Coin Tycoon Review

Sa dinami-dami ng pagpipiliang slot machine game sa digital marketplace, marahil nagsawa ka na sa larong ito. Ngunit, nasubukan mo na ba ang ang Coin Tycoon? Kung hindi pa, hayaan mong ipaliwanag ng Laro Reviews kung bakit dapat mong laruin ito. Ang Coin Tycoon ay isang typical na slot machine game kung saan kailangang makalikom ng mga manlalaro ng in-game currency upang umusad. Ngunit ano ang pinagkaiba ng Coin Tycoon sa iba pang laro? Sa ibang laro, karaniwan na ang pagkakaroon ng iilang features, subalit sa larong ito, tiyak na hindi mo na mapipigilan ang iyong sarili na laruin ito araw-araw dahil sa dami ng features na tinataglay nito.

Sa karagdagan, ang paglalaro sa slot machine ang magiging susi upang makapaglunsad ka ng atake sa minahan ng ibang manlalaro, manakaw ang kanilang ari-arian, makatanggap ng shields bilang panangga sa mga may balak nakawan ka at makakuha ng energy bottle na siyang pangunahing kailangan upang patuloy na malaro ang slot machine. Mahalaga rin sa larong ito ang mga tropeyo sapagkat ito ang nagiging basehan ng dami ng coins na iyong makukuha, kaya kapag nagkaroon ka ng marami nito, mas malaking halaga rin ng pera ang iyong matatanggap.

Tips at Tricks sa Paglalaro

Para sa matagumpay na paglalaro, narito ang mga tip at trick na dapat isaalang-alang ng isang manlalaro:

Napakahalaga sa larong ito na magawa mong atakihin ang ibang manlalaro dahil kapag nagtagumpay ka, limpak-limpak na pera ang iyong maiuuwi. Sa pagkakataon naman na bigo ka sa iyong pag-atake, makakakuha ka pa rin ng kalahati ng rewards na dapat mong makuha at maaari mo pa itong doblehin kapag pumayag kang manood ng video advertisement.

Ang mga Elves sa larong ito ang siyang magiging katuwang mo sa pagpaparami ng iyong pera at diamonds dahil may kakayahan ang mga itong i-multiply ang rewards na iyong nakukuha sa paglunsad ng atake at sa paghahanap ng mga kayamanan. I-upgrade rin ang iyong mga elf para tumaas din ang reward multiplier ng iyong slot machine. Ngunit, magiging available lamang ang multiplier rewards kapag puno ng energy ang iyong mga elf. Gayundin, huwag silang kalimutang pakainin upang tuloy-tuloy lamang ang kanilang pagtatrabaho sa loob ng apat na oras. Mabibili ang mga pagkain ng elves sa in-game store.

Sa kabilang banda, ang pangongolekta ng cards sa larong ito ay mayroon ding malaking bentahe na maibibigay sa iyo dahil ang ilan sa mga ito ay magbibigay sa iyo ng mahahalagang rewards kagaya ng energy bottle at diamonds. Kolektahin ang Civilization cards upang magkaroon ng mas malaking tsansa na maging matagumpay sa iyong mga gagawing pag-atake. Ngunit kapag kulang ka ng ilan sa mga ito, maaari kang humingi sa mga kasamahan mo sa guild na iyong sinalihan sa Community feature ng laro.

Ang Travel feature naman ng laro ay mabubuksan mo lamang kapag naabot mo na ang Level 25. Dito maaari mong i-convert ang mga Civilization card bilang mga diamond. Ang mga diamond ang itinuturing na premium currency ng laro na madalas ginagamit sa pag-upgrade. Ang pagkakaroon naman ng shields ang siyang magbibigay preoteksyon sa iyong minahan upang hindi magawang pagnakawan ng ibang manlalaro. Ang shields ay nakukuha mula sa paglalaro ng slot machine. Gayundin, ang slot machine ang nagbibigay ng pagkakataon sa iyo upang magawa ang treasure hunting.

Mga Feature ng Laro

  • Quest – Ang larong ito ay mayroong tatlong uri ng quest na itinatampok. Ang daily, weekly at campaign kung saan kapag matagumpay mong nagawa ang mga task ng laro, limpak-limpak na energy bottles at diamond din ang iyong makukuha bilang kapalit.
  • Adventure Game Mode – Ang game mode na ito ay halos katulad lamang sa pag-atake ng ibang manlalaro. Ang tanging pinagkaiba lamang, may target ka na kailangang mong tamaan ng pana. Ang iyong tagumpay sa mode na ito ay nakadepende sa iyong level.
  • Leaderboard – Sikaping maging magaling na manlalaro ng Coin Tycoon upang mapasama ang iyong pangalan listahan ng pinakamagaling na manlalaro.
  • Community – Isa sa mahalagang feature ng laro kung saan maaari ka ritong makahingi, o magbigay ng tulong sa ibang manlalaro.
  • Guide – Maswerte rin ang mga manlalaro ng Coin Tycoon dahil bukod sa mga hint, nagtatampok din ang laro ng isang guide para mas lalong maintindihan ang mga dapat gawin sa larong ito.

Saan maaaring i-download ang laro?

Gamit ang search bar, hanapin lamang ang larong ito sa Google Play Store para sa mga Android user, sa App Store para sa mga iOS user, at i-download naman ang laro gamit ang GameLopp Android emulator para malaro ito sa PC. Maaaring gamitin ang mga link sa ibaba:

Download Coin Tycoon on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.linekong.idlecointycoon

Download Coin Tycoon on iOS https://apps.apple.com/us/app/coin-tycoon-spins/id1538732890

Download Coin Tycoon on PC https://www.gameloop.com/ph/game/casual/com.linekong.idlecointycoon

Pros at Cons ng Laro

Bilang isang manlalaro, natural na sa atin na maging mapili pagdating sa mga larong gusto nating i-download. Lahat tayo ay nagnanais na makapaglaro ng isang mobile game na maghahatid sa atin ng aliw at walang katumbas na kasiyahan. Kagaya ng libu-libong manlalaro ng Coin Tycoon, naniniwala rin ang Laro Reviews na ang larong ito ang isa sa pinakamagandang laro na dapat masubukan ng mga taong mahilig sa slot machine game. Bukod sa maayos na gameplay ng laro, marami rin itong features na mas lalong nagbibigay kulay sa Coin Tycoon.

Graphics wise? Hindi na dapat tinatanong iyan dahil mahirap man paniwalaan, tunay na kahanga-hanga ang graphics na mayroon ang larong ito. Ang visual effects na ginagamit ay tila may mahikang nakakapagbigay sigla sa mga manlalaro kaya para sa mga magulang, saktong-sakto ang Coin Tycoon para ipalaro sa inyong mga anak dahil bukod sa walang itinatampok na kalaswaan ang larong ito, tiyak na magugustuhan din nila ang mga in-game character.

Sa kabilang banda, may iilang negatibong katangian din na tinataglay ang larong ito. Una, pagdating sa slot machine game, bibihira na lamang lumabas ang attack at loot kapag naabot mo na ang level 25 pataas kahit pa ilang daang bottles of energy na ang iyong naubos. Gayundin, nakakadismaya lang na hindi nasi-save ang iyong progress sa laro kahit pa nag-sign in ka gamit ang iyong Facebook account kaya sakaling mag-update ang laro, mapupunta lamang sa wala ang iyong pinaghirapan sa laro.

Konklusyon

Totoong nagpapakilala pa lamang ang larong ito, ngunit hindi malayong sa loob lamang ng ilang buwan, o taon, aabot na rin sa milyon ang downloads ng larong ito dahil sino nga ba naman ang hindi mae-enganyo na maglaro ng isang mobile game na hindi lamang magugustuhan ng mga bata kundi maging ng mga nasa hustong gulang na rin na mga manlalaro. Kaya kung gusto mo ring maranasan ang hatid na saya ng Coin Tycoon, huwag nang magdalawang-isip pa na i-download ang laro.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...