Color Match Review

Gusto mo ba ng masayang paraan upang matutong magpinta at kung paano maghalo ng mga kulay? Ang artikulong itong ginawa ng Laro Reviews ay maaaring makatulong sa iyo. Ang Color Match ay isang mobile phone application na tumutulong sa iyong magkaroon ng matalas na mata para sa paghahalo ng kulay. Upang laruin ito, kailangan mong paghaluin ang mga kulay sa iyong palette at itugma ito sa kulay ng mga bagay na iyong pinipinta. Maaari kang magpinta sa 3D at maaari mo ring ibenta ang iyong likhang sining sa isang auction o i-display ang mga ito sa iyong silid at tamasahin ang iyong sariling obra maestra. Mayroong higit sa 200 na mga bagay na maaari mong ipinta sa iba’t ibang mga silid na may iba’t ibang mga tema.

Ang mga Tampok ng Laro

Mayroon itong simple at madaling mga setting na ginagawang napaka-friendly sa gumagamit. Maaari mong gamitin ang larong ito bilang isang tool upang makabisado ang color wheel at mga pinaghalong kulay at pati na rin ang kanilang mga pangalan.

Narito ang ilan sa mga may temang silid na maaari mong tangkilikin, kaya piliin ang iyong paboritong tema at paksa at tamasahin ang iyong paglalakbay sa mundo ng sining.

Maaari mong ipinta ang iyong mga paboritong kosmetiko tulad ng lipstick, bronzer at blush on Kung ikaw ay isang nature lover, maaari mong ipinta ang ilan sa kagandahan ng kalikasan tulad ng cherry, oranges, mangga, saging, mansanas, pipino, niyog at pakwan. Marami ring mga halamang maaari mong ipinta sa tema ng greenhouse tulad ng mga bulaklak, eucalyptus, astrantia at maaari ka pang magpinta ng Christmas tree. Maaari mo ring ipinta ang iyong paboritong fauna tulad ng pusa, baka, aso, tupa at paniki. Mayroon ding mga hayop sa dagat tulad ng pating, dikya, octopus at isda.

Ito ay ilan lamang sa mga tema at paksang maaari mong ipinta. Maaari kang makakita ng mas kawili-wiling mga paksa sa loob ng larong maaaring pumukaw sa nakatago mong talento sa pagpipinta.

Paano mag-download ng Color Match?

Simple lang itong i-download, pumunta ka lang sa playstore o kung ang gamit mo ay Iphone, buksan ang iyong App Store saka i-type sa search bar ang pangalan ng larong ito at i-click ang install. Kung PC naman ang gamit mo, kailangan mo munang i-download ang Bluestacks emulator at i-download ang laro gamit ito o para sa mas mabilis na access, i-click lamang ang link sa baba. 

Download Color Match on Android here

Download Color Match on iOS here

Download Color Match on PC here

Tips at Tricks para sa mga Nagsisimula

Kung naisip mong ang paghahalo ng mga kulay ay kasindali lang ng paglalakad sa parke, mali ka. Ngunit huwag mag-alala, tutulungan ka ng Laro Reviews na mapagaan ang kahirapan ng larong ito.

Ang kailangan mo lang gawin ay maging pamilyar sa color wheel at sa mga teorya ng kulay. Maaaring nakakatakot ito, ngunit maniwala ka sa akin, hindi ito ganoon kahirap dahil kailangan mo lang maging pamilyar dito. Kaya i-print ang color wheel at mga teorya ng kulay at i-post ito sa iyong silid. Pagkatapos nito ay subukang unawain ang liwanag at madilim na kulay ng bawat larawan. Halimbawa, napakaraming kulay ng asul, mayroong mas mapusyaw na asul at mas matingkad na asul. Kapag hinahalo mo na ang iyong kulay, dapat ay unti-unti kang magdagdag ng mga kulay upang makontrol mo ang pagpalit ng mga kulay. Ilagay ang iyong palette nang malapit sa paksa hangga’t maaari, makakatulong ito sa iyong magpasya kung kailangan mong paghaluin ang isang madilim na kulay at ang mas maliwanag na kulay. Kung naiinis ka sa mga advertisement na random na lumalabas, i-off lang ang data ng iyong wifi o mobile phone. Huwag i-stress ang iyong sarili kung hindi mo ito magagawa sa isang pagsubok, dahi sa isang mahusay at madaming pagsasanay at pag-aaral ng teorya ng kulay at color wheel, tiyak na makakabisado mo ito. Bigyan lamang ang iyong sarili ng panahon upang matutunan ang kaalamang ito.

Mga Kalamangan at Kahinaan ng Color Match

Kung nahihirapan kang matuto kung paano gumawa ng isang sining, ang larong ito ay maaaring ituring bilang isang tool sa pag-aaral para sa sinumang gustong matuto kung paano magpinta o sinumang gustong matuto at makabisado ang sining ng paghahalo ng mga kulay. Makatotohanan din ang larong ito, tumpak ang paghahalo ng kulay na tiyak na makakatulong sa iyong maging pamilyar sa color wheel at teorya ng kulay. Napakalaki ng mga variation ng mga bagay na ipipinta kaya maraming subject ang pagpipilian kung sakaling magsawa ka sa pagpipinta ng isang tema. Ang larong ito ay talagang nag-aalok ng isang masayang paraan upang matuto ng sining. Gayunpaman, ang walang pagsisikap ng gumagamit nito, maaari kang matuto o hindi sa larong ito. Halimbawa, kung nilalaro mo lamang ito nang hindi nagsisikap na ilapat ang iyong kaalaman sa paghalo ng kulay, ikaw ay maaaring mahirapan. Siyempre, malayo ang larong ito sa aktwal na pagpipinta ngunit tumpak pa rin ito sa mga tuntunin ng scheme ng color wheel. Ito rin ang pinakamahusay na paraan upang magsanay at makabisado ang teorya ng kulay at paghahalo ng kulay nang hindi sinasayang ang anumang mamahaling pintura.

Ang isang pangunahing isyu ng larong ito ay ang random na pop up ads. Sobrang nakakaistorbo sa konsentrasyon at nakakasira ng saya. Ngunit huwag mag-alala, may remedyo ang isyung ito, i-off lang ang data ng iyong wifi o mobile phone at pwede ka nang magpinta ng matiwasay.

Konklusyon

Ang larong ito ay may star rating na 3.8 sa Google Play Store at may sampung milyong downloads sa buong mundo mula noong unang paglabas nito. Ang larong ito ay napaka-user friendly, sa simple at madaling gameplay nitong tumugma sa 3D na output. Ang larong ito ay tiyak na maglalabas ng iyong natatagong talento sa pagpipinta. Ito ay mas katulad ng isang tool sa pagbuo at pag-master ng iyong mga kasanayan sa sining sa halip na isang simpleng laro lamang. Dahil kinakalkula rin nito kung gaano katumpak ang iyong mga kasanayan sa paghahalo ng kulay, maaari kang laging matuto ng mga bagong diskarte at mapabuti pa ang iyong pagiging sensitibo sa pagpili ng tamang kulay na paghahaluin. Pinagbubuti rin nito ang iyong mga kasanayan sa pagtukoy ng iba’t ibang uri ng mga kulay. Ang larong ito ay tiyak na makakatulong sa sinumang gustong magsimulang matutong magpinta dahil ang paghahalo ng kulay ay kinakailangang kasanayan upang makalikha ng sining. Kung gusto mo ng isang bagay na sasanayin ang iyong mga mata upang mas maging sensitibo ang mga ito sa pagpili ng tamang kulay na paghaluin, o gusto mo lamang ng isang bagay na pupuksa sa iyong pagkabagot, tunay ngang para sa iyo ang larong ito.

Leave a Comment

Login
Loading...
Sign Up
Loading...