Count Masters: Crowd Runner 3D Review

Nakakaramdam ka ba ng pagkabagot o kalungkutan nitong mga nakaraang araw? Naghahanap ka ba ng mobile game na makapagbigay ng panandaliang aliw at saya? Isang laro na  punung-puno ng aksyon at mga hamon? Ang Count Masters: Crowd Runner 3D ay isang laro na bubuhay sa iyong dugo! Ito ay isang casual game na inilabas ng US-base developer na Tap2Play LLC. Mula nang naging available ito sa iba’t ibang gaming platforms ay nabighani nito ang mga puso ng libu-libong manlalaro sa buong mundo. Talaga naman kasing kakaiba at kahanga-hanga ito. Sa review na ito ay sisiyasatin natin ang ipinagmamalaki nitong features at gameplay. Bukod pa sa mga ito ay pag-uusapan din natin ang tungkol sa game mechanics nito. Tatalakayin din natin ang mga opinyon galing sa mga manlalarong aktwal nang nasubukan ang laro. 

Ang layunin sa laro ay matulungan ang mga mandirigmang stickman na malampasan ang mga hadlang upang maging matagumpay na crowd master. Sa huling round, dapat talunin ng mga  manlalaro ang King-Stickman at masakop ang kastilyo. Ang Count Master ay madaling laruin ngunit makalaglag-panga ang mga hamon at aksyon dito. Mag-iiba ang pagtingin mo sa isang casual game na katulad nito kapag ito ay iyong nasubukan.

Sa kasalukuyan, ang Count Runner 3D ay wala pang bersyon para sa mga Android users. Pwede lamang itong malaro gamit ang Apple devices tulad ng iPad at iPhone. Kung interesado kang subukan, maaari mo itong hanapin sa App Store o i-click lamang ang link sa baba:

  • Download Count Masters: Crowd Runner 3D on iOS https://apps.apple.com/us/app/count-masters-crowd-runner-3d/id1568245971
Crowd Runner 3D

Crowd Runner 3D

 

Gabay para sa mga Baguhang Manlalaro

Ang pagpaparehistro at online na forms na kailangang punan ay nakakatamad talaga minsan. Hindi na sasakit ang ulo mo dahil sa Count Masters, hindi mo na kailangan pang gumawa ng personal na account. Kailangan lang na i-download ang app at i-install ito. At eto pa, ito ay libre at pwedeng-pwede kang maglaro kahit walang internet connection. Ang kailangan mo lang gawin ay bumuo ng iyong hukbo, maging madiskarte upang malampasan ang mga sagabal sa iyong daraanan at sugpuin ang iyong mga kalaban. Ang larong ito ay hindi lang simpleng pagpapagalaw ng mga stickman, kailangan mong maunawaan kung paano ito gumagana at magplano ng estratehiya upang makarating ang iyong hukbo sa kastilyo.

Narito ang mga karagdagang kaalaman na sigurado akong makakatulong sa mga baguhang manlalaro. Magsisimula ang bawat manlalaro bilang nag-iisang stickman. Bubuo ka ng sarili mong hukbo o crowd habang tinatahak ang daanan. Tandaan, malaki ang tsansa na malipol  ang karamihan sa iyong mga crowd members dahil sa nakaambang mga hadlang kaya siguraduhin na iwasan ang mga ito. Makakakuha ka rin ng mga coins sa pamamagitan nito. Ang pagkakaroon ng maraming miyembro sa iyong crowd ay malaking bagay. Magagamit mo silang lahat ng husto kapag nakipagbakbakan ka na sa King-Stickman. Makokontrol mo ang iyong karakter sa pamamagitan lamang ng pag-swipe sa iyong gaming screen sa direksyong gusto mo.

Sa bahaging ito naman ay makikita mo ang mga diskarte at pamamaraan upang mapadali ang pagkapanalo. Makakatulong rin ito sa mga kasalukuyang manlalaro na nahihirapang makapag-level up. Una, ihanda ang iyong sarili sa pagsabak sa mga hamon at hadlang. Hindi ka dapat mag-atubili na labanan ang iyong mga kaaway dahil hindi ito maiiwasan. Isa pa, dagdag hamon din ito sa iyo bilang manlalaro. Malalaman mo kung nasa malapit lang ang iyong mga kalaban kung may makikita kang pulang singsing. Pangalawa, huwag matakot na gumastos upang makapag-upgrade. Upang magawa ito, dapat ay humakot ka ng mas maraming coins hangga’t kaya mo. Gamitin ang mga ito para pataasin ang skills level ng iyong karakter o  stickman. Sa ganitong paraan, pwede ka ring magdagdag ng mga mandirigma upang matiyak ang iyong pagkakataong manalo at makatanggap ng mga karagdagang reward. Pangatlo, pwede kang manood ng mga ads upang mas maparami ang iyong coins at gamitin ang mga ito sa pag-upgrade. Huwag lang kalimutang unahin mga bagay na magpapalakas sa iyo kaysa sa mga palamuti lamang. Sa madaling salita, huwag kalimutan ang palagi at regular na pag-upgrade. Pang-apat, kapag nakita mong may paparating na balakid, iwasan ito hangga’t maaari. Kailangan mong tiyaking iligtas ang iyong mga mandirigma. Panghuli, dumaan sa direksyong maaari kang makakuha ng karagdagang miyembro. Maging maingat dahil maaaring  mahulog sa mga patibong na nakakalat sa daan ang iyong crowd.

Related Posts:

Boss Life 3D Review

League of Legends: Wild Rift Review

Crowd Runner 3D

Crowd Runner 3D

Crowd Runner 3D – Mga Review ng Laro

Ang Crowd Runner 3D ay may magandang katayuan sa App Store. Mula sa 148,300 thousand ratings, nakakuha ito ng 4.5 average star rating. Ang ganitong status para sa isang laro ay itinuturing na mataas. Paniguradong karamihan sa mga naglalaro nito ay sang-ayon na nararapat lang itong mabigyan ng pagkilala. Lubhang nakakabighani at nakakahumaling ang larong ito. Bukod sa pagbibigay ng saya ay nakakatulong din itong magpatalas ng isip. Masusubok talaga ng husto ang iyong kakayahang mag-focus at mag-concentrate.

Kung meron mang mga bagay na kailangang baguhin sa larong ito, ang pinakauna rito ay ang nakakaistorbong mga patalastas o ads. Hindi maiiwasan na ito ang nagiging sanhi ng pagkaantala ng laro. Idadagdag pa na may mga pagkakataong mas matagal pa ang mga patalastas kaysa sa aktwal na laro. Kung ikaw ang tipo ng taong may maikling pasensya, maiinis ka talaga dahil sa tagal ng pag-uumpisa ng laro. Maaari kang gumamit ng in-app purchase para matigil ang mga ads. Pangalawa, mahirap ding kontrolin ang malaking crowd. Ang mga ito ay nagsisiksikan sa maliit na daanan kaya naman madalas naiiwan, nahuhulog o nawawala ang iilan. Nagiging boring din ang gameplay nito sa katagalan dahil karamihan sa mga hadlang at hamon ay paulit-ulit lang. Gayundin ang kawalan ng paraan upang ang buong crowd ay makapasok sa pyramid dahil may mahabang distansya sa pagitan ng finish line at hagdanan. May mga pagkakataon din na tila nagiging imposibleng maiwasan ang mga harang. Nariyan din ang mga panaka-nakang pagtigil ng laro, mga bug at lags. Magiging mas kahanga-hanga pa ang laro kung ang mga isyung ito ay mabibigyang-pansin. Mas magiging astig din ito kung madadagdagan ang mga gusali at gagawing mas matingkad pa ang mga tampok na kulay nito. 

Crowd Runner 3D

Crowd Runner 3D

Konklusyon

Pagkatapos nating masuri  ang Count Master: Crowd Runner 3D, ang aking hatol ay ito: Maganda ang laro bilang pampalipas-oras ngunit, kung ang hanap mo ay isang di-malilimutang karanasan sa paglalaro, marami pa itong dapat baguhin at mas pagbutihin pa. Dapat din na isaalang-alang ng mga developers ang mga reviews at komento ng mga manlalaro. Gayunpaman, kung ikaw ay naghahanap ng single-player na larong bago at may kakaibang gameplay, ito ay  isang mainam na opsyon.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...