilang libreng spins.

Lumahok sa mga event

Ang Coin Master ay gumagawa ng isang event kung saan ay nagbibigay ito ng mga libreng spins. Upang malaman kung mayroong event na paparating, makikita ito sa iyong screen sa pamamagitan ng pag-tap sa option button ng laro. Samantalahin ang mga kaganapang ito upang makakuha ng mas marami pang libreng spins.

Related Posts:

Ragnarok M: Eternal Love Review

Geometry Dash Review

Panoorin ang mga video ads

Makakuha ng limitadong bilang ng mga libreng spin bawat araw sa pamamagitan ng panonood ng video ads. Mag-scroll lang sa slot machine at i-tap ang spin energy button sa kanang ibabang bahagi ng screen. Kung wala ito, ibig sabihin ay naubusan ka na ng libreng spins na para sa kasalukuyang araw. Bantayan lang ito araw-araw at patuloy na manood ng mga ads para makakuha ng libreng spins.

Coin Master

Coin Master

Ang Coin Master Pros

Sa unang tingin, ang laro ay may malinaw at magandang graphics design na nagbibigay ng magandang karanasan sa mga manlalaro nito. Ngunit hindi ito nagtatapos doon. Mayroon din itong nakakabilib na konsepto na nagustuhan ng marami. Ito ay tulad ng paglalaro sa isang casino habang nasa isang village na puno ng umaatikabong aksyon at bakbakan. Ang pinakamagandang bahagi ng laro ay ang mahusay at nakakalitong uri ng mga hamon na lalong humihigop sa interes ng mga manlalaro. Bukod sa pagsubok sa mga kakayahan ng players na manguna sa laro, sinasanay din nito ang kanilang abillidad na tumutok sa laro ay pagtutuon ng atensyon sa mga detalye.

Ang Coin Master Cons

Para sa iba, maaaring hindi talaga mahalaga ang tunog o musika ng laro. Ngunit sa totoo lang, ito ay isa sa mga importanteng aspeto sa pagpili ng magiging paborito. Ito ay tumutulong na mabago ang mood ng mga manlalaro. Masasabing nagkulang  ang Coin Master sa bahaging ito. Ang iba pang mga kapuna-puna ay ang mahabang oras na ginugugol sa bawat laro na humahantong sa pagkapagod at pagkabagot. Karamihan pa naman sa mga naglalaro nito ay mga kabataan o estudyante. Kung kumukonsumo ng maraming oras ang paglalaro ay tiyak na masasakripisyo ang iba pang mga aktibidad o responsibilidad ng mga magtatangkang manatili sa paglalaro nito.

Konklusyon

Mabuti na lamang at maraming mga paraan upang makakuha ng mga libreng spin sa Coin Master at binabawasan nito ang pangangailangan na gumastos sa laro. Marami sa mga ito ay madaling gawin, kaya hindi mo kailangang mag-alala tungkol sa mga kumplikadong misyon na dapat makumpleto upang magkapagpatuloy sa paglalaro. Kung sa tingin mo ay ito na ang larong hinahanap mo, i-download na ito at umpisahan na ang pagbuo ng iyong village.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...