
Ang coloring activity ay ilan lamang sa mga nakakawiling aktibidad na angkop sa lahat, bata man o matanda. Ang mga ito ay magandang uri ng libangan at epektibong paraan upang mapaunlad ang art skills at mas mapalawak ang kaalaman at pagiging malikhain ng marami. Ayon sa mga pag-aaral, ang coloring games for adults ay napatunayang nakakatulong upang mabawasan ang pagkabagot at depresyon. Sa pamamagitan kasi ng mga ito ay nakakapag-relax ang isipan at katawan mula sa mahaba at nakakapagod na araw.
Kung isa ka sa mga gustong subukan ang iba’t ibang coloring activities ngunit nagdadalawang isip dahil sa mataas na presyo ng coloring materials na kailangang gamitin, huwag nang mag-alala pa! May mga mobile game app na maaari mong i-download sa iyong smartphone o computer devices. Hindi mo na kailangang gumastos pa. Malugod na ipinakikilala ng Laro Reviews sa artikulong ito ang ilan sa mga coloring app na maaari mong i-download at subukan.
Libreng Coloring Games for Adults
Kung ayaw mong gumastos at naghahanap ka ng coloring games for adults na wala kang babayaran, ang mga sumusunod ay maaari mong subukan:
- Adult Coloring Book App – Lahat ng features ng app na ito ay libre. Wala kang kahit pisong kailangang bayaran upang i-access lahat ng nilalaman nito. Maaari kang magkulay hangga’t gusto mo. Bukod dito ay may kalayaan din ang mga manlalarong pumili ng kulay na nais nilang gamitin. Malawak ang mga pwedeng pagpilian dito. May mga kulay na iba’t iba ang tingkad at saturation. Tandaan na kakaunti lang ang mga larawang pwede mong makulayan sa app na ito. Hindi ito bagay sa mga taong madaling mabagot at magsawa sa pare-parehong mga larawan.
- ColorMe – Ipinagmamalaki naman ng game app na ito ang mahabang listahan nito ng mga larawan na maaaring makulayan. Ang mga itinatampok na mga larawan dito ay gawa mismo ng users. Kaya kung ang hanap mo ay mga kakaiba at natatanging larawan, ito ang bagay sa’yo. Bawat linggo ay naglalabas din ang developers nito ng mga bagong disenyo. Pwede mo rin itong laruin kasama ang iyong pamilya at mga kaibigan, kahit saan at kahit kailan. Subalit, kahit ang app na ito ay libreng mada-download, kailangan mo pa ring manood ng ads upang ma-access ang ibang features at contents nito.
Premium Coloring Games for Adults
Sa bahaging ito ay tatalakayin naman natin ang coloring games for adults na may bayad. Kumpara sa nabanggit sa itaas, mas maraming pwedeng pagpilian sa mga ito. Ngunit, kapalit nito ay kinakailangan mong gumastos ng kaunting halaga. Narito ang ilan sa mga nangungunang premium coloring app na maaari mong subukan:
- Colorfy – Isa ito sa may may mahabang listahan ng coloring pictures na pwedeng pagpilian. Naglalaman ito ng mga simple at kumplikadong coloring pages. Ito ay swak para mga gustong magpamalas ng kanilang coloring skills at pagkamalikhain. Pwede din ito sa mga gustong pagbutihin ang kanilang talento at abilidad. Maliban sa mga nabanggit, may feature rin ito kung saan maaaring patungan ng filter at texture ang artworks upang gawing mas kaaya-aya ang mga ito. Iyon nga lang, kailangang magbayad para sa premium version nito na medyo may kamahalan.
- Recolor – Ang Recolor ay isang online coloring by numbers for adults na app. Ito ay nagtatampok ng mahigit sa 5,000 katangi-tanging mga larawan. Aminin natin, talaga namang nakakabagot kulayan nang paulit-ulit ang iilan at pare-parehong istilo ng mga larawan. Isa ito sa mga dahilan kung bakit marami ang nagsasawa kaagad sa mga ganitong aktibidad. Sa Recolor, hinding-hindi ka magsasawa kaagad dahil marami kang mapagpipilian. Ito lang din marahil ang app na pwede kang maglagay ng 3D effect sa iyong artwork. May feature rin ito na pwede mong gamitin upang mag-upload ng larawang nais mong lagyan ng kulay. Maayos at mas madaling ding gamitin ang controls nito dahil ang tanging kailanganggawin ay pindutin ang screen ng iyong device at automatic nang makukulayan ang bahaging gusto mo.
- Fun Color – Maraming kategorya ng mga larawan na pwede mong pagpilian sa Fun Color. Ang bawat isa ay naglalaman ng libu-libong larawan. Ilan sa mga kategoryang tampok dito ay may konseptong hango sa mga sikat na movieat cartoon characters katulad ng Minions, Sonic, PAW Patrol at Sing 2. Samantala, isa sa cons ng app na ito ay ang pagkakaroon nito ng sandamakmak na nakakaistorbong ads. Kung ikaw ang tipong mdaling mairita, kailangan mong magbayad upang matigil ang paglabas ng ads habang ginagamit ang app na ito.
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagpili ng Angkop na Coloring App
Sa pagpili ng angkop na coloring games for adults, may ilang bagay kang dapat pag-isipan at isaalang-alang nang mabuti. Una sa lahat, dapat mong alamin kung hanggang saan lang ang iyong kaya. Tanungin ang iyong sarili kung okay lang ba sa’yong magbayad para magamit ang mga ganitong uri ng apps. Kung may budget ka para dito, mas makakabuting piliin ang premium apps dahil mas maraming features ang mga ito. Maraming larawang pwede mong kulayan at walang nakakairitang ads na iistorbo sa ginagawa mo. Kung sa tingin mo ay sulit namang gumastos, wala namang problema lalo na kung nakakatulong ito ng malaki sa’yo. Kung ayaw mo namang gumastos at ang gusto mo ay libreng apps, huwag masyadong umasa sa maidudulot nitong positibong pakiramdam. Asahan na halos karamihan sa mga ganitong apps ay puno ng ads at kakaunti lang ang mga larawang pwedeng gamitin. May iba rin namang kailangan mo lang manood ng ads upang ma-access ang ibang features. Bukod sa babayaran ay mas mainam din na alamin muna ang mechanics ng apps at basahin ang reviews at feedback tungkol dito. May ilang coloring app kasi kung saan ay may numbers kang kinakailangang sundan. Panghuli, tuklasin din ang kakaibang features at effects na pwedeng gamitin upang masulit ito.
Sa kabilang banda, kung hindi mo naman gusto ang mga coloring apps at naghahanap ka mobile app na nagtatampok ng casino games, ang Big Win Club ang bahala sa’yo. Ito ay isang lehitimong online gambling site para sa mga Pinoy kung saan ay maaari kang maglaro ng casino games tulad ng Tongits, Pusoy, Pusoy Dos, Lucky 9 at iba pa. Higit sa lahat, may pagkakataon ka pang manalo ng totoong pera rito.
Konklusyon
Sa nakalipas na mga taon, nasaksihan natin ang pagsulputan ng sari-saring coloring games for adults. Ang mga itinampok na apps ay lima sa pinakapatok at sikat na coloring apps. Dahil sa mga benepisyong hatid ng mga ito, milyun-milyon ang tumatangkilik dito. Mas praktikal at maganda kasi itong alternatibo kaysa sa tradisyunal na coloring activities. Sa tulong ng mga ito, hindi mo kinakailangang mag-aksaya ng coloring materials.
- 0 Comment
- Casual Game Apps, Reviews
- August 15, 2022