Color Ball Game: Color Ball Adventure – Fun Ball Review

Ang Color Ball Game: Color Ball Adventure – Fun Ball ay isang nakakahumaling na laro na masusubukan mo sa iyong mobile device. Nag-aalok ito ng simpleng gameplay mekaniks na magugustuhan ng mga bata at matatanda. Ito ay sobrang dali ngunit hahamunin ang iyong galing na malagpasan ang bawat hamon o pagsubok sa bawat level nito. Siguraduhin na maaabot mo ang huling bahagi ng laro upang manalo at umusad sa susunod na level. Ito ay mayroong nakakatuwang ball karakters na may iba’t-ibang mukha o itsura. Maaari mo itong kolektahin habang ikaw ay umuusad sa laro dahil ikaw ay nakakatipon ng pera pambili ng mga ito. Tiyakin lagi na makukuha mo ang lahat ng coins na iyong madaraanan at ingatan ang sarili na huwag madikit sa kahit anong hadlang. Diba’t napakasimple lamang nito? Kung gusto mong malaman kung dapat mo ba itong laruin o hindi, tutulungan ka ng Laro Reviews upang alamin ito sa pamamagitan ng artikulong ito.

Ano ang layunin ng Color Ball Game: Color Ball Adventure – Fun Ball?

Ang layunin ng larong ito ay napakadali lamang at yun ay ang tapusin ang level o maabot ang dulo nito. Kapag nagawa mong malagpasan ang bawat hadlang o pagsubok na ibabato sa iyo ay siguradong makakamit mo ang tagumpay at uusad ka sa level na iyon. Asahan na ang mga ito ay pahirap nang pahirap kaya maghanda upang umusad ka sa bawat level. Ang laro ay may simpleng gameplay mekaniks lamang at kontrols na kailangan mong malaman at matutunan. Sigurado kami na kahit sa unang subok mo pa lamang sa paglalaro nito ay alam mo na agad ang gagawin. Kaya halika na’t subukan!

Paano laruin ang Color Ball Game: Color Ball Adventure – Fun Ball?

Sino ba naman ang hindi mahuhumaling sa larong ito? Ito ay sobrang dali at nakakalibang laruin. Maging kami ay nagbabad sa paglalaro nito at sobra kaming natuwa sa mga features nito. Kaya sa seksyon na ito ay tatalakayin namin kung paano ba laruin ang Color Ball Game: Color Ball Adventure – Fun Ball. Una ay ihanda ang iyong mobile device at magtungo sa inyong mga lokal na app store upang i-download at i-install ang app na ito o kaya naman ay i-click lamang ang mga link na nasa ibaba kung saan maaari mo itong i-download sa Android, iOS, o PC.

Pagkatapos mong buksan ang app, bubungad sa iyo ang Premium Subscription kung saan nag-aalok ito ng:

  • Makakuha ng 5 buhay bawat araw
  • Makuha ang lahat ng mga premium na karakter
  • Makakuha ng 1,000 coins at 10 gems araw-araw
  • Matanggal ang mga pop-up ads
  • Madala ang lahat ng buhay sa mga level

Kapag gusto mong magkaroon ng mga nabanggit ay kailangan mong mag-subscribe sa kanilang premium account at magbayad ng ₱225.00 kada linggo. Maaari mo rin naman itong ipagpaliban muna at subukang laruin ang laro para makita ang features nito.

Sa oras ng laro ikaw ay dadalhin nito sa iba’t ibang mapa na naglalaman ng mga level na dapat mong tapusin. Magagawa mo lamang ma-unlock ang susunod na level o mapa kapag nagawa mong tapusin ang mga naunang level o mapa nito. Ikaw ay gaganap bilang isang bola na ang layunin ay iwasan at malagpasan ang bawat hamon o pagsubok na ibabato sa iyo habang inaabot mo ang dulo ng level. May coins, hearts, o power ups kang makikita sa iyong madaraanan kaya dapat mo itong kolektahin. Ang kontrols nito ay simple lamang, sa kanang bahagi nito ay makikita mo ang Jump button at sa kaliwa naman ay ang left-to-right na button. Ito lamang ang galaw na maaari mong gawin dito.

Sa main screen nito ay makikita mo ang mga feature na Shop, Skins, Free Lives at Free Coins. Sa shop mo makikita ang in-game purchases. Ang skins ay ang mga iba’t ibang disenyo ng bola. Sa Free lives naman ay kailangan mong manood ng Ads upang makuha ito at gayundin sa Free Coins. Sa main screen mo rin makikita ang mga mapa na kailangan mong ma-unlock. Ito lamang ang mga nilalaman ng larong ito na dapat mong malaman at matutunan. Ngayon ay handa ka na para harapin ang bawat pagsubok na ibabato sa iyo. Good luck!

Ang mga kinakailangan para matagumpay na ma-download ang Color Ball Game: Color Ball Adventure – Fun Ball sa Android devices ay dapat Android 5.1 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Para sa iOS users naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na iOS sa 10.0. Maaari mo na itong subukang laruin ngayon!

Maaari ring i-click ang mga link sa ibaba upang mag-download:

Download on Android here

Download on iOS here

Download on PC here

Pros at Cons sa Paglalaro

Sa katunayan, base sa aming karanasan sa paglalaro ng Color Ball Game, ito ay sadyang nakakahumaling at nakakatuwa naman talagang laruin. Tiyak na malilibang talaga bata man o matanda ang manlalaro. Madali lamang ang mekaniks at kontrols nito na hindi mo na kinakailangan pang dumaan pa sa tutorial para matuto. Isang puntos sa amin na ang bawat level nito ay may mga bagong hamon o hadlang na kailangan mong lagpasan upang manalo at maabot ang dulo nito. Balanse lahat pagdating sa konsepto, graphic design, sound effects, at maging ang gameplay nito.

Isa sa nagustuhan namin dito ay ang laki ng pakinabang o tulong ng Ads sa mga manlalaro. Maaari kang makakuha ng mga karagdagang reward gaya ng Lives o Coins sa pamamagitan lamang na panonood ng mga ito. Ang mga bola ay may iba’t ibang skin na maaari mong makuha gamit ang gems o coins na natipon mo. Isa lang ang aming ikinadidismaya, iyon ay ang sobrang dami ng Ads na lumalabas. Oo, at naiintindihan namin na ito ay bahagi ng laro kaya lang maging sa gitna ng paglalaro ay lumalabas ito lalo na kapag kukunin mo yung heart. Gayunpaman, kung gusto mong maiwasan ang mga ito, maaari kang mag-subscribe sa kanilang premium account. 

Konklusyon

Ang Color Ball Game: Color Ball Adventure – Fun Ball ay sadyang nakakatuwang laro at siguradong kahuhumalingan ng mga manlalaro. Maghanda lamang sa Ads na panay ang labas sa screen. Kung gusto mong mawala ang mga ito, maaari kang mag-subscribe sa premium account nito upang makakuha ng ilang special offers. Sa kabuuan, masaya itong laruin at nakakalibang. Subukan mo ito ng iyong maranasan at alamin kung dapat mo ba itong laruin o hindi. 

Kung ikaw ay naghahanap ng laro ng may kaugnayan sa casino games, ngayon na ang oras para subukan mo ang Big Win Club app. Isa itong magandang game center para sa mga Pilipinong mahilig magsugal o pumunta sa casino. Ngayon na maaari na itong laruin sa mga device ay hindi mo na kinakailangan pang umalis ng bahay para lamang pumunta sa casino at maglaro ng slots, poker, o card games. Nasa Big Win Club app na ang lahat ng hinahanap mo sa isang casino. Ito ay idinesenyo upang bigyan ka ng kumportableng mapaglilibangan at maaari ka rin manalo ng totoong pera dahil isa itong real money online game.

Laro Reviews

Leave a Comment

Login
Loading...
Sign Up
Loading...