Cooking Master: Restaurant Game Review

Ang Cooking Master: Restaurant Game ay may mahigit isang milyong downloads sa Google Play Store. Ang game app na ito ay isang cooking simulation arcade game mula sa Manta Beat Studio na inilabas noong Disyembre 3, 2021. Pagkatapos lamang ng humigit-kumulang limang buwan, marami ng manlalaro ang nahumaling dito.

Ang pangunahing layunin ng mga manlalaro rito ay maging isang master chef at magmay-ari ng restaurant empire. Kailangan nilang gampanan ang papel ng isang chef at restaurant owner sa laro. Sila ay malilibang at maaaliw habang naghahanda ng mga pagkain at nagbibigay ng orders sa customers. 

Paano I-download ang Laro?

Ang larong ito ay maida-download ng libre sa Android o iOS devices. Maaari kang magtungo sa Play Store o sa App Store, hanapin lamang ang pangalan ng app at i-click ang install button. Kung nais mo namang laruin ito gamit ang laptop o desktop, maaari mong i-download ang app at i-run ito gamit ang isang Android emulator. Para hindi ka na maabala sa paghahanap, pwede mo ring gamitin ang mga sumusunod na link: 

Download Cooking Master:Restaurant Game on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.cookingmaster.restaurant.fever.chef.kitchen.free

Download Cooking Master:Restaurant Game on iOS https://apps.apple.com/bf/app/cooking-master-restaurant-game/id1609030815

Download Cooking Master:Restaurant Game on PC https://napkforpc.com/download/apk/com.cookingmaster.restaurant.fever.chef.kitchen.free/

Ultimate Guide para sa mga Nagsisimula 

Alam natin na hindi birong maging chef at maging may-ari ng restaurant. Ito ay isang nakakapagod ngunit nakakaaliw na aktibidad. Ang elements na ito ang nais ipamalas ng karamihan sa cooking simulation games.

Kung naghahanap ka ng ganitong uri ng gaming app, tiyak na magugustuhan mo ang Cooking Master: Restaurant Game. Dadalhin ka nito sa isang virtual restaurant world kung saan kinakailangan mong magluto at magpatakbo ng negosyo. Hindi ito isang pangkaraniwang cooking game app lang, bukod kasi sa nakakaaliw na gameplay nito, ang features nito ay mas bongga at pinahusay pa. 

Kung nasasabik ka ng makilala ang larong ito, tutulungan ka ng Laro Reviews na malaman ang mga mahahalagang bagay tungkol dito.

  • Walkthrough

Sa larong ito, kailangang kumpletuhin ng mga manlalaro ang mga layunin na nakatakda sa bawat game levels. Kadalasan, ang mga ito ay may kinalaman sa bilang ng mga customer na kailangan i-serve at kabuuang halaga ng coins na dapat kitain. Bukod sa mga ito, may ilan pang mga karagdagang kondisyon depende sa game level. Ang bawat customer na papasok sa restaurant ay magbibigay ng order para sa partikular na pagkain. Kailangan mong maghanda ng pagkain ayon sa kanilang order. May patience meter ka ring makikita sa tabi ng mga customer. Ito ang magsisilbing timer mo para maihain kaagad ang kanilang orders. Iwasang maubos ang laman nito dahil kapag ito ay nangyari, ang customer ay magagalit at aalis na lamang. Hangga’t maaari, kailangan mong makapag-serve sa lahat ng customers upang mapataas ang iyong satisfaction rating at kumita ng sapat na halaga ng coins.

Gayunpaman, kailangan mong tandaan na may mga pagkakataong sabay-sabay na darating ang mga tao sa iyong restaurant. Sa mga ganitong sitwasyon, kinakailangan mo ring kumilos ng mas mabilis upang maibigay ang kanilang order sa lalong madaling panahon. Hindi madaling kumilos ng mabilis habang pinapanatili ang mataas na accuracy level. Upang malampasan ang ganitong mga hamon, kailangan mong mag-focus at mag-concentrate sa iyong ginagawa. Kailangan mong magsanay din sa larong ito upang matutunan ang mga pasikut-sikot at tamang diskarte. Makakatulong din naman ito sa’yo habang ikaw ay nagli-level up dahil mas marami pang hamon ang naghihintay sa’yo. 


  • Gameplay at Features

Kung sakaling naranasan mo nang maglaro ng cooking simulation games tulad ng Diner Dash, malamang sisiw lang ito para sa’yo. Ang kailangan mo lang gawin ay i-tap ang ingredients at i-drag ang mga ito sa lutuan at hintaying maluto. May timer din dito na nagpapahiwatig kung handa na ba ang mga itong ihain. Tandaan na kailangan mong kunin ang mga ito bago pa tuluyang masunog. Habang naghihintay na maluto ang pagkain, pwede mo ring gawin ang ibang gawain tulad ng paghahanda ng juice o kape. Kapag kumikita ka na ng sapat na rewards, kailangan mo ring i-upgrade ang iyong restaurant o kaya ay magpatayo ng dagdag na restaurant chains.

May mahigit sa 200 cuisines ang pwede mong i-prepare at i-serve dito. At sa mahigit 500 game levels nito, tiyak na hindi ka magsasawaang maglaro nito. Bukod sa mga nabanggit, maaari ka ring maglakbay sa iba’t ibang panig ng mundo at pag-aralan ang mga sikat na cuisines. 

  • Reward System

Sa tuwing makukumpleto mo ang isang partikular na antas, makakakuha ka ng coins, EXP, gems, at keys na makakatulong sa’yo para makapagpatuloy sa susunod na levels. Ang bawat in-game currency ay may iba’t ibang gamit sa laro. Halimbawa, ang EXP ay nagsisilbing batayan upang ikaw ay makapag-rank up. Ang coins naman ay ginagamit upang makabili ng items at mai-upgrade ang iyong kitchen tools. Tandaan na importante ang regular na pag-upgrade ang iyong tools upang matugunan ang dumaraming orders. 

  • Progress Bar at Combo Meter

Isa sa mga mahahalagang feature ng Cooking Master: Restaurant Game ay ang progress bar at combo meter na makikita sa itaas na bahagi ng gaming screen. Ito ay nagpapakita ng bilang ng orders na iyong nagawa at kung gaano pa karami ang kinakailangan mong mai-serve. Sa ilalim nito ay makikita mo ang combo meter na nagsisilbing indikasyon kung kailan lalabas ang susunod na combos. Ang mga combo order ay magandang pagkakataon upang kumita ng karagdagang coins. 

Pros at Cons ng Cooking Master: Restaurant Game

Ang patuloy na pamamayagpag ng larong ito ay maiuugnay sa mga positibong feedback na natanggap nito. Marami ang patuloy na natutuwa at nahuhumaling sa challenging nitong gameplay. Karamihan sa game levels nito ay madaling malampasan at maraming rewards na pwedeng makuha. Ang graphics at animations nito ay may magandang disenyo at kalidad. Sa pamamagitan ng panonood ng maikling ads, maaari ka ng makakuha ng 300 coins. Pwede rin itong laruin kahit walang internet connection.

Gayunpaman, may iilang mga manlalaro na hindi lubos na nasiyahan sa game execution. Ang app ay madalas na nagfi-freeze at nagka-crash lalo na sa kalagitnaan ng paglalaro. Sa kalaunan, tila napipilitan ang mga manlalaro na gumamit ng in-app purchases dahil hindi sapat ang kinikitang resources upang makapagpatuloy sa susunod na game levels at makapag-upgrade ng kitchen tools. Nakakalungkot din na may mga pagkakataong biglang nawawala ang game progress at wala nang paraan upang ito ay maibalik pa. 

Konklusyon 

Ang game app na ito ay may average rating na 4.8 stars mula sa halos 9,000 reviews sa Play Store. Sa kabila ng mataas na rating nito, may mga isyu at problema pa rin itong dapat masolusyunan. Para sa Laro Reviews, kung may balak kang subukan ito, kailangan mong malaman na sakali mang gustuhin mong malampasan ang advance game levels, hindi mo talaga maiiwasang gumastos para sa in-app purchases.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...