
Kung nababagot ka na at gusto mo ng larong mapaglilibangan, subukan ang Color Matching Game na tampok natin sa artikulong ito. Ipinakikilala ng Laro Reviews ang isang siksik sa saya at makulay na mundo ng sining. Ang Color Match ay isang casual at uri ng Color Matching game na ginawa ng Supersonic Studios LTD na nakabase sa bansang Israel. Sila ang developer at publisher ng mga larong Bazooka Boy, My Mini Mart, Going Balls at marami pang iba. Tampok sa Color Match ang mga makukulay na color pallete at 3D na mga bagay na dapat gagawan mo ng kaparehang kulay gamit ang mga pinta sa laro. Alamin ang mga kaabang-abang na mga tampok sa larong ito at baka may matuklasan tayong app na may mga color game kung saan pwede tayong kumita ng pera!
Ano ang Color Matching Game?
Ang kulay ay isang anyo ng persepsyon na ginagamit ng mga tao upang ilarawan ang kanilang kapaligiran at kung paano ito nakikita. May apat na uri ang kulay: primary, secondary, complimentary at tertiary. Ang primary colors ay pula, dilaw at asul na hina-highlight ang pinakamatitibay na hues ng kulay sa spectrum gaya ng orange, ginto, at berde. Tampok ang mga kulay na ito sa lahat ng color matching game na makikita sa internet.
Nakikita natin ang kulay araw-araw. Kinukulayan natin ang ating mga bahay, damit, cell phone, sasakyan, pagkain, inumin, at marami pang iba gamit ang ating mga paboritong kulay. Gumagamit din tayo ng kulay upang ipabatid ang laki, timbang, at temperatura. Tinutulungan din tayo ng mga kulay na piliin ang ating mga paboritong inumin at pagkain, gawing mas komportable tayo sa isang silid at tinutulungan ang ating mga damit na maghalo sa ating kapaligiran.
Sa larong Color Match ay kailangang mag-mix ng kulay at mai-match ang kulay na ito sa isang 3D na bagay. May mga prutas, pagkain, damit at kung anu-ano pa ang kailangan mong gawan ng eksaktong kulay. Paghahaluin mo lamang ang mga kulay na nasa iyong harapan hanggang sa mag-match ito. Medyo mahirap sa unang tingin ang paghahalo ng kulay lalo na kung hindi natin alam ang konsepto ng mga kulay. May mga warm at cool colors na hindi pwedeng haluin dahil hindi magandang kulay ang magiging kalalabasan nito. Dito papasok ang color hue, tint, saturation at marami pang iba.
Pagkatapos makagawa ng matching color ay kukulayan mo gamit ang isang spray bottle ang bagay na iyon na pwedeng maibenta sa Auction. Ang Auction ay parang auction sa totoong buhay kung saan ibibida mo ang iyong produkto at bibilhin ito ng mga tao. Depende sa bagay na iyong ilalagay sa auction, pwedeng gulay o prutas, damit, sapatos at iba pa. Ang makukuhang pera sa auction ay magagamit mo sa pagpapalago ng iyong mga Room.
Color Matching Game – Mga Tampok sa Laro
Ang mga pangunahing katangian ng Color Matching Game na ito ay ang mga sumusunod:
Themed Room: May 12 kakaibang mga themed room na pwede mong buksan at pagandahin. Maglaro lamang ng mix and match at ibenta ang iyong mga produkto sa Auction Room upang kumita ng sapat na coins para sa pag-upgrade at pagpapaganda ng mga themed room na ito.
Auction: Sa Auction Room ay itatampok ang iyong produkto sa madla na parang nasa totoong auction na may mga offer na coins. Dito mo maibebenta ang iyog mga produkto upang kumita ng sapat na coins.
Simple at Madaling Ipinta: Subukang tukuyin ang kulay ng bagay at ipinta ito sa canvas gamit ang kulay na iyon. Maraming mga kulay na available sa palette kaya pwedeng mag trial and error hanggang makuha mo ang tamang kulay.
Pag-aaral ng mga Pangalan ng mga Kumbinasyon ng Kulay: Maaari mong matutunan ang mga pangalan ng maraming kulay at matuklasan kung anong kulay ang makukuha mo sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga ito.
Ang paglalaro ng mga color game ay isang mahusay na paraan upang mapabuti ang ating kagalingan sa sining. Sa paglalaro natin ng ng mga ito ay maaaring mapataas ang antas ng ating kaligayahan, magpagaan ng pakiramdam, at makatulong na makayanan ang stress.
Paano naaapektuhan ng kulay ang pag-uugali ng tao?
Nagtataka ka ba kung paano naaapektuhan ng kulay ang ating mga emosyon? Minsan kapag nakakakita tayo ng mga maniningning na mga bagay ay nasisiyahan tayo gaya na lang kapag nakakita tayo ng dilaw o kahel. Kapag berde ay presko sa paningin at nakaka-relax, at minsan nakakagutom naman ang mga pulang pagkain, nang-aakit, at nakakalunod.
Ang epekto ng mga kulay sa ating mga mood at pag-uugali ay maaaring maging dramatiko. Halimbawa, sa aking klase sa sikolohiya sa unibersidad, ang instruktor ay gumagamit ng kulay upang maghatid ng impormasyon at impluwensyahan ang mga damdamin. Ginamit ang paraang ito upang ipakita ang epekto ng mga kulay kagaya ng pula, dilaw, at berde sa mood at pag-uugali ng mga tao.
Ang mga kulay ay nakakaapekto sa ating kalooban at pag-uugali sa iba’t ibang paraan at sa iba’t ibang dahilan. May mga nagsasabi na ang ilang mga kulay ay maaaring nakakapagpasaya sa atin, habang ang iba ay nagsasabing ang ibang mga kulay ay maaaring makapagpalungkot o maghatid ng galit. Sinasabi ng mga tao na ang pula ay maaaring magpasigla sa iyo, habang ang asul ay makapagpapakalma naman. Sinasabi rin ng ilan na ang dilaw ay maaaring epektibong gamitin upang matulungan kang maging masaya. Sa paglalaro ng mga color matching game ay nae-explore natin ang mga ito.
Konklusyon
Maraming benepisyong hatid ang paglalaro ng mga color matching game sa ating pagkatao kagaya na lamang ng larong Color Match. Ang paglalaro nito ay makakatulong sa ating makapagpahinga, mapabuti ang ating mood, at maaliw. Magagamit din ang mga color game para tulungan tayong ituon ang ating focus at makamit ang ating mga layunin, gaya ng pag-aaral para sa isang pagsusulit. Ang paglalaro ng mga color game ay maaari pa ngang magpataas ng ating empathy at mabawasan ang ating stress.
Hanap mo ba ay mga larong kagaya ng Color Match na tampok sa ating artikulo ngayon? O ‘di naman kaya’y mga color game na maaari kang kumita ng pera at karagdagang mga laro para hindi ka ma-bored sa mga paulit-ulit na laro? Mag-download na ng Big Win Club App sa Play Store o App Store! Ang app na ito ay mayroong iba’t ibang klaseng mga casino game na swak sa mga Pinoy na mahilig sa pagsusugal pero walang panahong lumabas sa kanilang tahanan. Madali lamang ang mga laro sa app na ito at tiyak pa na ikaw ay kikita ng totoong pera. Mag-destress, mag-relax sa kaginhawaan ng iyong bahay habang naglilibang kasama ang pamilya at mga kaibigan. I-download na ang Big Win Club App ngayon!
- 0 Comment
- Casual Game Apps, Reviews
- August 16, 2022