
Naghahanap ka ba ng simple ngunit challenging na larong pwedeng gawing libangan anumang oras? Kung gayon ay nasa tamang lugar ka! Sa artikulong ito mo makikilala ang isa sa mga pinakasikat ngayong casual game, ang Color Bump 3D. Ito ay gawa ng kilalang game developer ng puzzle, arcade at racing games na Good Job Games. Ito ay inilabas noong 2018 at simula noon ay pumatok ito sa halos lahat ng uri ng manlalaro. Nakakuha rin ito ng mataas na ratings at magagandang feedback sa iba’t ibang gaming platforms.
Maaari itong i-download sa mga Android at iOS device. Kung mas gusto mo namang laruin ito sa computer, ay maaari mo itong hanapin sa mga lehitimong gaming sites. Subalit, bago ang lahat, mas mainam na siguraduhing ikaw ay may sapat na impormasyon at kaalaman tungkol sa larong ito. Hindi mo na kailangang mamroblema pa! Kung nais mong malaman ang mga mahahalagang bagay tungkol dito, sagot ka ng Laro Reviews!
Paano laruin ang Color Bump 3D?
Madali lang maintindihan ang game mechanics ng larong ito. Subalit, hindi ibig sabihin ay madali ring malampasan ang mga hamon nito. Kakailanganin mo talaga ng matinding determinasyon at focus upang magkaroon ang gumugulong na bola. Ito ang pangunahing gagawin mo sa laro. Kailangan mong siguraduhin na makakaabot ito hanggang sa finish line. Tandaan na nagkalat sa platform ang ilang harang, kaya kinakailangan mong mag-ingat. Iwasan mo ang mga bolang hindi kasing kulay ng sa iyo. Maaari mo lamang tamaan at daanan ang mga harang na may kaparehong kulay ng iyong bola. Kung sakaling masagi ng bola mo ang kahit na anong harang na may ibang kulay, game over na kaagad. Kailangan mong i-restart o ulitin ang kasalukuyan level. Tandaan, mas mainam na maging mabagal at maingat kaysa naman mabilis nga ngunit wala namang kasiguraduhan kung mananalo o hindi.
Mayroong mahigit 800 game levels ang Color Bump 3D kaya naman siguradong hindi ka mababagot sa paglalaro nito. Habang nagli-level up ay nagiging mahirap din ang mga hamong kinakailangan mong malampasan. Ang tanong, handa ka bang kumasa sa mga kakaibang hamong ito?
Color Bump 3D-Mga diskarte upang manalo
Kung isa kang baguhan sa Color Bump 3D ay mahihirapan ka talagang mag-level up lalo na sa sa simula. Nakasentro kasi ang larong ito sa pagsukat ng kakayahan ng manlalarong kontrolin ang bola. Kung nagdadalawang-isip ka sa iyong kakayahan, huwag kang mag-alala! Narito ang ilang estratehiya upang manalo sa laro:
- Magsanay sa pamamagitan ng madalas na paglalaro nito lalo na sa iyong libreng oras. Tandaan, hinding-hindi ka matatalo kung hindi ka susuko kaagad.
- Matutong gamitin sa madiskarteng paraan ang mga harang na may kaparehong kulay ng bola. Bukod kasi sa maaaring daanan at sagiin ang mga ito, pwede mo itong gamitin upang itulak sa tabi ang mga harang na may ibang kulay. Sa ganitong paraan ay makakalikha ka ng sapat na espasyo na pwedeng daanan. Magagamit mo rin ang mga ito bilang panangga kapag naipit ka sa pagitan ng mga harang.
- Iba’t ibang uri ng mga harang na naghihintay sayo sa larong ito. Samu’t sari din ang kanilang hugis at laki. Piliin mo ang mga harang na pinakamalaki sa lahat. Maaari mo kasing itulak ang mga ito upang maitabi ang ibang harang at gumawa ng iyong daraanan. Depende rin sa hugis ng mga ito, maaari silang mahulog o kaya’y tumilapon pataas kapag nasagi.
- Tandaan na maaari mong pagalawin ang bola sa magkabilang direksyon upang makahanap ng tamang daanan. Pwede mo ring itulak ang mga harang sa direksyong gusto mo o kaya ay ihulog ang mga ito sa platform. Kung nag-aalala kang baka maubusan ka ng oras ay mainam na mag-focus sa unahan at paghandaan ang mga paparating na harang. Sa paraang ito ay mas mabilis mong mararating ang finish line dahil napaghandaan mo ang mga paparating na hamon.
- May mga game level talagang mas maikli ang time limit na ibinibigay. Huwag mag-alala dahil maaari mo itong dagdagan sa pamamagitan ng panonood ng ads.
- Tandaan na hindi lang pagtatabi o paghuhulog sa mga harang ang pwede mong gawin. Pwede mo rin namang hayaan na lamang na magpagulong-gulong ang bola kung hindi naman gaanong marami ang mga harang. Subalit, hindi naman ito madaling isagawa dahil bukod pa sa mabilis na pagkilos ay kinakailangan mo rin ng matinding focus. Mainam na gamitin ang diskarteng ito kung medyo sanay ka na sa paglalaro.
Sulit nga ba itong laruin?
Maraming manlalaro ang talaga namang nahuhumaling sa Color Bump 3D dahil nakakaaliw at mapanghamon talaga ang gameplay nito. Tiyak na mahuhumaling ka rito sa simula pa lamang ng laro. Marami itong game levels na talaga namang hindi mo basta pagsasawaan. Maayos ding gumagana ang game controls nito. Nakakarelaks itong laruin dahil simple at hindi masyadong kumplikado ang mechanics nito. Mainam itong gawing pampalipas-oras at pampawala ng stress. Maganda rin ang minimalistic design nito, simple at hindi nakakalito.
Sa kabilang banda, may ilang kapintasan din naman ang larong ito. Kahit na libre itong mada-download at malalaro ay punong-puno naman ito ng nakakaistorbong ads. Hindi tuloy mapigilan ng marami na mawalan ng ganang ipagpatuloy ang paglalaro. Wala ring paraan para i-skip ito kaya kinakailangan mo talagang maghintay ng matagal bago makapagpatuloy sa susunod na level. Tila paulit-ulit din lang ang ibang game levels nito. May mga pagkakataon na bigla na lang nagfi-freeze at nagla-lag ito sa kalagitnaan ng paglalaro kaya maraming nagdidismaya rito.
Konklusyon
Kung ikaw ay kasalukuyang nasa Pilipinas at naghahanap ng online game na pwedeng pagkakitaan, saktong-sakto para sa’yo ang Big Win Club. Marami kang mapagpipiliang nakakaaliw at mapaghamong casino games dito tulad ng Pusoy, Baccarat, Tongits, slot at marami pang iba. Bukod dito ay limpak-limpak din ang mga premyong pwede mong mapanalunan.
Ang Color Bump 3D ay isang laro na bago, kakaiba at may simpleng konsepto. Nakakalungkot lang dahil sa nakalipas na mga taon ay patuloy na bumababa ang ratings nito. Sa tingin kasi ng mga manlalaro ay napabayaan na ito ng developers nito dahil marami ng game apps na katulad nito ang nagsilabasan. Tila nauungusan na rin ito ng ibang laro. Sa madaling salita, hindi ito ang tipo na magugustuhan ng lahat. Subalit, kung sa tingin mo ay karapat-dapat pa rin itong subukan ay huwag mag-alinlangang i-download ang app. Pwede ito para sa lahat, bata man o matanda. Kung ikaw ay nababagot na sa mga maaksyon at kumplikadong laro ay kailangan mong subukan ang casual game na ito.
- 0 Comment
- Casual Game Apps, Reviews
- August 12, 2022