Colour Wala Game Review

Ang Color by Number o Colour Wala Game ay isang laro ng pagkukulay na nakakatulong sa iyong magpinta, magkulay, at gumuhit habang nagsasaya. Makakatulong ang pixel art game na ito na mapawi ang stress at gumagambala sa iyong isip.

Nag-aalok ang Colour Wala Game app ng maraming uri ng mga kulay, mga guhit, at mga painting na pagpipilian na siyang magpapagana ng iyong imahinasyon.

Ang Color by Number app o Colour Wala Game ay idinisenyo para sa parehong mga matatanda at bata na maaaring maging isang mahusay na paraan upang mapahusay ang iyong pagkamalikhain at ilabas ang iyong pagiging artist.

Color by Number o Colour Wala Game Features:

  1. Intuitive App Controls

Ang laro ng pagkukulay at pagpipinta ay intuitive at madaling gamitin. Pumili ng mga kulay, larawan, at disenyo sa isang tap lang.

      2. Social Skills

Ibahagi sa mga kaibigan ang iyong paglalakbay sa pagkukulay sa iyong mga social media handle kabilang na ang Instagram, Twitter, at Facebook.

     3. Stress Relief Game

Ang Color by Number o Colour Wala Game ay parang isang therapy session, magkulay at magpinta ngayon at i-relax ang iyong isip.

     4. Sariling Sining

Mag-upload ng sarili mong sining mula sa iyong telepono, dalhin ang mga ito sa mga pixel, simulan ang pag-tap, piliin ang iyong paboritong kulay, at i-enjoy ang Color by Number art game.

5. Maraming Pagpipilian sa Pagpipinta

Pumili mula sa iba’t ibang sining kabilang ang mandalas, bulaklak, unicorn o sandbox. Inner coloring artist mo lang!

Paano laruin ang Colour Wala Game?

Ang pagiging isang artist ay talagang mahirap. Kailangan mong magkaroon ng skill sa sining at pairalin ang pagkamalikhain. Maraming tao ang gustong matuto kung paano gumuhit, magpinta, at magkulay. Buti na lang ay may mga app tulad ng Colour Wala Game na pwedeng tumupad ng pangarap nila.

Ang larong Colour Wala Game ay may mga kategorya na mapagpipilian. Mayroong itong vintage, people, hard, Animals, Magic, Home & Garden, Places, Flowers, Mandalas, Fashion, Yummy, Marine, Lifestyle, Birds, Fantasy, Patterns, Kalikasan, Mga Mensahe o Pagbati, Holidays, Transport, espesyal na mga larawan, at para sa mga bata at marami pang iba. 

Ang paglalaro ng Colour Wala Game ay straightforward. Kapag napili mo na ang iyong ginustong larawan sa isang kategorya, ipapakita nito kaagad ang larawan. Ito ay purong puti na may mga pattern at numero. Sa ibaba ng pahina, makikita mo ang iba’t ibang kulay na pinagsunud-sunod ayon sa kani-kanilang mga numero. Kapag na-click mo ang numero sa ibaba, makikita mo na ang mga larawan ay magha-highlight sa kanya-kanyang bahagi na iyong kukulayan. Halimbawa, pipiliin mong kulayan ang numero 1, ipapakita ng imahe ang lahat ng mga bahaging mayroong numero 1 upang madali mo itong makulayan. May mga pagkakataon o ilang bahagi na talagang maliit at mas mahihirapan kang hanapin ito. Maaari mong gamitin ang Hint button upang mahanap ito. Gayunpaman, ang mga hint ay limitado. Maaari mo itong bilhin gamit ang mga in-game coin o pera o kakailanganin mong manood ng ad. 

Kapag tapos ka nang kulayan ang larawan, mapupunta ito sa tab ng iyong koleksyon sa ilalim ng My Gallery. Araw-araw, magkakaroon ng isang espesyal na imahe o larawang maaari mong kulayan. Maaari mo ring makita ang iyong hindi natapos na mga larawan sa My Gallery.

Upang magdagdag ng excitement sa laro, maaari mo ring makita ang iyong mga nagawa sa My Gallery. Dito ay susukatin ang iyong Nurturing Creativity na maaari mong makamit sa pamamagitan ng pagkukulay ng 5,000 na lugar. Bukod pa rito, narito pa ang mga maaaring makamit na tagumpay:

  • Magkakamit naman ng Egg Hunt sa pamamagitan ng pagkukulay ng anim na larawan gamit ang Egg Badge
  • Art is Passion para sa pagkukulay ng 10 larawan
  • Keep Coming Back achievement para sa pagbabalik o paglalaro sa loob ng pitong sunud-sunod na araw
  • Unstoppable Artist para sa pagkukulay ng limang larawan sa araw-araw
  • Daily Ritual para sa pagkukulay ng pitong araw ng mga imahe
  • Taste For Variety para sa pagkukulay ng isa sa mga imahe sa bawat kategorya
  • Savvy Colorist para sa paggamit ng 15 hints
  • New is Always Better para sa pag-restart ng tatlong mga larawan
  • Spread the Love sa pagbabahagi ng hindi bababa sa limang mga larawan sa iyong mga kaibigan
  • Art Collector para sa pag-save ng limang mga larawan sa iyong mobile phone
  • Petal Perfection para sa pagkukulay ng limang mga larawan ng bulaklak
  • Game of Portraits para sa pagkukulay ng limang mga tao na mga imahe
  • Wanderlust para sa pagkukulay ng limang mga lugar na mga imahe
  • Nature Addict para sa pagkukulay ng limang mga larawan ng kalikasan
  • Add Some Magic para sa pagkukulay ng 10 magic items
  • Break a pattern para sa pagkukulay ng limang patterns na mga larawan
  • Planet Mandala para sa pagkukulay ng limang Mandala images. 

Ang ilang mga nagawa ay ang Pawsome, Birds adored, The Real Fashionista, Nomnomnom, Deep Blue, Beautiful Life, Other Worlds, Trick or Treat, Queen of Hearts, ‘Tis the Season, Advent Calendar, at marami pang tagumpay na makukuha mo sa simpleng pagkukulay at paglalaro ng game na ito. 

Ito ay isang solong application ng laro at hindi maaaring laruin kasama ang mga kaibigan mga kaibigan. Wala itong anumang opsyon na multiplayer. Ang laro ay walang anumang mga hamon o misyon na kailangan mong kumpletuhin. 

Konklusyon

Ang pagpipinta ng mga larawan ay talagang masaya, lalo na sa mga artist na mahilig gumuhit at magpinta. Gayunpaman, sa mga walang hilig, ang pagpapahalaga sa sining ay sapat lamang sa kanila. Ang Color by numbers o Colour Wala Game ay mga klase ng app na makikita sa Play Store o App Store. Piliin ang angkop sa iyong preferences. 

Ang app na ito ay makakatulong sa iyo upang maibsan ang iyong pagkabagot at hahasain din nito ang iyong pagiging isang creative. Maraming manlalaro ang nagsasabi na hindi sila mahilig magkulay ngunit dahil sa app na ito, sila ay nahilig dahil nakaka-relax ito ng isip na hindi tulad ng ibang laro na kailangan mong gamitin ang iyong isip para maresolba ang anumang puzzle. May mga content din sa ibang laro na di kaaya-aya sa mga bata. Ang app na ito ay nakakatulong din sa mga magulang na magkaroon ng bonding moment sa kanilang mga anak. Natuturuan din nila ang kanilang preschoolers kung paano ang tamang pagkukulay. 

Ibinabahagi ng Laro Reviews ang artikulong ito para sa sinumang gustong malaman ang tungkol sa Colour Wala Game or Color By Numbers Game. Kung hindi man ito ang iyong hanap na laro, pwede kang bumisita sa Big Win Club App para sa ibang larong pwede mong magustuhan. Ito ang kinawiwilihan ngayon ng mga Pilipino sa paglalaro dahil ito ay maraming larong iniaalok na nauugnay sa pagsusugal kung saan ay maaari kang manalo ng totoong pera. 

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...