Color Lines Game: Games for the brain

Kung nais mong mahasa ang iyong kaisipan at lumawak pa ang iyong imahinasyon sa pamamagitan ng paglalaro, para sa iyo ang mga puzzle game. Ang isa sa puzzle games na maaari mong subukan at tiyak kong kaaaliwan mo ay ang Color Lines Game. Ito ay binuo ng Tech Know How LLC, isang Android app developer na gumagawa ng games, music, movies, books at marami pang iba. Ang Color Lines Game ang unang larong kanilang nilikha na opisyal na inilabas noong Hunyo 2019. Sila rin ang gumawa ng larong I Word Lines Puzzle Game na inilabas noong Setyembre 2020. Ngunit pagtutuunan natin ng pansin ang isa sa magaganda at masasayang laro nila na Color Lines Game. Sa larong ito kailangan mong pag-isipang mabuti ang iyong hakbang na gagawin. Kaya naman kailangang paganahin mo ang iyong isipan upang makabuo ng estratehiya sa paglalaro. Para mas malaman pa ang mahahalagang impormasyon tungkol sa larong ito, basahin ang buong artikulo ng Laro Reviews.

Paano laruin ang Color Lines Game?

Kung ikaw ay bagong manlalaro at hindi mo pa alam kung paano laruin ang Color Lines Game: Games for the brain, narito ang ilang impormasyon mula sa Laro Reviews na siguradong makakatulong sa iyong paglalaro.

Ang Color Lines Game ay isang puzzle game. Kailangan mong mag-isip kung paano mo magagawa ang iyong layunin sa paglalaro upang manalo. Madali lamang ang mechanics ng laro subalit ang mahirap ay kung paano ka makakaisip ng mabisang estratehiya sa paglalaro nito. Ang Color Lines Game ay may 81 cells (square) o 9×9 na sukat. Ang bawat kwadrado ay maaaring maglaman o lagyan ng bolang may iba’t ibang kulay. Magsisimula ang laro mula sa random balls na nasa game board. Nakasalalay sa iyong mga kamay ang unang move bago magkaroon ng panibagong bola sa board.

Ang pinakalayunin na dapat mong tandaan sa paglalaro nito ay kailangan mong pagsama-samahin ang mga bolang magkakapareho ang kulay. Para mailipat ang bola, i-drag kung saang lugar mo ito nais ilagay. Layunin mong maubos ang bola sa iyong game board upang ikaw ay manalo. Matagal ang guguguling oras sa paglalaro nito dahil tuluy-tuloy ang gameplay kung ikukumpara sa ibang puzzle games na may pagitan bago ang susunod na level. Sa Color Lines Game, habang tumatagal ang iyong paglalaro nadadagdagan o tumataas din ang iyong level. Para magawa ang iyong misyon na matanggal o maubos ang mga bola sa game board kailangan mo ng lima o higit pang bolang may pare-parehong kulay ang nakahanay ng pahalang, pababa o kaya ay pa-diagonal. Ngunit ang hamon sa paglalaro nito ay kada lipat o usod mo ng bola sa ibang hanay, may panibagong tatlong bolang madadagdag sa iyong board na manggagaling mula sa iba’t ibang direksyon. Hindi mo malalaman kung saan babagsak ang mga bagong bola. Maaaring humarang ito sa hanay na binubuo mo o sa ibang lugar. Kaya hindi mo kontrolado ang mga susunod na pangyayari. Ang dapat mong gawin ay umisip o bumuo ng moves na hindi madaling mabasa ng AI upang hindi ka matambakan ng bola sa iyong game board.

Habang tumatagal ay mas dumarami rin ang kulay ng bola na nasa game board kaya mas mahirap bumuo ng pare-parehong kulay. Kaya dapat ay mas maagap ka sa simula ng laro pa lamang upang matanggal mo ang mga bola bago pa ito tuluyang dumami. Talagang masasanay at mahahasa ang iyong kaisipan sa paglalaro ng Color Lines Game dahil sa kakaibang konsepto na inilapat sa laro. Nakapaglaro ka na, nahahasa pa ang iyong isipan at napapalawak mo ang iyong imahinasyon.

Paano nakakaangat ang Color Lines Game sa ibang laro?

Para sa Laro Reviews ang Color Lines Game ay nakakaangat sa ibang puzzle game pagdating sa kabuuang konsepto ng laro. Base sa aking karanasan, ngayon lamang ako nakapaglaro ng ganitong uri ng puzzle game na may kakaibang gameplay. Ang mga karaniwang laro sa puzzle game ay pagbuo ng blocks gaya ng Block Puzzle at Wood Puzzle. Mayroon din namang mga sitwasyon o pangyayari sa laro na kailangan mong tuklasin ang mga sagot upang mabuo ang palaisipan. Sa Color Lines Game, simple lang ang mechanics subalit kakaiba ang gameplay nito. Madali lamang laruin ngunit habang tumatagal ay humihirap ito kada level. Mas nagiging kapanapanabik ang bawat antas na nagbibigay ng hamon para sa mga manlalaro. Kung mainipin ka at madaling mainis, maaaring mabago mo iyan sa pamamagitan ng larong ito. Masusukat dito ang iyong mahabang pasensya at malawak na imahinasyon sa pag-iisip ng bagong hakbang.

Kung mahilig ka sa mga ganitong laro na games for the brain colored lines, inirerekomenda rin sa iyo ng Laro Reviews ang https://bigwinclub.site/ Ito ay isang game app na may iba’t ibang laro na makikita mo sa casino. Mayroong Color Game, Tongits, Pusoy, Lucky 9, Baccarat, pati na rin slot machines at marami pang iba. Sigurado akong magugustuhan mo rin ang larong ito gaya ng Color Lines Game dahil mahahasa ang iyong isipan sa paglalaro ng casino game. Maaari mo rin itong laruin gamit ang iyong gadget nasaan ka man o anumang oras. Libre mo itong maida-download depende sa device na iyong ginagamit. Available ang larong ito sa Android, iOS at PC. Pwede ka ring kumita ng totoong pera sa paglalaro lamang nito dahil ito ay isang real money betting game. 

Bakit masayang laruin ang Color Lines Game?

Masayang laruin ang color lines game online dahil madadala mo ito kahit saan. Bukod sa nakaka-relax ito, maaari mo pang sanayin ang iyong isip sa pagbuo ng mga palaisipan ng laro. Sulit at nakaaaliw rin itong laruin dahil mabilis mong maiintindihan ang mechanics nito. Kumpara sa ibang mga puzzle game na may kahirapan at maraming elemento ang makikita sa laro, sa isang game board lamang umiikot ang Color Lines Game. Subalit maraming pwedeng gawin sa paglalaro nito dahil nakasalalay sa iyong istilo ang kalalabasan ng laro.

Dagdag pa riyan, ang isa pang dahilan kung bakit masaya itong laruin dahil hindi ka mamumroblema kung paano ito makukuha. Libre mong maida-download ang larong ito sa iyong device. Kung ikaw naman ay may pagka-competitive, maaari mong sukatin kung hanggang saan ang iyong kakayahan sa paglalaro dahil mayroon itong rank leaderboard. Kaya naman ibigay ang lahat ng iyong makakaya upang mapasama sa Top Ten Best Players ng Color Lines Game.

Konklusyon

Para sa Laro Reviews, sulit ang paglaanan ng oras sa paglalaro ng Color Lines Game. Sigurado akong masisiyahan ka rin sa paglalaro nito gaya sa ng maraming manlalaro. Kaya ano pang hinihintay mo? Laruin na ang Color Lines Game sa iyong device. Available ang larong ito sa Google Play Store, App Store at maaari mo ring laruin online.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...