Crisis Action: 6th Anniversary Review

Crisis Action: 6th Anniversary – Kung hilig mo ang mga larong tulad ng Counter Strike, Call of Duty, at Battlefield, malamang ay hindi na bago sa iyo ang gameplay ng larong tatalakayin ng Laro Reviews sa artikulong ito. 

Ang Crisis Action: 6th Anniversary ay isang 3D massively multiplayer online (MMO) first-person shooter (FPS) para sa iOS at Android devices. Ito ang pinakaunang eSports FPS mobile game. Dagdag pa rito, ang larong ito ay nilikha ng game developer na HERO Entertainment Co., Limited kung saan ang laro rin ay isang multiplayer action at strategy game. Sa App Store, mapapansing ika-125 ang laro sa kategoryang Strategy. 

Crisis Action: 6th Anniversary - Laro Reviews

Crisis Action: 6th Anniversary – Laro Reviews

Features ng Crisis Action: 6th Anniversary

Multiple Battle Modes – Napakaraming pwedeng pagpiliang battle modes, kabilang dito ang Team, Cartoon Hero, Weightless, Air Raid, Bomb, Hunt, Solo, Saviour, Mutant, Team (Headshot), Hide & Seek, at Prop Brawl. 

Enhance Weapons and Accessory – Iba’t ibang klase ng weapons ang maaari mong makuha at magamit sa labanan. Nahahati ito sa kategorya ayon sa kanilang katangian, kabilang dito ang Melee, Pistol, SG (Submachine Gun), SMG (submachine gun), Rifle, MG (machine gun), Sniper, at Grenade. Sa bawat isa, naglalaman pa ito ng sari-saring klase ng weapons. Pagdating naman sa accessory, nakagrupo ito ayon sa kanilang gamit. Pindutin kung ang accessory na hinahanap ay ginagamit sa Head, Back, Tail, Mask, Leg, at Arm. 

Role and Talent System – Ang Role ay nakapaloob sa kategoryang Alliance, Rebel, Bio, at Hero. May sari-sariling simbolo ang bawat isa at malalaman mo agad kung saan kabilang ang isang karakter. Madali lang makita ang kaibahan nila sa isa’t isa dahil may katumbas itong kulay. Ang Alliance ay kulay asul, ang Rebel ay pula, ang Bio ay berde, at ang Hero ay dilaw. Maa-unlock lamang ang Talent System kapag nakarating na ang manlalaro sa Level 5.

Collection System – Dito maaari kang manalo ng eksklusibong rewards, makakuha ng achievements, at makakolekta ng firearms. 

Chat System – Makipag-usap sa ibang manlalaro saan mang parte ng mundo! Pagdating sa Chat System ng laro, maaaring mamili kung World, Recruit, Team, Friend, Private, o Squad.

Saan pwedeng i-download ang Crisis Action: 6th Anniversary?

Sa seksyong ito ng artikulo, itururo ng Laro Reviews kung saan at paano i-download ang Crisis Action: 6th Anniversary. Gamit ang iyong mobile phone, pumunta sa Google Play Store para sa Android users, at sa App Store para naman sa iOS users. Ilagay sa search bar ang pamagat ng laro. Kapag nahanap na ito sa search bar, pindutin ang Install o Get button at hintaying matapos ang pagda-download. Hindi na kailangang magbayad para i-download ang laro dahil free-to-play (F2P) ito. Buksan ang app at kumpletuhin ang lahat ng kailangan sa sign-in details. Pagkatapos ang lahat ng ito, pwede mo nang simulan ang paglalaro!

Crisis Action: 6th Anniversary - Laro Reviews

Crisis Action: 6th Anniversary – Laro Reviews

Narito ang link kung saan pwedeng i-download ang laro:

Download Crisis Action: 6th Anniversary on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.herogames.gplay.crisisactionsa

Download Crisis Action: 6th Anniversary on iOS https://apps.apple.com/ph/app/crisis-action-5th-anniversary/id1035575622

Hindi available ang Crisis Action: 6th Anniversary para sa mga nagnanais itong laruin sa PC. Kaya i-click na lang ang mga link sa itaas para ma-enjoy ang larong ito sa iyong mobile devices. 

Tips at Tricks sa Paglalaro

Kung ikaw ay baguhan pa lamang, makakatulong ang pagsali sa Training Camp para maging pamilyar at matuto kung paano ito laruin. Magsisilbi itong tutorial para malaman mo kung ano ang controls ng laro at para masanay kang gamitin ito. 

Kapag nakumpleto mo ang mission, makakukuha ka ng Gold at Honor bilang rewards dito. Maaari kang maglaro ng multiplayer kahit kailan. Ngunit isa sa mairerekomenda ko ay ang pagsasanay sa Team Robot. Kapag nakumpleto mo ito sa unang pagkakataon, makatatanggap ka ng diamonds pagkatapos. Tandaang mas maraming Honor ang pwedeng maipon kapag pinatay mo ang kalaban habang puno pa ang bar ng Honor Picked Up. Bukod dito, maaari ka ring makakuha ng karagdagang Honor sa pamamagitan ng pagpatay sa maraming kalaban. Pwede ring makakuha ng Honor sa paglalaro ng wheel sa mall at sa pamamagitan ng pag-e-exchange ng diamond kapalit ng Honor. Magagamit ang Honor sa pagpili ng weapons sa mall. 

Related Posts:

Cover Fire: Offline Shooting Review

Swamp Attack Review

Para makakuha naman ng maraming Gold, kumpletuhin ang tasks sa Primary Missions dahil kapag nagawa mo ito, nagbibigay ito ng Gold bilang reward. Pati rin ang Weekly Sign-in Rewards dahil may pagkakataong Gold ang makukuha mo sa partikular na araw. Sa kabilang banda, para mapataas naman ang EXP, nakakatulong ang patuloy na paglalaro dito pati na rin ang pagkumpleto ng maraming tasks. Mas madali ring makakuha ng EXP at Gold bonuses kapag ikaw ay VIP. 

Crisis Action: 6th Anniversary - Laro Reviews

Crisis Action: 6th Anniversary – Laro Reviews

Pagdating sa labanan, ang tip ko sa iyo ay panatilihing nakadistansya ka sa kalaban. Kaya mainam na long distance ang iyong pag-atake para hindi ka madaling mapatay ng kalaban. Kapag naman marami ka nang napatay na kalaban, agad na lumipat sa ibang lugar para hindi malaman ng ibang kalaban ang lokasyon mo habang bumabaril. Mairerekomenda ko ang paggamit ng magandang sniper dahil mataas ang accuracy at maging ang damage nito.

Iwasan ding sumugod agad sa headquarters ng kalaban sa simula ng labanan. Kapag ganito ang iyong ginawa, ipapahamak mo lang ang iyong sarili at inilalagay sa posisyon kung saan mataas ang tsansa mong mamatay.

Kung sa tingin mo ay hindi mo pa kayang makipagsabayan sa pakikipaglaban sa iba, makakatulong na maniguro sa paglalaro. Ibig sabihin nito ay paliliitin mo ang tsansa ng iyong pagkamatay at mas magpopokus sa iyong kill. Ang tip na maibibigay ko sa iyo ay magtago agad pagkatapos gumalaw. Ganito ang magiging pattern ng iyong pagkilos para masiguro ang iyong kaligtasan. Pero kung dumating ang sitwasyon kung saan may nakaharap kang kalaban, ang gawin mo ay pindutin nang paulit-ulit ang jump button, nang sa gayon ay mahirapan ang kalaban na i-target ang kanyang baril sa iyo. Malaking tulong din kung ang gamit mong weapons ay may mataas na accuracy at damage. 

Pros at Cons ng Crisis Action: 6th Anniversary

May feature ang laro kung saan pwedeng ibahin ang background design ng main page. Maaari mong subukang palitan ang tanawin at gawing Classic, City Ruins, Beach, Picturesque, Spring Street, Outer Space, Lava Base, o Dessert Temple. Hindi lamang ito, pwede ring ibahin ang background music nito. Pareho itong nakakadagdag ng dating sa laro. Makakatulong din ang paggamit ng earphone o headset dahil maririnig mo nang mas maayos ang tunog ng paghakbang ng paa at mas magiging alerto ka sa mga ingay sa paligid. 

Maganda ang graphics ng laro pati ang mismong labanan. Ang problema lang dito ay kapag baguhan ka pa lang mahirap maging pamilyar sa kabuuan ng laro sapagkat nakaka-overwhelm ang mga impormasyong nakikita ng sabay-sabay sa lobby. Isa sa mga inirereklamo ng karamihan ay ang pagkakaroon ng maraming isyu ng cheating sa laro. Mayroon ding bugs at glitches sa app kaya nagiging hadlang ito sa smooth na paglalaro.

Konklusyon

Bilang kabuuan, kung ikaw ang klase ng FPS na manlalarong may matalas na katangian pagdating sa labanan at mahilig makipaglaban sa ibang mga manlalaro, tiyak na ito ang larong para sa iyo. Kaya maganda kung susubukan mo itong laruin at timbangin kung pasado nga ito sa iyong panlasa. Asahang magiging intense ang labanan dito. Pero maging handa rin sa posibleng kaso ng pandaraya sa laro dahil marami ang naging reklamo tungkol sa pagkakaroon ng maraming cheaters sa laban. 

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...