Color Switch: Whatever happened to it?

Bakit nga ba bigla na lamang nawala na parang bula ang hit na laro noon na Color Switch? Alam mo ba kung bakit?

Ang Larong Color Switch

Kung isa kang socially awake na tao noong taong 2016, paniguradong maaalala mo na ang Color Switch ay isang game gever noon na kinababaliwan hindi lamang ng mga batang manlalaro kung hindi pati na rin ng mga matatanda. Kung natatandaan mo pa, ang layunin ng laro ay i-navigate ang bola sa finish line o end goal. Halimbawa, ang “cherry” sa Fruit mode, o upang alisin ang lahat ng mga hadlang mula sa screen gaya ng Brick, Paddle, Break, Shoot, atbp. Ang kamatayan sa laro ay maaaring makuha sa pamamagitan ng pagpindot sa isang surface na iba ang kulay kaysa sa bola na iyong gamit, pagpindot sa ibaba o itaas ng screen na mayroong lava, vacuum, o mga kaparehong substance.

Nagtatampok din ang nabanggit na laro ng mga game mode, at kapag tinapik ng player ang screen, isa sa walong aksyon ang maaaring gawin ng bola: tumalon, dumausdos, magpalit ng direksyon, umikot, bumaril, gumalaw ng mga hadlang, o bagalan ang bilis ng takbo nito. Mayroong hindi bababa sa 50 mga level sa bawat mode, at ang isang infinite mode ay karaniwang ipinakilala pagkatapos ilabas ng isang linggo ang nakaraang mode.

Dagdag pa rito, ang Color Switch ay isang mobile na laro kung saan ay nagta-tap ka ng bola habang umiiwas sa mga gumagalaw na bagay. Ang laro ay isang pangunahing hit noon, ngunit tulad ng lahat ng mga uso, ito ay nalalaos din. Noong Disyembre 2017, na-delete pa ito sa iOS at Google Play Store. Sa panahon ng pagtanggal ng nasabing laro, galit na galit ang mga tagahanga at manlalaro sa buong mundo sa nangyari. Kaya, ang imbentor ng Color Switch na si David Reichelt at ang kanyang koponan ay gumawa ng sumusunod na komento tungkol sa pagtatanggal sa kanilang opisyal na website at pagkawala ng laro.

Ang Color Switch ay nagkaroon ng magandang dalawang taon, ayon sa kanila, at nagpapasalamat sila sa lahat ng dedikadong tagahanga at manlalaro nito. Sinabi nila na ang dating publisher ang may pakana kung bakit nawala ang Color Switch app noong Disyembre 22, 2017. Ayon sa kanila, pinagsamantalahan at binalewala raw ang lahat ng hirap na kanilang dinanas para lamang tangkilikin ng tao ang color switch. Hindi rin daw sumagi sa kanilang isip na darating ang panahon na mawawala ang Color Switch nang ganun-ganun na lamang.

Sinabi rin nilang sila ay isang maliit na independiente na studio ng laro na iniisip na ang mga laro ay dapat na nakakaaliw para sa lahat sa halip na para lamang sa pera. Sa kanilang pahayag, naglaan din sila ng mensahe para sa lahat ng artist, builder, estudyante, nangangarap, innovator, at pioneer, na nagsasabing, “May mga sandali sa buhay na kailangan mong panindigan kung ano ang sa tingin mo ay tama, at ang Color Switch ay isa sa mga pagkakataong iyon.”

Bilang konklusyon ng kanilang mensahe sa fans, sinabi nila na ang bawat aksyon ay nagsisimula sa isang ideya. At hindi nila lubos akalain na ang kanilang paglalakbay kapiling ang larong Color Switch ay magdadala sa kanila sa buong mundo at makikisalamuha ang mga manlalaro ng Color Switch, mga bata man, o matatanda. Nagpapasalamat din si David at ang kanyang grupo sa lahat ng suporta ng kanilang mga tagasuporta at mga manlalaro.

Ang Muling Pagbangon ng Color Switch

Ang nabanggit na isyu ay isang karaniwang kaso ng mga publisher na sinasamantala ang kanilang mga empleyado at sadyang nangyayari nang napakadalas. Halimbawa, sa komunidad ng YouTube, marami ang nagtuturo at nag-aakusa sa Machinima Company nang pang-aabuso sa kanyang mga content creator. Ang Leafyishere at Clash ay dalawang YouTubers na nagawang makawala at tumayo sa kanilang sariling mga paa. Ngunit kasabay nito, mariin din nilang pinaalalahanan ang lahat tungkol sa pagkontrata sa nasabing kumpanya.

Sa kabilang banda, bilang pagtupad sa kanilang salita, muling inilunsad ng team ni David ang Color Switch noong 2018 sa ilalim ng parehong pangalan (Color Switch), dahil may access si David sa website ng Color Switch at sa opisyal na Twitter account ng Color Switch, at ang kanilang pinakabagong bersyon nito ay nagdadala sa mga manlalaro ng higit pang mga hamon, mini games, at kapanapanabik na mga bagong feature na hindi pa nakikita noon. Sa kasalukuyan, ang laro ay umani ng mahigit sa 50 milyong downloads sa Play Store lamang at patuloy pa itong nadaragdagan sa paglipas ng panahon.

Big Win Club

Hindi kagaya ng nangyari sa larong Color Switch, ang Big Win Club App ay nanatiling matatag at patuloy na namamayagpag hanggang sa ngayon. Kung bakit? Simple lamang ang sagot: ang Big Win Club app ay isang aplikasyon na napakadaling gamitin kahit pa ng mga baguhan sa larangan ng online gambling.

Bilang karagdagan, ang nasabing app ay binubuo rin ng mga gambling game na halos lahat ay gawang Pinoy, o kinalakihan na ng marami sa atin kagaya na lamang ng larong Pusoy, Tongits, Lucky 9, slot games at maging ang sabong ay pwede na ring malaro rito. Bukod sa pagiging libangan, ang Big Win Club ay isa ring plataporma kung saan napakadaling makatanggap ng totoong pera dahil hindi kagaya ng ibang gambling apps, walang estado sa buhay na pinipili ang app na ito kaya sa napakaliit na kapital, mayroon ka nang malaking tyansang mag-uwi ng libu-libong piso.

Hindi rin problema sa Big Win Club app ang pagtanggap ng panalo at pagbili ng chips bilang pantaya sapagkat sa pamamagitan lamang ng paggawa mo ng GCash account, maaari mo nang matupad ang iyong hiling na isa sa mga swertehin sa mga sugal.

Konklusyon

Ang larong Color Switch ay isa lamang patunay na ang hindi pagsuko at ang muling pagbangon ay magbubunga ng magandang resulta sa dulo. Kapag natutunan nating maghintay at mag-isip ng matalino sa mga hakbang na gagawin, tiyak ang ating panalo sa buhay. Ngunit, malinaw na ipinababatid ng artikulong ito ng Laro Reviews na walang sinuman ang nananalo sa buhay nang hindi marunong tumaya. Kagaya sa mga laro ng Big Win Club App, kailangan din nating matutunang sumugal para magkaroon ng tyansang manalo. Hindi rin masama ang matalo ng paminsan-minsan, bagkus dapat natin itong gawing inspirasyon upang pagbutihin pa sa susunod na pagkakataon sa buhay.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...