
Sa panahon ngayon ang solusyon sa pagkabagot ay ang maglaro at dahil nasa modernong panahon na tayo ay nauso na nga mobile games. Marami ng nagkalat na laro ngunit kung naghahanap ka ng isang challenging pero madaling mekaniks na laro, aba’y narito na ang Color Jump para sa iyo. Pagbukas mo pa lamang ng laro ay dadalhin ka na nito sa pangunahing feature ng laro. Makakapag-umpisa ka na agad at sa isang subok mo pa lamang ay siguradong alam mo na ang mekaniks ng laro. Susubukin nito hindi lamang ang iyong galing sa pagpindot kundi pati na rin ang iyong pasensya. Kaya tara na’t alamin natin anong mga feature mayroon ang larong ito.
Ano ang Layunin ng Color Jump?
Ang layunin ng larong ito ay simple lang – dapat patamain ang bola sa kaparehong kulay. Mula sa pangalan ng laro, “Color Jump”, ang bola ay dapat na manatili sa ere upang hindi ka matalo. Hindi lang ito ang iyong layunin, sa bawat gilid ng i-screen ay makikita mo ang mga linya na nahahati sa iba’t ibang kulay. Ang galaw ng bola ay para kang naglalaro ng tennis, nagra-rally ang bola mula kanan patungo sa kaliwa. Dapat tantyahin mo ang pagpindot mo para tumama ang bola sa kulay na dapat nitong tamaan. Iwasan ang sobrang taas at sobrang baba dahil tiyak na matatalo ka.
Paano Laruin ang Color Jump?
Sa seksyon na ito ay bibigyan ka namin ng ideya kung paano ba ito laruin at features na nilalaman nito. Una ay i-download muna ang laro mula sa inyong App Store. Pagbukas niyo pa lamang ng app ay bubungad na sa inyo ang features ng laro. Ang larong Color Jump ay may dalawang layunin lamang: una ay ang panatilihin sa ere ang bola at pangalawa naman ay dapat tamaan mo ang kulay na kaparehas ng iyong bola. Kapag nagawa mo ang dalawang ito ay magpapatuloy lamang ang pag-usad mo laro.
Tanging pag-tap lamang ng screen ang gagawin mo rito. Ang kulay ng bola ay nag-iiba kaya dapat maging matalas ang iyong mata at tantyahin ang timing ng iyong pagpindot.
Habang tumatagal ay susubukin ka ng mga hadlang na magbibigay ng pagsubok sa iyo sa paglalaro. Iwasan ang mga ito kung hindi naman ito tugma sa kulay ng iyong bola o kaya naman ay kung magdudulot ito sa iyo upang matalo. Madali lamang ito sa umpisa ngunit habang patagal ng patagal ay magbibigay ito ng iba’t ibang twist para mahirapan ka.
Sa tuwing ikaw ay naglalaro o mas mabuting nakakatagal sa laro ay mas makakakuha ka ng puntos na maaari mong magamit upang makabili ng bagong skin ng iyong bola. Ang itsura nito ay parang mga icon, maaaring ito ay hugis ulap, bituin, at marami pang iba. May Achievements din dito na maaari mong gawin bilang goal sa laro at sa bawat achievement mo ay may katumbas ito na reward. May in-game purchases ito na kung saan maaari kang bumili ng Double Star Feature o Remove ads. Ito lamang ang mga feature na maaari mong matuklasan sa larong Color Jump.
Ito lamang ang isang diskarte sa paglalaro nito, ang i-timing ang pagpindot sa i-screen. Siguraduhin mo na hindi masobrahan ang pag-tap para hindi ka sumagad sa taas o makulangan sa pag-tap para hindi ka mahulog. Ang kulay ng bola ay nag-iiba ganoon din ang linya sa gilid nito. Mainam na ikaw ay magpraktis upang makuha mo ang tamang tiyempo at lakas para manalo.
Pros at Cons sa Paglalaro
Pag-usapan naman natin ang Pros at Cons ng larong ito. Ang Laro Reviews ay sinubukang laruin ito ng ilang minuto at isa sa ikinatuwa namin ay may maikli itong tutorial kahit na madali lang ang mekaniks nito. Kahit papano ang kaunting gabay ay nakakatulong lalo na sa mga baguhang manlalaro. Pagbukas mo ng app, lahat ng pangunahing features nito ay naroon na sa main screen at para magsimulang maglaro umpisahan mo lang mag-tap sa kahit anong parte ng screen.
Hindi ito kumplikado, nagiging mahirap lang dahil medyo may kahirapan talaga i-timing ang bawat pagpindot. Huwag masyadong umasa sa graphics design nito dahil simple lang din ang konsepto nito. Isang plus na malinis ang tema nito at hindi nagdudulot ng anumang pagkalito para sa mga manlalaro. Ang sound effects ay hindi rin ganoon ka unique ngunit sapat na itong umakma sa buong konsepto ng laro.
Maaari ka rin makakuha ng iba’t ibang bola. Ito ay nasa hugis na ulap, bituin, at marami pang iba. Nakakadismaya lang na wala pang high score ang naitala sa leaderboard nito, marahil ay kakaunti pa lang ang interesado o naglalaro nito. Bukod pa riyan, ang laro ay paulit-ulit lang din at medyo nakakaumay din laruin. May mga hadlang na mas lalong nagpapahirap sa laro. Sa totoo lang, kahit wala pa ang mga hadlang ay mahirap na talaga ang laro. Gayunpaman, sana ay magkaroon pa ito ng mga bagong features at twists para mas lalong balik-balikan ng mga manlalaro.
Konklusyon
Sa kabuuan, ang Color Jump ay nangangailangan pa rin ng kaunting pagsasaayos upang mas kasabikan ito ng mga manlalaro. Medyo boring at nakakaubos pasensya lalo na kapag hindi mo nata-timing ang pagpindot. Para ka lang din naglalaro ng sikat na laro na Angry Bird. Ang ganitong klaseng laro ay hindi na rin bago dahil marami na ring bersyon na ganito ngunit iniba-iba lang ang dating. Pero kung hindi ka nababahala sa mga isyu na aming nabanggit ay maaari mo pa rin naman ito subukan at tingnan natin kung ano ang iyong magiging opinyon. Walang mawawala sa pagsubok mo nito dahil ito ay libre lang din laruin.
Kung ikaw naman ay mahilig magsugal, kung gayon ipinakikilala namin sa iyo ang game center na swak na swak sa mga Pilipino! Ito ay ang Big Win Club app. Ito ay mayroong iba’t ibang casino games tulad ng tongits, poker, at iba pa. Kaya halika na’t subukin natin ang iyong swerte sa paglalaro!
- 0 Comment
- Casual Game Apps, Reviews
- August 15, 2022