Cover Orange 2 – Educational Game Review

Ang Cover Orange ay isang puzzle platform game kung saan kailangang mag-stack ng mga bagay upang mapangalagaan at maprotektahan ang kaibigang orange laban sa mapanganib na acid rain.

May iba’t ibang levels ito at ang bawat isa ay may itinakdang pagkakasunud-sunod at kailangang gumamit at maglagay ng mga gamit ng mga manlalaro sa pagliligtas ng orange.

Alamin ang mga bagong karagdagan sa Cover Orange 2 na ibabahagi sa iyo ng Laro Reviews sa artikulong ito. Basahin hanggang dulo upang malaman ang mga bagong ideya sa paglalaro nito.

Layunin sa Paglalaro ng Cover Orange

Ang pangunahing layunin sa paglalaro ng Cover Orange ay ang mabigyang proteksyon ang oranges mula sa mapanganib na acid rain. Gagamitin ang mga kagamitan tulad ng barrels, treasure chest at bomba upang i-cover at protektahan ang mga kawawang prutas. Papalibutan ng mga gamit ang oranges at hihintaying makalampas ang evil cloud. Sikaping hindi magkaroon ng anumang gap dahil ang nakamamatay na ulan ay kayang makapasok kahit sa maliliit na butas.

Kapag naipwesto na ang mga gamit at siguradong protektado na ang orange, darating na ang ulap. Huwag kalimutang kulektahin ang nakatagong stars sa bawat level. Siguraduhing tingnang mabuti upang walang makalampas na stars sa screen.

Features ng Cover Orange

Mayroon itong mahigit 300 na iba’t-ibang levels at nakakamanghang puzzles. Nilagyan ito ng mga bagong elemento upang mas maging masaya tulad ng spike-ball, glass at trampoline.

May option ito para sa customization, mga istoryang tungkol sa mga pirate at maging time travelling adventure.

Maaaring laruin ang Cover Orange kasama ang pamilya. Ito ay angkop kahit na sa mga bata dahil ang tema nito ay pwede sa kahit anong edad.

May dressing room ito kung saan maaaring i-customize ang iyong orange ng ayon sa kagustuhang disenyo.

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Cover Orange

Upang maprotektahan ang oranges, gamitin ang mga available na gamit tulad ng wheels, blocks, barrels at treasure chest. Bawat bagay na ito ay kailangang ihulog mula sa itaas na bahagi ng screen kaya kailangan ng eksaktong tyempo para mailagay ang mga ito sa posisyong gusto mong paglagyan na tatakip sa orange. Gamitin ang mga bomba sa pagpoposisyon ng mga kagamitan sa tamang lokasyon.

Maaari ring pagpalit-palitin ang iba’t ibang elemento ng environment. Kapag nagamit na ang mga bagay ay magsisimula na ang ulan kaya siguraduhing maiayos agad ito ng tama upang hindi tamaan ng ulan ang orange.

Gumagamit ang Cover Orange ng three star scoring system. Ang unang paraan upang makapuntos at makakuha ng star .ay sa pamamagitan ng pagkumpleto ng level. Ang susunod na star ay makukuha sa pagkumpleto ng level ng mas mabilis. At ang pangatlo ay makukuha sa pamamagitan ng pag-click sa star na lilitaw sa background habang dumadaan ang cloud.

Madalas ay hindi napagtutuunan ng pansin ng mga manlalaro ang pagkuha ng panghuling star dahil ang atensyon nila ay napupunta sa dumadaang ulap sa pagtiyak na hindi tatamaan ng ulan ang orange hanggang sa makalampas ang ulap. Sikaping makakuha ng stars sa tatlong paraan upang ma-maximize ang mga option sa pagkuha ng puntos.

Pros at Cons 

Sa pangkalahatan ay hindi ganoon karami ang nadagdag sa Cover Orange 2 ngunit sinikap nito na gawing mas makabago ang mga bagay dito na isinasaalang-alang pa rin ang core gameplay ng laro.

Sa paglalaro, maghahanay pa rin ng mga bagay upang magsilbing proteksyon ng orange laban sa mapanganib na ulan. May mga karagdagang bagong levels, mula sa mga madadali papunta sa mga mas mahihirap at challenging na mga level. May mga bagong bagay na idinagdag tulad ng spiked balls, glass at trampoline na magagamit para sa mga bagong tricks na maaaring gamitin sa laro.

May mapapansing mga pagbabago rin sa itsura nito gaya ng ilang bagong animation at mga bagong animated na elemento sa background nito. Maliban dito at sa mga bagong costumes, hindi na gaanong mapapansin ang iba pang mga pagbabago dahil minimal lang ito. 

Ang tunay na panghatak ng larong ito ay ang pagkakaroon ng bagong ideya sa bawat level. Bawat level ay iba ang paraan ng paglutas na kailangang tuklasin. Hindi laging madaling malaman kung ano ang dapat gawin kaya kailangan itong pag-isipang mabuti. May partikular na solusyon para sa mga puzzle nito ngunit maaaring makaisip ng alternatibong solusyon sa paglalaro. At kapag nakuha ang tamang sagot, siguradong makakaramdam ng kagalakan sa iyong tagumpay.

Konklusyon

Ang Cover Orange 2 ay hindi lang nakakalibang, nakakatulong din ito na mas mapatalas ang isip ng mga manlalaro. Nakakatulong itong mahasa ang systematic approach ng tao o ang kakayahang magnilay-nilay habang nag-iisip ng mga estratehiya na magagamit upang malutas ang puzzle. Dahil bawat isang level ay may kakaibang solusyon, mapipilitang mag-isip ng bagong taktika ang manlalaro upang malutas ang puzzle. Sa paggawa nito, nahahasa at lumalawak ang kanyang pag-iisip.

Nade-develop din ng larong ito ang flexibility ng mga manlalaro. Habang naglalaro, kailangang pag-isipan at malaman ng mga manlalaro kung paano gagamitin ang mga available na bagay at kung saan ito dapat ipwesto. Istrikto ang physics ng laro kaya ang paglalagay sa maling posisyon ay maaaring magdulot ng pagkahulog nito sa screen. Kailangang nasa tamang pagkakasunod-sunod din ang paglalagay ng mga ito kaya kailangang i-visualize at buuin muna sa isip kung anong istruktura ang itatayo bilang pananggalang ng orange.

Maaaring hindi makuha ang tamang sequence sa unang pagsubok kaya kailangan rin ng mahabang pasensya ng mga manlalaro sa pag-ulit at pagsisimula muli hanggang sa makuha ang tamang approach sa bawat level ng puzzle.

Kung dumating naman sa punto ng pagkabagot sa larong ito, maaaring subukan ang https://bigwinclub.site/ Dito ay mas lesser ang stress sa paglalaro at hindi na kailangan ang malalim na pag-iisip. Isa itong kilalang casino app na popular sa mga Filipino. Maraming mapagpipiliang laro sa loob nito at may mga free games din upang masubukang laruin ng mga baguhan sa platform na ito.

Sa panahon ngayon ay napakarami ng mga laro ang mapagpipilian. Iba’t iba ang mga ito at halos lahat ng uri ng laro na aangkop sa personalidad ng manlalaro ay mayroon na. Lalo na at napakadali na ng access maging sa PC man ito o sa smartphone. Kaya naman hindi na problema ngayon ang pagkainip. Ilang pindot lang at presto! Ang pagkabagot ay mapapalitan na ng saya. Kaya ano pang hinihintay mo? Mag-download na at maglaro para tuloy-tuloy ang ligaya.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...