Crazy Chef: Food Truck Game Review

Magpakitang-gilas at galing sa paglalaro ng cooking games sa Crazy Chef: Food Truck Game! Ito ay nilikha ng Casual Joy Games at maaaring laruin sa Android at iOS mobile phones. Mararanasan mo ang cooking fever sa pamamagitan ng mabilisang pag-tap sa screen para tuluy-tuloy ang pagluluto at pagsi-serve ng orders sa iyong customers. Maaari mo ring gamitin ang tulong ng boosts para makumpleto ang target sa nilalarong level. Patuloy na maglaro para makatanggap ng mas maraming rewards!

Features ng Crazy Chef: Food Truck Game

Cook Various Foods in Different Restaurants – Iba’t ibang restaurants ang mapupuntahan mo habang naglalaro. Kaya naman sari-saring mga pagkain din ang maaari mong lutuin! Magsisimula ka sa pagluto ng chicken drumsticks pati na paggawa ng  donuts, waffles, at marami pang iba. 

Travel Around the World – Ipamalas ang iyong galing sa pagluluto sa buong mundo! Mabibigyan ka ng pagkakataong makapagluto sa international restaurants at makapunta sa iba’t ibang bansa tulad ng Italy, USA, Mexico, at marami pang iba.

Offline Mode – Hindi nangangailangan ng internet connection ang larong ito kaya naman maaari mo itong ma-enjoy kahit nasaan ka man at anumang oras. Ito ang perpektong laro kung ikaw ay naghihintay sa pila o kung nais mo lang magpalipas ng oras.

Saan Pwedeng I-download ang Crazy Chef: Food Truck Game?

Narito ang Laro Reviews para ituro kung saan at paano i-download ang Crazy Chef: Food Truck Game. Kasalukuyang available lamang ang laro sa Android at iOS users kaya hindi pa ito posibleng mai-download gamit ang PC. Pumunta sa Google Play Store para sa Android users at sa App Store naman kung ikaw ay iOS user, gamit ang iyong mobile phone. Ilagay sa search bar ang pamagat ng laro. Kapag nahanap na ito, pindutin ang Install o Get button at hintaying matapos ang pag-download. Hindi na kailangang magbayad para i-download ang laro dahil free-to-play (F2P) ito. Buksan ang app at kumpletuhin ang lahat ng kailangan sa sign-in details. Ayan, pwede mo nang simulan ang paglalaro!

Narito ang links kung saan pwedeng i-download ang laro:

Download Crazy Chef: Food Truck Game on Android https://laroreviews.com/crazy-chef-food-truck-game-review/

Download Crazy Chef: Food Truck Game on iOS https://laroreviews.com/crazy-chef-food-truck-game-review/

Tips at Tricks sa Paglalaro

Sa oras na sinimulan ang paglalaro, mayroong maikling tutorial para ituro kung ano ang dapat gawin sa laro. Halimbawa, kailangan pindutin ang chicken drumsticks para masimulan ang deep-frying nito. Maghihintay ka ng ilang segundo hanggang sa matapos ang countdown ng timer na makikita sa pinipritong chicken. Pagkatapos nito ay tsaka mo na pwedeng kunin ang chicken sa pamamagitan ng pag-click nito para mailagay sa plato na iyong isi-serve sa customer.

Habang pataas nang pataas ang nilalarong level, importanteng alalahanin din ang pag-upgrade ng iyong kitchenware, kabilang ang kitchen equipment at ingredients. Mainam na unahin ang mga kagamitang may nakalagay ng “Recommended” dahil ito ang pinakakakailanganin mo sa susunod na level. Ginagamitan ng coins ang pag-upgrade ng mga ito kaya mahalagang paramihin ang coins sa pamamagitan ng paglalaro. Nakakatulong ang pag-upgrade nito para mapabilis ang ginugugol na oras sa pagluluto.

Sa bawat level, mayroong target na dami ng coins na dapat mong makamit mula sa customers na papasok sa restaurant. Bukod pa rito, may levels ding mayroon lamang limitadong oras kaya ang goal nito ay makapag-serve ng sapat na bilang ng customers para malampasan ang level. Kapag naman nakumpleto mo ang isang level, makakatanggap ka ng diamonds, coins, at keys. Alamin mo rin kung kailan dapat mangolekta ng likes para malampasan ang level. May mga pagkakataon naman kung saan ang target ay hindi dapat magtapon ng pagkain. Kapag ganito, iwasang masunog ang nilutong pagkain para hindi mo ito itapon.

Ang susunod ko namang tip para sa’yo ay ang pagsasagawa ng combos. Mapapansin sa itaas ng screen ang combo meter na isa-isang nadadagdagan kada order na iyong naisi-serve. Pagsunud-sunurin ang pagbibigay ng order para mabuo ang combo  at makakuha ka ng mas maraming coins. Maaaring mahirapan kang mapanatiling magkakasunod ang pagbibigay mo ng mga pagkain lalo na kapag mabilis ang pagdating ng customers. Kaya importante ang konsentrasyon sa paglalaro. Kapag nasanay ka na sa pagluluto at pagbibigay ng orders, tiyak na magiging madali na lang ito sa’yo lalo na kung pamilyar ka na rito.

Nakakatulong din ang paggamit ng boosts para malampasan mo ang bawat level. Iba-iba ang kanilang gamit, tulad ng Ultra Cooker na ginagamit para hindi ma-overcook ang nilutong pagkain. Ang Double Price ay nagdodoble ng nakuhang coins sa isang level, samantalang ang Instant Cook ay ginagamit upang maluto kaagad ang pagkain at hindi na kailangang maghintay. Pwede mong gamitin ang Combo Twister para pabagalin ang combo timer. Ang boost na More Customers ay magagamit kapag hindi mo naabot ang target na dami ng customers dahil nagbibigay ito ng karagdagang tatlong customers. Ang Second Chance boost naman ay nagsisilbing ikalawang pagkakataon para maitama ang paglalaro. Panghuli, ang Magic Rainbow Cake ay maaaring gamitin upang mapasaya ang lahat ng customers habang naghihintay sa kanilang orders. May iba rito na kailangan mo pa munang ma-unlock bago magamit. Bagaman mabibili mo ang mga ito gamit ang diamonds, magkakaroon ka muna ng libreng tatlong gamit sa umpisa para sa bawat boost.

Tingnan kung ano ang target sa partikular na level na balak mong lalaruin. Kung ito ay mayroong limitadong oras, mainam na gamitin ang boost na Instant Cook dahil makakatulong ito para agad na maluto ang mga pagkain. Nang sa gayon, hindi mo na kailangang maghintay pa para mai-serve ang orders ng customers. Bilang resulta, mas marami ang makukuha mong coins sa loob ng limitadong oras na ibinigay. Importante rin ang keys na nakukuha tuwing natatapos mo ang isang level dahil kailangan mong kolektahin ito para mabuksan ang box na matatagpuan sa dulo. Kailangan mong magbuksan ang box na iyon para magpatuloy sa mga susunod na levels. Ulit-ulitin ang levels kung saan may makikita kang key sa taas nito. Para kapag natapos mo ito, makakatanggap ka karagdagang keys. 

Pros at Cons ng Crazy Chef: Food Truck Game

Ang larong ito ay nasa ika-105 sa mga larong nasa kategoryang Strategy sa App Store. Mataas din ang ratings nito sa Google Play Store na nakakuha ng 4.8 out of 5 stars, at sa App Store na mayroong 4.7 out of 5 stars. May pop-up ads ang laro, ngunit maaari mo itong alisin kung maglalaro ka gamit ang offline mode feature nito. Gayunpaman, may mga ads na maaaring panoorin para makatanggap ng rewards. Halimbawa, mabubuksan lamang ang Mystery Gift na iyong nakuha mula sa customers sa pamamagitan ng ads o madodoble ang coins pagkatapos manood ng ad. Pagdating naman sa graphics nito, malikhain at makulay ang pagkakagawa ng disenyo. Bagay na bagay ang larong ito lalo na sa mga taong ang hilig ay cooking games. Dagdag pa rito, iba’t ibang targets ang dapat makumpleto ng manlalaro. Hindi nagiging boring ang paglalaro sapagkat nag-iiba ang challenge na nararanasan sa paglalaro.

Gayunpaman, nakararanas ng issues ang mga manlalaro tulad ng pag-freeze ng app kung saan nagiging dahilan ito para hindi sila makapaglaro. Lumalabas sa screen na kailangan i-check ang internet connection kahit wala namang internet problem. Bukod pa rito, may pagkakataon kung saan malapit nang matapos ang iba sa Italy level at papunta na sila sa susunod na bansa, ang Mexico. Ngunit bumabalik lang ulit ang laro sa USA level pagkatapos. Kapag naman sinusubukang buksan ang Italy, nahihinto lang ito sa 10% na paglo-load. Ang lahat ng ito ay nangyari matapos nilang i-update ang laro. Bukod pa rito, madalas din ang pag-hang ng app kung saan nagiging balakid ito sa paglalaro.

Konklusyon

Sa paglalaro nito, ma-eenjoy mo ang pagluluto ng iba’t ibang pagkain sa magkakaibang restaurants. Hindi lang ito, mararanasan mo ring pumunta sa mga bansa tulad ng USA, Italy, Mexico, at iba pa. Bagaman madali lang ang gameplay nito, hindi pa rin mawawala ang thrill sa pagsagawa ng targets sa bawat level. Kaya kung interesado o hilig mo ang pagluluto, mairerekomenda ng Laro Reviews na subukan mong laruin ang Crazy Chef: Food Truck Game. Huwag kalimutang gamitin ang tips at tricks sa article na ito bilang gabay sa iyong paglalaro. 

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...