Ang Cooking Cafe – Restaurant Star: Chef Tycoon ay isang cooking game ng AppOn Innovate kung saan kailangan mong pamahalaan ang iyong restaurant sa iba’t ibang lugar. Nag-publish ang developer nito ng mga katulad na laro gaya ng Patiala Babes at Kitchen story: Food Fever – Cooking Games. Magiging kasing ganda ba ito ng ibang laro? Alamin ‘yan habang patuloy mong binabasa ang artikulong ito.
Dahil ikaw ang manager at ang tanging staff sa iyong restaurant, kailangan mo itong pangasiwaan nang mag-isa. Magkakaroon ka ng iba’t ibang layunin na gagawin depende sa level. Ang ilan ay tungkol sa pagkamit ng kinakailangang bilang ng coins o pagkolekta ng hearts. Gayunpaman, ang iyong pangunahing layunin ay ihanda ang orders at pagsilbihan ang iyong customers.
Contents
Features ng Cooking Cafe – Restaurant Star: Chef Tycoon
Locations – Ito ang mga lugar ng restaurants na kailangan mong pamahalaan. Ang bawat isa ay may hindi bababa sa sampung levels na dapat kumpletuhin sa pamamagitan ng paghahatid ng orders sa customers. Maaari mong ulitin ang mga ito nang hanggang tatlong beses, ngunit magiging mas mahirap na. Bukod dito, maaari mong i-unlock ang restaurants sa pamamagitan ng pagkolekta ng mittens.
Machines – Ito ang mga bagay na ginagamit sa pagluluto o paghahanda ng mga pagkain. Bilang karagdagan, maaari mong i-upgrade ang mga ito gamit ang coins upang mabawasan ang oras ng pagluluto at madagdagan ang dami ng orders.
Foods and Beverages – Ito ang order na pinupuntahan ng customers. Maaari mong i-upgrade ang mga ito tulad ng Machines, ngunit ang kanilang presyo ay tataas. Bukod dito, ang mga pagkain at inuming iyong ihahain ay depende sa kung anong restaurant ang iyong pinamamahalaan.
Decoratives – Ang items na ito ay hindi lamang nagpapaganda sa iyong restaurant ngunit nagbibigay din ng perks tulad ng pagtaas ng pasensya at mga tip ng customers.
Home – Ang lugar na may iba’t ibang silid na maaari mong palamutian gamit ang tickets. Gayunpaman, kailangan mong gumastos ng diamonds o coins kung gusto mong pumili ng isa pang disenyo o palitan ang mga ito.
Golden Serve – Isang bonus game mode kung saan kailangan mong pagsilbihan ang customers hanggang sa matapos ang oras. Ito ay katulad ng pangunahing laro, ngunit hindi mo na kailangang magluto o maghanda ng pagkain at inumin. Kailangan mo lamang silang pagsilbihan, ngunit dapat mong gawin ang mga ito sa parehong pagkakasunud-sunod na gusto nila.
Outfit – Ito ang uniform, hairstyle, at headdress na maaari mong isuot sa iyong karakter. Gayunpaman, maaari mo lamang bilhin ang mga ito sa pamamagitan ng pagbabayad gamit ang totoong pera, diamond, o panonood ng ad.
Boosters – Makakatulong ang items na ito na pamahalaan ang iyong restaurant.
- Lollipop – Ito ay isang matamis na candy na maaari mong ibigay sa iyong customers upang pasayahin sila at panatilihing mataas ang kanilang heart meter.
- No burn – Isang booster na pumipigil sa iyong pagkain na masunog.
- Extra tip – Patataasin nito ang tips na ibinibigay ng iyong customers.
- Instant cook – Hindi mo na kailangang hintaying matapos ang iyong pagkain dahil maluluto ito kaagad ng booster na ito.
Container – Dito mo pwedeng pansamantalang ilagay ang orders na hindi mo pa naibibigay at kukunin na lang kapag pwede nang i-serve..
Recipes – Ito ay naglalaman ng lahat ng mga pangalan ng orders at kung paano ihanda ang mga ito. Makikita mo ito sa pamamagitan ng pagki-click sa icon sa kanang itaas ng iyong screen kapag naglilingkod ka sa customers.
Saan pwedeng i-download ang Cooking Cafe – Restaurant Star: Chef Tycoon?
Pumunta sa Google Play Store gamit ang iyong smartphone kung Android user ka, at i-type ang Cooking Cafe – Restaurant Star: Chef Tycoon sa search bar. Dahil libre ang laro, i-click at i-install lang ito at hintaying matapos ang pagda-download. Gayunpaman, hindi ito available sa iOS at PC.
Narito ang link kung saan mo maaaring ma-download ang laro:
Download Cooking Cafe – Restaurant Star: Chef Tycoon on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.appon.cookingcafe
Tips at Tricks sa Paglalaro
Gusto mo bang makaipon ng mas maraming coins, o marahil ay nahihirapan kang tapusin ang levels? Kung gayon ay gamitin ang tips na ito upang matulungan kang patakbuhin ang iyong in-game restaurant.
Huwag sunugin ang pagkain.
Masasayang ang orders dahil hindi mo maihahain ang nasunog na pagkain kahit sa totoong buhay. Kaya ang pinakamahusay na solusyon para rito ay ang paggamit ng ‘No burn’ booster.
Mag-multitask kung kaya mo.
Ang paggawa nito ay may maraming benepisyo, ngunit may ilang risks na kailangan mong paghandaan. Hindi mo kailangang gawin ang lahat ng mga gawain nang sabay-sabay. Ngunit kung kaya mo, laging unahin ang pag-aalis ng mga pagkaing masusunog kung maghahain ka ng ibang orders.
I-pause ang laro.
Kung nalilito ka sa lahat ng ihahandang pagkain at ihahain sa customers, i-pause ang laro. Dahil nakikita mo ang iyong screen, gamitin ang pagkakataong ito para basahin at suriin ang orders.
Basahin ang recipes.
Ang mga ito ay hindi makakatulong kung nasanay ka sa paghahanda ng orders. Gayunpaman, ang pagre-review sa mga hakbang ay makakatulong sa iyong makabisado kung paano ihanda ang mga pagkain at inumin.
I-upgrade ang iyong food at machines.
Gamitin ang iyong coins upang i-upgrade ang pagkain para sa mas mataas na presyo. Bukod dito, i-boost ang machines upang madagdagan ang bilang ng orders na maaari mong ihanda at mabawasan ang oras ng paghahanda ng mga ito. Kung hindi mo alam kung ano ang unang dapat i-level up, maaari mong sundin kung ano ang inirerekomenda ng laro.
Pros at Cons ng Cooking Cafe – Restaurant Star: Chef Tycoon
Sa nakaraang cooking games mula sa Laro Reviews, kailangan mong i-tap ang machines upang mapuno ang mga inumin. Ngunit hindi mo na kailangang gawin ito sa Cooking Cafe – Restaurant Star: Chef Tycoon dahil awtomatikong gagana ang mga ito. Kaya makakatipid ka ng mas maraming oras at makapaglingkod sa mas maraming customer. Bilang karagdagan, maaari mong ilagay ang dagdag na order sa isang container upang hindi mo itapon ang mga ito. Ang feature na ito ay wala rin sa mga nakaraang laro.
Maaari kang mag-log in sa iyong Facebook account sa laro at makakuha ng mga libreng diamond. Nakakatulong ito sa players na i-save ang kanilang files at ipagpatuloy ang kanilang progress kapag gusto nilang laruin ito sa iba pang devices. Sa kasamaang palad, palagi kang makakatanggap ng error message na nagsasabing hindi naka-set up ang app. Dahil dito, hindi ka makapagla-login sa iyong account kahit na mayroon kang stable internet connection.
Maaari mong i-customize ang iyong karakter sa pamamagitan ng pagpapalit ng kanyang uniform, hairstyle, at headdress. Sa kasamaang palad, maaari ka lamang bumili ng ilan sa mga ito sa pamamagitan ng panonood ng ad, pagbabayad gamit ang totoong pera, o paggamit ng diamonds. Kaya hindi mo mae-enjoy ang mga ito kung ikaw ay isang free-to-play player at naglalaro offline. Bukod dito, ang mga ito ay walang masyadong silbi sa gameplay dahil para lamang sa display ang mga ito.
Konklusyon
Maaaring may katulad na gameplay ang Cooking Cafe – Restaurant Star: Chef Tycoon sa iba pang cooking games, ngunit mas marami pa itong features na mae-enjoy mo. Hindi ka basta-basta magse-serve sa mga customer sa iba’t ibang restaurant dahil maaari mo ring palamutian ang iyong home at shop. Mayroon man itong ilang disadvantages, ngunit maaari mo pa ring i-enjoy ang laro kahit na ayaw mong gamitin ang iyong pera. Para sa Laro Reviews, ito ay isang mahusay na cooking game dahil maraming bagay ka pang pwedeng gawin dito bukod sa pamamahala sa iyong restaurant. Mayroong itong features na nagpapagaan sa iyong gameplay experience at mas namumukod tangi ito kaysa sa iba pang mga laro sa parehong genre.
- 0 Comment
- Casual Game Apps, Reviews
- July 27, 2022