
Sa artikulong ito ay tatalakayin natin ang Colouring Games and Painting na available sa mga app store at maaaring i-download nang libre sa iyong device. Ang apat na mobile coloring games na aming babanggitin ang pangunahing topic ng artikulong ito: Coloring Brawl Stars All Skins, ColorPlanet® Paint by Number, Paint by Number Coloring Games, at Coloring Games: Coloring Book, Painting, Glow Draw. Ito ay umiikot lamang lahat patungkol sa sining kung saan ikaw ay magkukulay ng iba’t bang lugar, maaaring ito ay kalikasan, tao, hayop, lugar, o mga karakter. Madali lamang ang mekaniks ng bawat larong ito. Kaya kung gusto mong matuto at malaman ang mga feature ng bawat coloring game na nabanggit ay patuloy lamang sa pagbabasa ng artikulong ito.
Ano ang layunin ng Colouring Games And Painting?
Ang layunin ng mga larong ito ay ang makapagbigay ng mapaglilibangan para sa mga matatanda at maging isang educational tool naman para sa mga bata. Alam naman natin na ang mga bata ay mahilig sa makukulay na bagay at maaari nitong mapataas ang kanilang interes sa sining. Sa halip na gumamit ng krayola, lapis, at coloring book ay maaari mo na silang turuan sa pamamagitan ng mga app na ito. Mas madali ang pagtuturo at tiyak na sila ay maaaliw. Gamitin natin ang kalamangan sa paggamit ng mga modernong bagay o teknolohiya para tayo ay matuto. Ngunit, syempre para sa mga matatanda, ito ay simpleng mapaglilibangan lamang, gayunpaman, maganda rin itong aktibidad na maaaring makapag-stimulate ng ating isipan. Kaya tara na at alamin na nating isa-isa ang mga ito.
Paano laruin ang Colouring Games And Painting?
Ang mga larong ito ay halos magkakapareho lang din ang mekaniks ngunit ipaliliwanag pa rin namin ang mga feature na nilalaman nito. Kaya wala nang paliguy-ligoy pa tara na at alamin natin ang Colouring Games and Painting.
- Coloring Brawl Stars All Skins
Ang larong ito ay nakatuon sa mga brawl na karakter. Pagbukas mo ng app ay bubungad na sa iyo ang pangunahing feature nito. Sa baba ay makikita mo ang tab na “My Works” at makikita mo roon ang mga natapos mo nang kulayan. Sa bawat larawang matatapos mo ay nadaragdagan ang Hints na maaari mong gamitin kapag nahihirapan kang makita kung alin ang hindi mo pa nakukulayan. Para kulayan ang mga parte ng larawan, piliin lamang ang kulay na nasa ibaba at i-tap ang bahagi ng larawan na dapat mong paglagyan ng kulay na ito.
- ColorPlanet® Paint by Number
Sa larong ito, asahan na ang mga larawan ay maraming detalye. Ang mekaniks ay ganoon din, nakabase sa numero ang iyong pagkukulay. Kung anong nakalagay na numero sa parte ng isang larawan ay dapat iyon din ang kulay na susundin mo. Ito ay may feature na Oil Painting.
- Paint by Number Coloring Games
Katulad din ng nabanggit sa itaas, ang larong ito ay nakabase pa rin sa numero. Kailangan mong kulayan ang bawat bahagi ng larawan depende sa numerong nakalagay dito. May bonus at special na mga imahe na maaari mong subukang kulayan. Sa ibaba ng screen ay makikita mo ang Explore at Events tabs kung saan marami ka pang mapagpipiliang mga larawan. Sa “Me” or sa account icon na makikita mo katabi ng Events tab, doon mo makikita ang progress mo sa laro.
- Coloring Games: Coloring Book, Painting, Glow Draw
Sa tatlong nabanggit na Colouring Games and Painting sa itaas, ito ang pinakamadali at pinakaangkop para sa mga bata upang laruin. Maganda ito bilang starter coloring game para sa mga bata. Sobrang dali at simple lang ng mekaniks at ang kinaibahan nito mula sa tatlo ay hindi ito nakabase sa numero. Sa madaling sabi, malaya kang pumili ng kulay na gusto mong gamitin. Ang mga larawan ay hindi rin ganoon ka kumplikado at lahat ay nakabase sa preferences ng mga bata. Sa gilid ng larawan ay makikita mo ang mga pangkulay, maaaring ito ay krayola, paint brush, o may mga kulay na may pattern o disenyo. Maaari mo ring i-save ang larawan pagkatapos mo itong makulayan.
Ang mga sumusunod ay ang mga diskarteng maaari mong gawin sa paglalaro ng mga larong aming nabanggit sa itaas:
- Para sa Colouring Games And Painting na nakadepende sa numero at kumplikado ang detalye, gamitin ang feature na zoom in at zoom out para makita ang maliliit na numero o detalye. Mas magiging madali ang iyong pagkukulay sa ganitong paraan.
- Alamin kung anong klaseng paraan ng pagkukulay ka mas komportable at sa tingin mo ay mas mapapadali ang iyong pagkukulay. Maaari mong unahin ang baba, kaliwa, kanan, gitna, o taas na parte ng larawan para mas makita mo kung anong bahagi na ang iyong natapos. Mas malinis itong tingnan.
- Subukan muna ang madadaling larawan bago ang mga larawang may kumplikadong detalye.
- Kung ikaw ay nababagot na, mas mainam na magpahinga nang kaunti at muling manumbalik kapag bumalik na ang iyong sigla.
- Mag-enjoy lamang sa paglalaro at hindi mo kailangang i-pressure ang sarili.
Pros at Cons sa Paglalaro
Sa seksyong ito ay tatalakayin ng Laro Reviews ang magagandang bagay na hatid ng mga larong ito, syempre kasama rin dito ang mga bagay na ikinadidismaya namin. Sa totoo lang ay wala kaming makitang pangit sa paglalaro ng mga ganitong klase ng laro dahil lahat ng ito ay educational apps na nakakatulong hindi lang sa mga matatanda ngunit higit lalo na para sa mga batang manlalaro.
Ito ay angkop sa kahit na anong edad at available rin itong i-download sa mga device. Ang pagiging kumplikado ng mga detalye ng ibang mga larawan ay hindi rin namin masasabing cons dahil bahagi ito ng iyong progress at para mas mapahusay ang iyong imahinasyon. Ang mga ganitong klase ng laro ay hindi sapat na dapat laging madali lamang para masabing maganda ang isang application kaya isang plus sa amin na mayroong itong hamon o kahirapan sa pagkukulay.
Natutuwa kami sa iba’t ibang larawang maaari mong pagpilian at mayroon kang kalayaan na piliin ang alin mang larawan ang gusto mong kulayan. Siguradong hinding-hindi ka madidismaya sa paglalaro ng mga ito dahil sobrang dali lang ng bawat feature na matatagpuan mo rito at isa pa ay malilibang ka sa pagkukulay. Maaari mo ring i-save ang mga natapos mo nang kulayan para makita ang iyong progress. Sa kabuuan, lahat ng ito ay inererekomenda naming subukan mo kung ikaw ay naghahanap ng app na may kaugnayan sa sining.
Konklusyon
Ang lahat ng Colouring Games And Painting na aming nabanggit ay magaganda at nakakaaliw laruin. Ang lahat may kaugnayan sa sining na maaari mong pagpraktisan saan o kailan mo man gusto dahil ngayon ay available na ito sa inyong mga lokal na app store. Libre lang din itong laruin, kaya mainam ito lalo na sa mga manlalarong ang nais lamang ay maglibang. Walang mawawala sa iyo kung susubukan mo ang mga ito. Sigurado kaming malilibang ka at magugustuhan mo ang bawat feature nito. Halos magkakaparehas lang din ang mekaniks kaya hindi ka maninibago kung susubukan mo naman ang iba.
Kung ikaw ay naghahanap ng larong may kaugnayan naman sa casino, inererekomenda naming subukan mo ang Big Win Club app. Isa itong magandang game center para sa mga Pilipinong mahilig magsugal. Ito ay idinesenyo upang bigyan ka ng mapaglilibangan at maaari ka ring manalo ng totoong pera dahil isa itong real money online game. Naglalaman din ito ng iba’t ibang casino games kaya hinding-hindi ka mababagot sa paglalaro nito. I-download na ang Big Win Club app ngayon!
- 0 Comment
- Casual Game Apps, Reviews
- August 17, 2022