Counter:Side Review

Counter:Side – Hindi talaga kumpleto ang pagiging bata natin kung ni minsan ay hindi natin binusog ang ating mga sarili sa pantasya. ‘Yung tipong hindi nawawala sa ating mga laro ang pagganap natin bilang isang superhero na may iba’t ibang klase ng kapangyarihan gaya ng apoy, tubig, lupa, hangin o kung ano pa man na minsan ay produkto ng ating mga napapanood sa telebisyon. Bagaman tapos na ang ilan sa atin sa pagkabata para mangarap bilang isang superhero, hindi ibig sabihin nito ay hindi na natin ito matutupad ngayong may edad na tayo, dahil sa totoo lang, maaari pa! Posible at sagot kayo ng Laro Reviews dahil mayroon kaming bitbit na rekomendasyon para rito. 

Kung isa ka sa mga bata noong nangangarap maging isang superhero gaya ng aking nabanggit sa taas, maaari mo na itong matupad sa tulong ng role playing game na itong nilikha ng ZlongGames, ang Counter:Side. Sa larong ito, hindi ka man nabigyan ng pagkakataong magkaroon ng kapangyarihan para makipaglaban, gagampanan mo naman ang papel ng pagiging CEO ng isang military company. Trabaho mong magpadala ng mga counter, isang grupo na taglay ang iba’t ibang klase ng kapangyarihan upang labanan ang mga unknown creature na tinatawag nilang Corrupted Objects.

Sa tulong ng larong ito, para ka na ring naging isang superhero dahil nasa kamay mo ang ikaaayos ng mundong nasa gitna ng apocalyptic event. Wala ka mang kapangyarihang gaya ng inaasam mo noong kabataan mo, may kakayahan ka namang pakilusin ang bawat indibidwal na taglay ang kapangyarihang maaaring tumalo sa mga kalaban dito. Kaya naman, simulan na natin ang larong ito. Simulan na ang pag-deploy sa mga hero at ubusin ang monsters at bosses na mayroon dito.

Counter:Side - Laro Reviews

Counter:Side – Laro Reviews

Features ng Counter:Side

Mayroong iba’t ibang karakter o unit na maaari mong pagpilian upang i-deploy sa bawat laban. Bawat isa sa mga ito ay may kanya-kanyang role na ginagampanan gaya ng pagiging isang Defender, Striker, Sniper, Ranger, Tower, Supporter at Siege. Makikita mo rin ang mga ito sa tuwing may nagaganap na recruitment sa loob ng Counter:Side. Mayroon kasing tinatawag rito na Selective Recruitment kung saan isa-isang ipakikilala sa’yo ang mga karakter na mayroon sa laro. Makikita mo rin dito maging ang kanilang skill rating na siyang maaari mong gamitin bilang guide sa pagpili. Tandaan na mayroon ka lamang 30 times pagdating sa pagre-reroll ng iyong mga karakter.

May iba’t ibang klaseng mission na makikita sa larong ito. Mayroong para sa daily kung saan malalagpasan mo lamang ito sa simpleng pag-log in sa laro, sa unang beses na pag-recruit at sa limang beses na pakikipaglaban. Ganoon din pagdating sa weekly kung saan kailangan mo lamang ding gawin ang pag-log in sa laro nang ilang beses, ilang beses na pagre-recruit, at pagpapanalo sa bawat laban. Mayroon ditong tinatawag na small firm kung saan naroon ang nakahilerang mga mabibigat na mission kung saan animo’y sinusunod mo ang daloy ng kwentong mayroon sa laro. Sa bawat pagtatapos mo sa mga ito ay ang reward na magagamit mo rin sa iyong mga susunod pang laban.

Sa bawat laban, kailangan mo lamang talunin ang sinasabing “boss” na Corrupted Objects. Sa bawat panalo mo ay makakatanggap ka ng karampatang reward. Malalaman mo namang talo ka sa laro kung sakaling masira ng mga kalaban ang ship na mayroon ang inyong team. Kailangan mo lamang ding matalo ang bawat kalaban sa itinakdang oras. Kung hindi mo ito magagawa ay matatalo ka.

Bukod sa pagiging gacha ng larong ito, itinuturing din itong isang uri ng mecha game dahil maaari ka ring gumamit ng iba’t ibang machine dito bilang panlaban. Ilan na riyan ay ang ship na mayroon ding taglay na skill na maaaring gamitin ng bawat manlalaro upang labanan ang mga corrupted object.

Saan Maaaring I-download ang Counter:Side?

Counter:Side - Laro Reviews

Counter:Side – Laro Reviews

Ang larong ito ay nangangailangan ng 3.9GB sa Google Play Store para mai-install habang 4GB naman pagdating sa App store. Kung pagdating naman sa laptop, nangangailangan ito ng emulator gaya ng bluestacks. Kung nais mo itong laruin, i-click lamang ang mga link sa ibaba depende sa device na iyong gamit.

Download Counter:Side on PC https://www.bluestacks.com/apps/card/counterside-sea-on-pc.html

Download Counter:Side on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.zlongame.sea.cside

Download Counter:Side on iOS https://apps.apple.com/ph/app/counter-side/id1550568573

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Counter:Side

Ang bawat character na narito ay mayroong kanya-kanyang role na ginagampanan. Makikita ito sa oras na mamili ka sa mga ito partikular na sa recruitment. Mahalagang malaman mo ang bawat klase ng role na ito at kung anong mga role ang compatible sa isa’t isa dahil kakailanganin mo ito sa tuwing nagde-deploy ka ng hero na pwedeng lumaban sa mga corrupted object. Kung sakali mang pumalya ka sa pagtutugma sa mga ito, maliit lamang na porsyento ang magiging pinsala nito sa kalaban. Kailangan itong i-master ng bawat manlalaro dahil sa bawat stage na mayroon ang laro, gano’n din malimit ang pagpapalit ng unit o character na idi-deploy sa bawat laban.

Related Posts:

Lotsa Slots – Casino Games Review

Avakin Life – 3D Virtual World Review

Sa tuwing naglalaban din ang mga hero at ang corrupted objects, makikita mo sa bandang ulo ng karakter ang sinasabing purple gauge. Ito ang nagsisilbing counter attack ng karakter. Sa oras na handa mo na itong magamit, nagpapakita ito. Kailangan lamang maging maingat sa paggamit nito dahil isang beses mo lamang itong magagamit.

Pros at Cons ng Counter:Side

Counter:Side - Laro Reviews

Counter:Side – Laro Reviews

Para sa Laro Reviews, sapat na ang graphics at tunog ng laro upang masabi mong nakakaaliw ang larong ito. Kamangha-mangha ang bawat effects na inilagay dito partikular na sa bawat labanan. Kahit pa sakop ng bawat effects ang iyong screen ay hindi mo iisiping magreklamo dahil kaakit-akit pa ring tingnan ang mga ito. Masarap ding pakinggan ang bawat tunog na inilagay dito na animo’y pwede mong sabayan. Dahil na rin dito kung bakit may pagkakataong talagang susubaybayan mo ang bawat dialogue at ginaganahan ka sa bawat laban.

Mayroon ding magandang istorya na dumadaloy sa laro. Aminin na nating dahil korean ang gumawa ng laro, asahan na talaga nating maganda ang magiging kwento nito. Maganda ang ginamit na plot sa kwento kung saan hindi lamang ito umiikot sa pagiging CEO ng bawat manlalaro kundi pati na rin ang iba’t ibang kwento ng bawat karakter na mayroon sa laro gaya ni Yoo Mina na sinasabing bida sa laro at ang kanyang journey bilang isang counter. Marami pang kapanapanabik na kwento ritong talagang magiging isa ring dahilan bakit mo ipagpapatuloy ang laro.

Kung mayroon namang masasabing disadbentahe rito, iyon marahil ay ang malaking requirements nito gaya ng pagkakaroon ng 3GB na storage bago i-download. Maganda ang kalidad ng laro kaya marahil iyon ang dahilan kung bakit ganoon na lamang kalaki ang dapat na ilaang space para rito. Gayunpaman, para rin kasi itong daan upang limitahan ang bawat manlalarong i-download ito.

Konklusyon

Kung ang Laro Reviews ang tatanungin, masasabing isa ang Counter:Side sa maaari mong subukan kung Gacha games ang hinahanap mo dahil mayroong feature ang larong itong dito mo lamang makikita. May kakaiba ring bihis ang larong ito pagdating sa storyline at battle system. Kaya naman, kung nasa isip mo nang i-download ito, ituloy mo lang dahil paniguradong hindi ka magsisisi.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...