Coloring Brawl Stars All Skins Review

Ang Coloring Brawl Stars ay isang mobile game kung saan magagawa mong kulayan ang iba’t ibang brawl na karakter gamit ang iyong device. Isa pa sa ikinaganda ng larong ito ay hindi mo na kinakailangan ng internet connection para lamang malaro ito. Maglaro kahit saan at kailan, i-download at i-install lamang ito sa iyong mga lokal na app store. Ito rin ay libreng laruin at angkop sa lahat ng manlalaro, mapabata man o matanda ay maaari itong subukan. Kaya samahan kaming siyasatin ang makulay na mundo nito kasama ang iba’t ibang brawl karakter. 

Ano ang layunin ng Coloring Brawl Stars?

Ang layunin ng larong ito ay malibang ang mga manlalaro sa pagkukulay ng iba’t ibang brawl na karakter. Pagbukas mo pa lamang ng app ay bubungad na sa iyo ang main screen nito kung saan makikita mo ang mga pangunahin feature nito. May kalayaan kang pumili kung anong karakter ang gusto mong kulayan at ang tangi mo lamang na gagawin ay kulayan ang buong larawan ng mga kulay na naka-assign sa bawat parte nito. Ang laro ay walang kahirap-hirap kaya hinding-hindi ka makakaramdam ng anumang pressure sa paglalaro. Ito ay ganap na angkop lalo na para sa mga batang manlalaro dahil maaari itong magsilbing educational medium para sila ay matuto at maipakilala sila sa iba’t ibang klase ng kulay. Napakaganda ng ganitong klaseng app dahil hindi lamang matututo rito ang mga tao ngunit makakapagrelaks din.

Paano laruin ang Coloring Brawl Stars?

Madali lamang laruin ang Coloring Brawl Stars. Gayunpaman, narito ang Laro Reviews upang magbigay ng kaunting gabay para sa mga baguhang manlalaro at malaman kung anu-anong mga feature ang matutuklasan mo sa larong ito. Tutulungan ka rin naming malaman kung dapat mo ba itong subukan o hindi. Upang simulan, i-download at i-install muna ito mula sa available app store sa iyong device. Pagkatapos, buksan ang app at dadalhin ka nito agad sa main screen nito kung saan mo makikita ang pinakapangunahing features nito.

Mula rito, makikita mo ang apat na tab sa baba at naroon ang “Library” at “My Works”. Sa Library mo makikita ang iba’t ibang brawl na karakter. Marami ka ritong mapagpipiliang karakter kaya hindi ka mabibitin sa pagkukulay. Lahat ay maaari mong kulayan. Sa My Works mo naman makikita ang lahat ng brawl na karakter na tapos mo nang kulayan. Lahat ng natapos mo ay makikita mo rito. Sa itaas naman ng screen ay makikita mo ang tatlong tabs ng mga kategorya ng mga karakter, ito ay Skins, Brawlers, at Brawl Mix. Halos puro iba’t ibang karakter lamang ang nilalaman nito, i-scroll lamang pataas at pababa ang screen upang makita ang mga karakter at i-tap ang larawang gusto mong kulayan.

Pagkatapos mo naman pumili ay maaari mo nang simulan magkulay. Mapapansin na ang bawat parte ng karakter ay may nakalagay na numero. Ang mga numerong iyon ang kailangan mong sundin para kulayan ang larawan. Sa baba ng screen ay makikita mo naman ang mga kulay na gagamitin mo at ito ay may mga numero. Kapag pinindot mo ang isang kulay ay makikita mo ang ilang bahagi ng karakter na magiging gray o pixelated, ibig sabihin noon ay doon mo ilalagay ang kulay na iyon. Ita-tap mo lang iyon at kusa na nitong ilalapat ang kulay. Ganito lamang kadaling laruin ito at kapag natapos mo na itong kulayan ay dederetso na ito sa “My Works” folder.

Ang mga kinakailangan para matagumpay na ma-download ang Coloring Brawl Stars sa Android devices ay dapat Android 4.4 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Ito ay wala pang bersyon para sa mga iOS user.

Maaari ring i-click ang mga link sa ibaba upang mag-download:

Download on Android here

Download on PC here

Pros at Cons sa Paglalaro

Sa seksyong ito ay tatalakayin naman natin ang magaganda at nakakadismayang mga bahagi ng Coloring Brawl Stars. Maaaring ito ang iyong maging basehan kung dapat mo ba itong laruin o hindi. Unang nagustuhan namin sa larong ito ay ang pagiging direkta nito. Pagbukas mo pa lamang ay bubungad na sa iyo ang mga pangunahing feature nito. Talagang ang pokus nito ay sa pagkukulay lamang at wala nang iba. Ang mga feature nito ay maayos na nakalapat sa screen at hindi nagdudulot ng anumang pagkalito na isang magandang puntos para sa mga batang manlalaro. Mas pinadali ng mga developer nito ang paggamit sa app para sa lahat ng uri ng manlalaro.

Ikinatuwa rin namin ang maraming karakter na maaari mong kulayan. Siguradong hindi ka mabibitin at madali lang din itong kulayan. Maaari mong i-zoom in at i-zoom out ang larawan para mas makita mo ang mga detalye nito. Madali lang din ang mekaniks kaya kahit unang subok mo pa lamang dito ay alam mo na agad ang gagawin. Hindi mo na rin kinakailangan pa ng tutorial dahil sa sobrang dali lamang nito. Ang mga karakter ay sobrang cute at isang puntos din sa amin ang feature nito na “My Works” kung saan makikita mo ang mga nagawa o nakulayan mo na. Makikita mo ang progress mo sa laro. Isa lang sa ikinadismaya namin ay ang ads na lumalabas, gayunpaman, hindi naman ito madalas lumabas. Nauunawaan naming may ilang app na nangangailangan ng ganitong feature para sa financial support sa program na ginawa nila. Para sa amin ay dapat mo itong subukan para makita mo mismo kung magugustuhan mo ba ang mga nilalaman o feature nito o hindi.

Konklusyon 

Ang Coloring Brawl Stars ay isang magandang educational tool para sa mga bata at maganda naman itong libangan para sa mga matatanda. Ang lahat ng feature nito ay direkta at hinding-hindi ka malilito sa paggamit nito. Ang mekaniks ay sobrang dali lang din at sa unang subok mo rito ay siguradong malalaman mo na agad ang gagawin. Subukan ito para sa iyong sarili para maranasan at makita mo ang feature na hatid nito para sa mga manlalaro.

Kung ikaw ay naghahanap ng iba pang larong mapaglilibangan, inirerekomenda namin ang Big Win Club app. Ang lahat ng larong matatagpuan mo rito ay may kaugnayan sa casino game. Maganda rin itong game center para sa mga Pilipino dahil sobrang dali lamang nitong gamitin. Hindi mo kinakailangang pumunta pa ng casino para maglaro ng card, slot, o poker games para mag-enjoy. Idadala na sa iyo ng app na ito ang mas komportableng paglalaro, kaya subukan mo na ito!

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...