Color Street Games: Color Road Review

Marami ng laro ang available na ngayon sa mga app store kaya halos hindi na tayo makapili kung ano ba ang magandang laruin. Kaya narito ang Laro Reviews upang tulungan ka na malaman ang tungkol sa Color Street Games at kung dapat mo ba itong laruin o hindi. Ang larong ito ay naglalaman lamang ng kaunting features kaya hinding-hindi ka mahihirapan at kahit na isang subok mo pa lang dito ay tiyak na makakabisado mo na agad ang mekaniks dahil ito ay hindi naman ganoon kakumplikado. Sa katunayan, kailangan mo lamang i-slide ang iyong daliri sa screen papuntang kanan o kaliwa. Ito ay mainam laruin lalo na kung ikaw ay nababagot o gusto lamang magpalipas oras. Kung gusto mo pang malaman ang iba pang hatid ng larong ito ay patuloy lamang sa pagbabasa ng artikulong ito.

Ano ang layunin ng Color Street Games: Color Road?

Ang layunin ng larong ito ay simple lang din at ito ay itugma lamang ang kulay ng iyong bola sa makakasalubong nitong mga bola sa daan. Dapat ay maitama mo ang bola sa tapat ng kakulay na bola na makakasalubong nito kung hindi ay matatalo ka. Walang kumpetisyon na magaganap dahil ang kailangan mo lamang gawin ay mag-level up o mag-ipon ng coins pambili ng mga customization items sa shop nito. Sanayin lamang ang koordinasyon ng iyong mata at kamay para magtagumpay at magtagal ka sa paglalaro. Madali lamang ito at hindi na kinakailangan ng anumang diskarte upang manalo. Ito ay sapat lamang bilang pang-alis ng pagkabagot at pampalipas ng oras. Ito ay free-to-play na app kaya maaari mo itong i-download at laruin agad sa iyong device.

Paano ba laruin ang Color Street Games: Color Road?

Sa totoo lang dahil sa sobrang dali ng Color Street Games: Color Road ay hindi mo na kinakailangan pa ng tutorial para makabisado ang mekaniks. Kahit isang beses mo pa lang ito laruin ay siguradong alam mo na agad ang gagawin. Pagkatapos mo itong i-download sa iyong device ay agad ka nitong dadalhin sa pangunahing feature nito. May makikita kang parang walang katapusang kalsada at mga bola. Ang dapat mo lamang gawin ay itugma ang bola na mayroon ka sa kaparehas nitong bola na makakasulubong mo sa daan. Sa oras na mag-umpisa na itong gumalaw ay hindi mo na ito mapapahinto maliban na lamang kung magkamali ka ng bolang tinapatan. Dapat ay sakto mong matapatan ang bola na kaparehas ng kulay ng bola mo.

Ang rewards na matatanggap mo mula sa paglalaro ng Color Street Games: Color Road ay ang in-game currency nito na coins o hindi naman ay skins o customization items. Maaari mong baguhin ang itsura ng mga bola maging ang kalsada. Maaari mo ring i-revive ang iyong sarili o manumbalik sa parte kung saan ka nagkamali sa pamamagitan lamang ng panonood ng ads. Tandaan lamang na bago mo ito malaro ay kailangan mo ng internet connection. Ito ay may in-game purchases din kung saan pwede mong alisin ang ads kung sakali ayaw mong maantala ang iyong paglalaro. Ito ay available sa lahat ng Android, iOS, at PC users. Libre lang din ito i-download kaya subukan mo na.

Pros at Cons sa Paglalaro

Isa sa aming ikinahanga sa larong to ay ang sobrang dali ng mekaniks at lahat ng features nito ay sigurado mong matutunan pagbukas mo pa lamang ng application. Walang kuskos balungos na kailangan mo pang gawin bago ito malaro. Libre rin itong laruin at available sa lahat ng Android, iOS, at PC users kaya kahit anong device na mayroon ka ay siguradong malalaro mo ito. May kakayahan ka rin i-customize ang bola, buntot nito, at ang itsura ng kalsada para naman manibago ka sa disenyo o animation nito. 

Ang tangi mo lamang gagawin ay i-slide ang iyong daliri mula kanan o kaliwa. Wala ng ibang aksyon na kailangan mong gawin. Sa tuwing ikaw ay nakakakolekta ng coins ay iyon ang maaari mong gamitin pambili ng customization items. Kung ikaw ay nababagot sa mga advertisement na panay ang paglitaw sa iyong screen ay maaari mong bilhin sa shop ang No ads feature para tuluyan itong mawala at tuloy-tuloy lamang ang iyong paglalaro. Ito rin ay angkop sa lahat ng edad kaya mapabata man o matanda ay maaari itong subukan.

Ito lamang ang aming ikinadismaya sa paglalaro nito, minsan ay sobrang lag nito sa device at kadalasan ito ang nagiging dahilan kung bakit kami natatalo. Kung hindi mo mabibili ang No ads na feature ay kailangan mong magtiis sa walang sawang paglabas ng mga advertisement. Lagi ka nitong ididirekta sa app store para mag-download ng app na minsan ay nakakainis na kaya imbes na maglibang ay maiinis ka sa kakalabas ng mga ito. Kakaunti lang din ang feature nito at wala kang dapat asahan masyado pagdating sa graphics dahil ito ay simple at hindi naman ganoon ka-unique. Sana ay maayos ng mga developer ang mga isyu na ito upang makapagbigay ng mahusay na performance para sa mga manlalaro.

Konklusyon

Ang larong Color Street Games: Color Road ay nangangailangan pa rin ng mga pagsasaayos lalo na sa ads at performance nito. Mainam din na magdagdag sila ng mga bagong twist para mas lalong ganahan ang mga manlalaro na manumbalik sa paglalaro nito. Gayunpaman, ito ay libre lamang at simpleng laro upang mapaglibangan ng mga tao. Kung hindi ka nababahala sa mga isyu na nabanggit sa itaas ay maaari mo pa rin naman itong subukan. Walang mawawala sa iyo.

Kung ikaw naman ay mahilig sa casino games, nagagalak kaming ibahagi sa iyo ang Big Win Club app. Ito ay naglalaman ng iba’t ibang laro na may kaugnayan sa pagsusugal katulad ng card games, poker, slots, atbp. Isa rin itong magandang game center para sa mga Pilipino dahil mayroon itong malaking gaming community kung saan ay makakasigurado ka na maayos at katiwa-tiwala ang app. Maaari mo itong subukan sa iyong device at subukan tuklasin ang iba pang feature na hatid nito para sa mga manlalaro na mahilig sa gambling games. 

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...