
Kung ikaw ay naghahanap ng isang laro na madali lamang ang mekaniks pero nakakabuhay ng isip, Color Zen ang iyong hinahanap! Simple lamang itong laruin pero susubukin nito ang iyong utak na mag-isip. Walang time limit, kaya makakapag-isip ka ng mabuti. Ang mga feature na makikita mo rito ay mga makukulay na hugis na kailangan mong itugma sa kaparehas nilang kulay. Diba napakasimpleng isipin? Pero, habang umuusad ka sa laro ay mas humihirap ang bawat hamon nito. Mas nagiging kumplikado kaya siguradong susubukin nito ang iyong kakayahan na mag-isip. Gayunpaman, siguradong matutuwa at malilibang ka naman sa paglalaro nito. Mawiwili ka sa pagtutugma at pag-iisip ng susunod na galaw na dapat mong gawin. Ito rin ay angkop sa lahat ng manlalaro mapabata man o matanda.
Ano ang layunin ng larong Color Zen?
Ang layunin ng larong ito ay kasing simple lang din ng mekaniks, yun ay ang maitugma mo ng tama ang nararapat na kulay. Sa gilid ng iyong screen ay makikita mo ang linya na nakapalibot dito. Iyan ang magiging huling kulay na dapat mong maitugma. Kung hindi mo ito magagawa o iba ang kulay na naitugma mo sa huli at hindi kaparehas sa linya ay matatalo ka na sa laro. Madali lamang ang mekaniks pero habang umuusad ka o nagle-level up ay mas nagiging mahirap ito. Ang larong ito ay isang uri ng puzzle na susubok sa iyong husay na mag-isip ng diskarte. Hindi mo kailangan mataranta dahil walang time limit ito. Kung gusto mo pang alamin ang kabuuan ng mekaniks nito ay patuloy lamang sa pagbabasa ng artikulo na ito.
Paano laruin ang Color Zen?
Narito ang Laro Reviews upang gabayan ka sa unang pagsabak mo sa laro. Una ay i-install at i-download mo ang Color Zen sa iyong device. Pagbukas mo pa lamang ng application ay dadalhin ka na nito sa pangunahing features ng laro. Mayroon itong apat na icon, ito ay para sa sound, instruction, shop, at play button. Ang laro ay walang demonstration tutorial pero maaari mong pindutin ang question mark na icon na makikita mo sa main screen, yun ang rules o mekaniks ng laro. May mga imahe ito sa kung paano mo imi-merge o pagsasamahin ang dalawang shape at ano ba ang layunin ng larong ito.
Kung handa ka na, maaari mo ng pindutin ang play button. Agad ka ng makapaglalaro at ang tangi mo lang na gagawin ay pagsamahin ang dalawang hugis na magkaparehas ang kulay ngunit ang hamon dito sa iyo ay ang layunin na dapat ang huling kulay na pagsasamahin mo ay parehas sa linya na nakapalibot sa screen. Kaya mag-iisip ka ng mabuti kung anong galaw ang tama para manalo sa bawat round. Habang umuusad ka ay mas dumarami ang mga hugis kaya nagiging mas mahirap ito.
Ang mga kinakailangan para matagumpay na ma-download ang Color Zen sa Android devices ay dapat Android 4.4 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Para sa iOS users naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na iOS sa 9.0. Maaari mo na itong subukang laruin ngayon!
Maaari ring i-click ang mga link sa ibaba upang mag-download:
Download on Android here
Download on iOS here
Download on PC here
Diskarte sa Paglalaro
Ang laro ay hindi naman ganoon kakumplikado ngunit dahil ito ay isang uri ng puzzle, kahit papaano ay may mga twist o hamon ito sa iyo. Sa totoo lang, nakakabuhay ito ng isipan dahil akala mo mananalo ka ngunit hindi pala. Kaya narito ang ilan sa mga diskarte na aming ibabahagi sa paglalaro nito.
- Tingnan ang bawat kulay at ang kulay na target mong itugma sa huli.
- Hindi rito problema ang hugis, laging kulay nito ang iyong pagtuunan.
- Ingatan na huwag maidikit ang dalawang huling kulay na dapat mong itugma sa huli.
- Wala itong time limit kaya hindi mo kailangan magmadali.
- Magsaya lamang at huwag i-pressure ang sarili sa paglalaro. Ito ay lubos na nakakalibang at nakakatuwang laruin kaya wala ka dapat ika-stress sa paglalaro nito.
Pros at Cons sa Paglalaro
Sa seksyon na ito ay tatalakayin natin ang magaganda at nakakadismayang feature ng laro upang matulungan kang magdesisyon kung lalaruin mo ba ito o hindi. Unahin natin ang mga feature na aming nagustuhan. Isa sa ikinatuwa namin ay madali lamang gamitin ang mga feature nito. Sa katunayan, apat lamang ang icon na makikita mo rito, ang sound, rules, shop, at play button. Mayroon rin itong iba’t ibang level na habang umuusad ka ay mas lalong nagiging mahirap. Pero, ang hirap na ito o pagsubok ay twist lamang sa laro.
Sa sobrang dali ng mekaniks ay wala kaming masabi. Kailangan mo lang basahin ang nasa rules kung paano mo itutugma ang mga hugis at ano ang layunin ng bawat level. Hinding-hindi ka malilito sa features nito at maayos rin siyang nailapat sa screen. Pagdating naman sa graphics, huwag masyadong bumilib dahil typical lamang ito para sa ganitong klase ng laro. Gayundin ang sound effects nito. Kahit ganoon ay maganda naman ang pagkakasama-sama nito sa buong konsepto ng laro. Maaliwalas sa paningin at higit sa lahat walang masyadong ads na lumalabas. Hindi namin alam kung nagkataon o wala talagang ads pero may ibang review mula sa ibang manlalaro na marami raw na ads ang lumalabas.
May kaunting pagkadismaya lang kami dahil kakaunti ang levels na mayroon ito lalo na’t mabilis mo lang din matapos ang isang level. Sana ay magkaroon pa ng mga twist o feature na magpapasigla sa mga manlalaro. Bukod dito ay wala na kaming makitang iba na maaari naming ikadismaya. Maaari mo itong subukan at tingnan kung ayos ba ang larong ito bilang isang libangan.
Konklusyon
Ang Color Zen ay talagang nakakahumaling laruin. Simple nitong pinapasigla ang ating isipan sa pamamagitan ng paglaro sa puzzle na ito. Available ito sa lahat ng Android, iOS, at PC users. Kaya hindi magiging problema sa iyo kahit saan mo man ito gusto laruin.
Ang Big Win Club app ay inirerekomenda namin kung ikaw ay naghahanap ng larong mapaglilibangan. Ang lahat ng laro na matatagpuan mo rito ay may kaugnayan sa casino game. Maganda rin itong game center para sa mga Pilipino dahil sobrang dali lang nito gamitin. Hindi mo kinakailangan pumunta pa ng casino para maglaro ng card, slot, o poker games para mag-enjoy. Dinala na sa iyo ng app na ito ang mas kumportableng paglalaro kaya subukan mo na ito.
- 0 Comment
- Casual Game Apps, Reviews
- August 16, 2022