
Kilala ang mga Color Wheel Game bilang interactive games. Sa mga ganitong klaseng laro ay nabibigyan ng pagkakataong matuto ng basic color theory ang mga manlalaro gamit ang kanilang mga cellphone. Maraming nahuhumaling dito dahil madali lamang itong laruin ngunit challenging kung tutuusin dahil nakadepende sa precision at timing mo sa pagpindot ng screen kung ikaw ay makakapuntos. Nilikha ng R & S Studios ang Color Wheel and Crazy Ball Game para sa mga manlalarong naghahanap ng kakaibang thrill sa mundo ng paglalaro. Hindi ka lang simpleng pipindot sa screen dahil sa katagalan ay nadi-develop ang iyong hand and eye coordination at pagiging alerto. Abangan sa artikulong ito hatid ng Laro Reviews kung ano ang nakakaadik na larong ito at ang maikling paglalahad ng color theory.
Paano laruin ang Color Wheel Game?
Simple lamang ang mekaniks ng laro: itapat ang bola o stick sa kapareho nitong kulay. May iba’t ibang klase ng Crazy Ball Challenge ang pwedeng laruin sa Color Wheel Game at nahahati ito sa tatlong levels; Easy, Medium, at Hard. Ang sumusunod ay mga uri ng Crazy Ball Challenge:
Switch Circle – Sa Switch Circle ay kailangang mapunta ang maliit na bolang nasa loob ng isang malaking bilog sa tamang kulay nito. Kailangan mong i-tap ang screen upang umikot ang malaking bilog habang nasa ere ang maliit na bola. Dapat mahulog ito sa eksaktong kulay o ikaw ay matatalo. Sa Easy ay may tatlong kulay, sa Medium ay apat at anim naman sa Hard. Ang bilis ng pagkahulog ng mga bola ay nakadepende sa level na iyong nilalaro, sa iyong pag-tap, at dami ng iyong na-accumulate na puntos.
Crazy Ball – May mga bolang nahulog mula sa ere na tumutugma sa mga kulay na pwedeng magpalit-palit ng pwesto sa pamamagitan ng pag-tap sa screen. Katulad sa Switch Circle ay dapat mahulog ang mga bola sa eksaktong kulay nito o ikaw ay matatalo. Sa Easy ay may dalawang kulay, sa Medium ay apat at anim naman sa Hard. Ang bilis ng pagkahulog ng mga bola ay nakadepende sa level na iyong nilalaro at sa dami ng iyong na-accumulate na puntos.
Crazy Wheel – May isang stick na umiikot at constant lang ang galaw ng malaking bilog. Nakapagitna ang stick at kailangan itong tumama sa eksaktong kulay sa pamamagitan ng pag-tap sa screen. Hindi dapat lumagpas sa ibang kulay ang screen kundi ikaw ay matatalo. Sa Easy ay may tatlong kulay, sa Medium ay apat at lima naman sa Hard. Ang bilis ng pag-ikot ng stick ay nakadepende sa level na iyong nilalaro at sa dami ng iyong na-accumulate na puntos.
Sa kabuuan, madaling laruin ang Color Wheel Game. Simple lamang ang interface nito at ang buttons ay minimal lamang at hindi nakalilito. Pagbukas mo palang ng app ay bubungad na sa iyo ang iba’t ibang klase ng laro. Ang tanging nakakasagabal lamang dito ay ang mga ad na biglang sumusulpot kapag natapos mo ang isang set ng laro.
Ano ang Color Theory?
Pag-usapan naman natin sa bahaging ito kung ano ang Color Theory. Ang pangkalahatang-ideya ng Color Theory ay makikita sa mga sumusunod na sipi o passage:
“Inilalarawan ng color theory ang pisikal at sikolohikal na epekto ng mga filter ng kulay sa pag-unawa nito.” – Wikipedia.
“Ang color theory, na kilala rin bilang sikolohiya ng kulay o agham ng kulay, ay ang siyentipikong pag-aaral kung paano nakakaapekto ang mga pisikal na katangian ng mga kumbinasyon ng kulay sa mga pananaw ng ibang tao, at kung paano binibigyang-kahulugan ang persepsyong ito.” – Collective.
Ang Color Theory ay isang agham ng kulay na tumatalakay sa mga pisikal na katangian ng liwanag at kulay at ang kanilang sikolohikal na epekto sa pag-iisip ng tao. Ito ay nagtatalakay sa kalikasan, itsura, at behavior ng kulay ng mga bagay-bagay. Tinatalakay din nito ang itsura ng kulay, kaugnayan ng kulay sa pang-unawa ng tao, at kung paano nailalapat ang mga salik na ito sa pag-uuri at pagkakakilanlan ng kulay.
Hindi katulad ng ibang sangay ng agham, hindi ito umaasa sa mga obserbasyong ginawa sa pisikal na mundo kundi sa mga materyal na katangian at pag-uugali. Ang kulay ay marahil ang pinakamahalagang pandama na impluwensya sa kung paano natin nakikita ang mundo sa paligid natin. Malaki ang epekto nito sa ating iniisip at nararamdaman, gayundin sa paraan ng ating pag-uugali. Nakakaapekto ito sa ating pang-araw-araw na buhay at malakas na nakakaimpluwensya sa ating pag-unawa sa mundo. Tampok sa mga color game katulad ng Color Wheel Game ang teoryang ito kaya naman patok ito sa lahat ng edad.
Nakatutulong ba ang paglalaro ng mga Color Game?
Sa ngayon, ang pag-aaral ng Color Theory ay maaaring talagang nakalilito at overwhelming. Subalit ito ay ginagamit sa sining, disenyo, litrato, pelikula, at iba pang creative fields, kaya mahalagang maunawaan ang mga pangunahing konsepto nito. Dahil ang color theory ay kumplikado, mahalagang malaman kung paano tinitingnan ang mga kulay sa pisikal na mundo at kung paano ito ginagamit sa sining at disenyo. Ang pinakamadaling paraan upang maunawaan ito ay sa pamamagitan ng pagtingin dito nang biswal.
Ang kulay ay isa sa pinakamaganda at kaakit-akit na bagay sa mundo. Ang paglalaro ng mga color game gaya ng Color Wheel Game ay isang mahusay na paraan upang maranasan ang kagandahan ng kulay at ang mga kapanapanabik na posibilidad nito. Kapag naglalaro ka ng mga color game ay maaari mong tuklasin ang mayaman at kumplikadong mundo ng kulay, na lubos na makakaapekto sa iyong buhay. Naniniwala rin ang maraming tao na ang paglalaro ng mga color game ay may positibong epekto sa pagkamalikhain at paglutas ng problema. Maaari rin nitong mapataas ang iyong pagkaalerto at ang iyong hand and eye coordination.
Konklusyon
Ang paglalaro ng Color Wheel Game at iba pang klase ng Color Games ay maraming benepisyo. Maaari itong magkaroon ng malaking epekto sa pagpapabuti ng focus, ng iyong creativity, at gagawin kang mas alerto. Ang mga color game ay maaari ring magbigay sa iyo ng creative outlet habang pinananatili kang malusog at matalas ang pag-iisip sa buong araw.
Kung nais mo namang maglaro ng Color Game at kumita ng totoong pera ay sagot ka na ng Big Win Club App! I-download lamang ito sa iyong cellphone mula sa Play Store at App Store at maari ka nang magsimulang maglaro at magpalago ng iyong pera. Maraming koleksyon ng iba’t ibang casino games ang Big Win Club App kagaya ng mga color game. Ang app na ito ay isang magandang mapagkukunan ng libangan at ekstrang pera ng mga Pilipinong mahilig magsugal. Tiyak na masusubukan dito ang iyong pagiging alerto at talas ng isip para manalo ng mga malalaking papremyo.
- 0 Comment
- Casual Game Apps, Reviews
- August 16, 2022